Chapter-97 Alden did

3.2K 115 13
                                    

"Hindi ako papayag Maine Alam mo yan na hindi kita bibitawanan kahit na lahat ng tao sa mundo ay kalabanin ko hinding hindi ako susuko dahil d-dahil na ngako ka sakin Maine nuon na Hindi mo na ko iiwan... remember!!!!!!?  Kaya ngayon gusto ko na tuparin mo yun. !" Wika ni Alden na bahagyang yumuko sa kanya na parang bumulong.

Paglabas niya ay nakita niya ang kanyang ama na si Daddy Fernan. Kausap ito ng mga lola ni Maine. At batid niya na ang pinag-uusapan nito.

Nang lumapit ang ama niya sa kanya ay agad siyang tinanong kung pwede silang mag-usap. Bilang pang sang-ayon yumuko siya ng dahan dahan.

"Sumunod ka sa akin!" Seryosong wika ni Daddy Fernan. 

Nakayuko naman sumunod si Alden sa kanyang ama. At nakarating sila sa rooftop ng Hospital.  At parehas silang nakatanaw sa mga ilaw ng mga Building na naglalakahin sa taas. Na animoy nasa langit na.

"Hanggang kailan ka magiging ganiyan ha? Alden?" Tanong ng kanyang ama.

"Hanggang sa alam ko na kaylangan ako ni Maine.!!" Wika ni Alden na nakatingin parin sa kawalan.

"Halos isang taon na Alden nang mula ng maratay si Maine. At ngayon Marso na ay pahina parin ng pahina ang kanyang katawan Hindi ka ba naawa sa kalagayan niya? Hindi mo ba naiisip na kaya hindi makaalis si Maine ay dahil sayo? Dahil ayaw mo pa siyang bitawan!!!" Matigas na wika ni Daddy Fernan.

Hindi kumibo si Alden. Sa mga sinabi ng kanyang daddy dahil alam niya na tama ito ngunit ayaw niya lang talaga tanggapin.

"Kukunin ko siya kay kamatayan Dad!!" Wika ni Alden.

Gulat ang rumihistro sa mukha ni Daddy Fernan.

"A-no? Kukunin mo siya kay kamatayan? Ano magpapakamatay? Ka rin ha?" Wika ni Daddy Fernan na bakas ang galit sa kanyang mukha habang pinagmamasdan parin ang mga ilaw sa kabihasnan.

"Duwag ako dad!! Alam niyong duwag ako pagdating sa kamatayan at alam niyong kasalanan sa diyos ang patayin ang sarili kaya alam niyong hindi ko gagawin Yan!!!!" Wika ni Alden sa kanyang ama

"Kung ganoon ano ang gagawin mo? Ha?!" Kunot noong wika ni Daddy Fernan nang lumingon sa kanya na bahagya naman kinatuwa ng puso niya ng malaman walang balak magpakamatay ang anak.

"Basta dad!!!!! Gagawa ako ng paraan para mabuhay si Maine!! Dahil hindi ko alam ang mabuhay ng hindi siya kasama!! Nawala na sa akin si Mama kaya hindi ako papayag na pati si Maine ay mawala rin dahil mababaliw ako dad!! Mababaliw ako!!!" Wika ni Alden.

"Ngayon palang ay sira  na nga ang ulo mo eh!! sino ba naman ang matino ang isipan na magsasabing kukunin niya ang mahal niya kay kamatayan? Ha? Anak? Kung pwede nga lang iyon baka ginawa ko na iyon para hanggang ngayon nadito parin ang mommy mo kasama natin!! Kaso anak hindi pwede eh!! Tao lang ka lang tayo!! Kaya ang magagawa lang natin ay ang sumuko lalo na kung alam natin wala na!! Dahil sa buhay kahit masakit ang gagawin natin pagpapasya kung iyon naman ang makakabuti sa lahat gagawin natin kahit na masaktan tayp ng paulit-ulit!!!" Seryosong wika ni daddy Fernan.

Hindi kumibo si Alden sapagkat alam niyang hindi siya mananalo sa daddy niya.  Dahil lahat ng sabihin nito ay tama! Tulad nito nawalan din ito ng babaemg sobra niyang nitong minahal at iyon na nga ang kanyang mommy.

"Bukas na bukas rin Alden. Aalis tayo!! Pupunta tayo sa tito mo sa new york!!! At wala kang magagawa!!!! " wika ng kanyang daddy.

Naikuyom ni Alden ang kanyang mga kamay nang umalis ang kanyang ama ng hindi manlang nito naririnig ang sagot niya.

Nakita ni Maine si Alden na nakayukong pumasok sa kinaroonan ng katawan niya.

"Saan kaya galing itong lalaki na to!!" Wika ni Maine.

Nakita ni Maine na umupo si Alden sa kanyang tagiliran at bahagyang hinaplos ang mukha niyang hindi na ganoon ka tambok.

"Lahat sila sinasabi na isuko na kita Maine!, sa tingin mo ba? Tama sila at ako mali? Sa tingin mo ba? Dahil sa akin kaya ka nahihirapan? Umalis? Ha? Maine? Talaga bang ako ang dahilan ng paghihirap mo? Ng ganito? Siguro nga tama sila masyado na kung sakim sakim na muli kang makasama dahil sa pagmamahal ko sayo siguro nga Maine panahon na para isuko ka hindi dahil hindi kita mahal kundi dahil ayaw ko na mahirapan ka!!  Dahil noon palang ang paghihirap na ang inabot mo sakin!! Kaya ngayon!! Ayaw ko na mangyari na maghirap ka pa dahil lang sa selfishness ko.  Bukas birthday mo na Maine. Happy birthday Meng Happy B-birthday.....,,,,," at biglang yumuko si Alden sa leeg ni maine at kitang kita ni Maine ang paghagugol ng iyak ni Alden habang binibigkas ang happy birthday.
.
Halos hindi makagalaw si Maine sa kinatatayuan dahil sa nararamdaman lungkot at sakit at paghihirap hindi ng damdamin niya kundi ang damdamin ng lalaking umiiyak ngayon sa kanyang harapan habang nakasubsob anv mukha sa kanyang leeg.

"A-a-a-Alden p-p-p-patawad patawad ....patawarin mo ko Alden!!! " .

Samantalang si Shairon na papasok sana sa kwartong iyon ay natigilan na lang at nagpasyang ikubli ang sarili sa pagitan ng pinyo at ng pader. Napakuyom siya habang lumuluha sa narinig na statement ni Alden. Alam niyan na mas mahirap rito ang pagdedesisyon dahil tulad niya ayaw niya na mawala si Maine pero alam rin nila na mahirap kalaban ang kamatayan.

Sa nasaksihan nagpasiya nalang si Shairon na pumunta ng Rooftop at duon sumigaw ng sumigaw na animo'y wala nang bukas. Hanggang sa pumatak ang ulan ay naroon parin si shairon. Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pag-agos ng kanyang mga luha.

Samantalang si Alden ay lumabas na ng kwarto ni Maine at lumapit sa mga lola ni Maine na naroon at ang mga kaibigan at pinsan niya na kasama ng mga ito.

Nagtaka ang lahat sa paglapit ni Alden.

"Hijo!! Bakit? Nakapagpasya ka na ba? Ha?" Wika ni Doc Tidora.

Ilang minutong hindi nakakibo si Alden. Ngunit siya rin ang bumasag ng katahimikan niya.

"Siguro po after na lang ng birthday ni  Maine !" Wika ni Alden.

Medyo nagulohan ang mga lola ni Maine.

"A-anong pagka?--" wika ni Queen Tidora pero naputol ito ng muling magsalita si Alden.

"Pumapayag na po ako na tanggalin ang mga aparato kay Maine after ng birthday niya dahil gusto ko pa siya makasama sa mahalagang araw sa buhay ni Meng daddy!! Sana after nalang ng libing ni Maine tayo umalis ng bansa. Sana this time pagbigyan niyo ko!!  Wika ni Alden at muling pumasok sa kwarto na kung saan nakaratay si Maine .

Samantalang lumuha lang nang tahimik ang mga tao sa labas kwartong iyon maging si Shairon ay parang hindi alam ang gagawin ng mga sandaling iyon. Nang marinig kay Alden ang salitang "Libing" ay gusto niyang magwala. Ng mga oras na iyon.

Samantalang si Queen Nidora ay umiiyak rin rinig na rinig niya ang sinabi ni Alden kanina.  Pumayag na ito na tanggalin ang mga tubo sa katawan ni Maine.  Hindi na niya tinuloy ang pagpunta sa kinaroonan ng mga ito at agad sumenyas sa Nurse na ibalik nalang siya sa kanyang kwarto at doon malaya niyang nilabas ang mga luhang kanina pa pumapatak sa kanyang mga mata.


The Journalist  And The Millionaire  (aldub story) Season-1 And Season-2Where stories live. Discover now