Chapter 6

8 0 0
                                    

Pagkalabas na pagkalabas ko nakita ko si Adley nakangisi ng nakakaloko, ano nanaman balak nitong babaeng toh? "Hoy ateng! Yang ngisi na yan lagi akong pinapahamak niyan!" Sabi ko na habang pinapalaki yung mata ko, "Ano yung narinig ko? Ms. Montes? Lumapit siya sayo? Sino? Dali Spill it!" Pagpipilit ni Adley.

"Ayoko nga kung ano pa gawin mo sa akin sampal sampalin mo pa ako! O kaya bugbugin mo ako!" Sabi ko habang nakayakap sa sarili ko, hinampas niya ako bigla o tignan mo 'to, "Ikaw talaga sasabihin mo lang sa akin kung sino yun makareact ka naman parang hindi ka na makakalabas ng buhay dito!" Sabi niya sabay tapik sa balikat ko pero sa totoo lang nasaktan ako kasi hindi naman tapik yun eh palo yun!

"Oo na but can we talk privately? At tsaka na saan na yung mga lalaking kasama natin kanina?" Tanong ko sa kanya habang tinataas-baba ang kilay ko.

"Well according to my calculations, umalis na sila kasi dadalawin nila si Hank and mostly dapat pagka-akyat ko dito aayain ko kayong dumalaw din kay Caye kawawa naman." Sabi ni Adley.

"So umalis na yung mga lalaki?" Tanong ko sa kanya, tumango naman siya ng mabagal. Nung sinabi niya yun daling-dali ako pumunta sa kwarto ni Diem at ginising siya ng mabagal, "Diem, gusto mo bang sumama sa amin sa ospital?" Hindi siya sumagot at nakita ko yung mukha niya may tumutulong luha doon, hinimas ko namang ang buhok niya, I feel guilty 'e paano ba namang hindi? Siyempre ikaw yung may kasalanan kung bakit nagkanganito ang mga kaibigan ko. Naramdaman ko din na may tumulong luha din sa pisngi ko, nakita ko na lang si Diem na may binulong,

"Hank..."

Pagkarinig ko nun, feel ko na gusto niyang pasalamatan si Hank, nakakalungkot lang kasi na nasa may kritikal na kondisyon ngayon si Hank.

Nakita ko si Diem na bigla-biglang napaupo sa higaan niya, "Oh Diem? Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya na may halong pagka-alala.

"Brae? Adley? Anong nang nangyari? Si Hank, asan siya? Si Caye, kumusta?" Tanong niya sunod-sunod, Napayuko na lang ako ng marinig ko ang boses ni Hank.

"Si Hank, ay nasa kritikal na kondisyon ngayon, Si Caye naman ay minor lang ang sugat niya...." Sambit ko, feel ko napaluha si Diem sa sinabi ko about kay Hank.

"This is all my fault! Ako na lang dapat ang nabaril 'e di dapat ako na ang nasa ospital ngayon! Napakagago ko!" Sabi niya habang sinasabunutan ang sarili niya.

"Diem its not your fault, ako ang may pakana lahat nito, so ngayon magbihis ka muna at pupunta tayo kela Hank." Sabi ko habang nakatingin straight sa mga mata niya.

Tumango na lang siya at pumunta sa closet niya, hindi siya walk-in-closet katulad nung sa bahay niya. Pumunta na rin kami ni Adley sa kwarto at nagpalit.

Habang nagpapalit kami, nakita ko si Adley na nagsuot ng Long sleeve shirt at jeans. I felt bad ulit kasi tinatago niya yung sugat niya. Nagpalit na din ako na Hangin blouse at jeans.

Nang palabas na kaming tatlo, ang bumungad sa amin ang tatlong lalaki sa gate, well ganito yung position nila.

Si Eman naka-head phones at nakaupo sa bubong ng kotse, si Fergus naman nakapikit yung mga mata at naka-earphones siya sa loob well makikita niyo siya kasi nakabukas yung bintana ng kotse, Si Garrett naman pinapaikot ang susi sa kotse.

"Hoy! Ano 'to? Excuse me, namalit ata kayo ng address walang photoshoot dito. At tsaka bakit kayo andito?" Sabi ni Adley habang tinuturo silang lahat.

"Wow! Ihahatid na nga namin kayo sa Ospital ayaw niyo pa? Edi bahala kayo." Sabi ni Garrett at pumasok na sa kotse.

Hinugot ko naman yung shirt ni Garrett.

"Wait lang kasi! Akala kasi namin naka-punta na kayo doon sa ospital hahabol sana kami 'e nandito pala kayo hindi niyo sinabi!" Sabi ko habang niyuyugyog yung katawan ni Garrett.

"Oo na! Oo na! Bitawan mo lang yung shirt ko! Pag nasira yan makikita niyo abs ko!" Sabi niya, sa sobrang kahanginan pinalo ko siya ng napakalakas sa dibdib.

"Asa ka na makikita yang oh-so-called-Abs mo! Baka nga Tabs lang yan 'e" Sabi ko, may narinig naman akong humalakhak doon sa likod. "What's so funny?" Tanong ko habang nakataas ang kaliwang kilay ko.

"The Joke that you said. Nakakatawa." Sabi niya habang tumatawa, Napairap na lang ako.

"That wasn't a joke, Mr. Gonzales." Sabi ko habang nakapameywang.

"Well for me it is." Sabi niya.

"Nope."

"Yes."

"No."

"Yeah."

"Anong yeah?"

"Bakit sabi ko lang yeah anong meron sa yeah ko?"

"Wala lang."

"Ahh.. Okay."

"Tch."

Napa-ganun na lang ako at pumunta na sa kotse, pagkapasok ko nakatabi ko pa yung higante. Naka-earphones lang siya, siguro pag may girlfriend 'to walang pakialam 'to, kasi ang inaatupag lang niya ay EARPHONES and of course MUSIC.

"Matunaw ako niyan." Narinig ko yun, at ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakatingin sa kanya, umiwas na lang ako ng tingin at tumingin na lang sa bintana, "Kung may gusto ka sa'kin sabihin mo, sagot agad." Napalaki naman yung mata ko.

"What the hell?!" Pagalit kong sabi, alam niyo yung feeling na kailangan mag-usap kayo ng tahimik kasi yung mga kasama niyo mga bagsak at natutulog ng mahimbing, Anyways, pagkasabi ko nun nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko, pinikit ko na lang yung mata ko ng mariin, ayokong mapagtripan 'e pero yung mata ko yung sadyang pumipikit.

Naramdaman ko yung ilong niya sa'kin, tinulak ko siya pero hindi malakas, inirapan ko na lang siya as a sign na tigilan niya ang ginagawa niya, "Hay... So ang duwag mo." Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya.

"Wag mo nga ako pagtripan kung wala kang magawa matulog ka na lang." Sabi ko at naiirita na ako.

"Well totoo naman 'e, ayaw mo nga akong halikan 'e." Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa akin.

"At bakit naman kita hahalikan? 'e g*go ka pala 'e" Sabi ko.

"Oy. Don't say bad words." Sabi niya habang naka-lagot sign.

"'e nakakairita ka na 'e," - Brae.

"Ayaw mo nun, kahit hindi ka taken, taken naman na yung first kiss mo." - Fergus.

"Well excuse me, hindi ako katulad mo na nakikipaghalikan sa mga tao na hindi ko naman kilala. I'm not a flirt like you." Sabi ko at sabay irap sa kanya.

"Ha! 'e wala pa nga akong nakakahalikan na babae, at saan mo naman nakuha yan Ms. Montes?" sabi niya habang palapit uli sa mukha ko, at tinutusok yung tagiliran ko.

"Hey! Will you stop that?" Sabi ko, hindi niya pa rin tinitigilan, hinawakan ko na yung kamay niya 'e saktong nagpreno ng malakas si Garrett may sumingit ata kaya narinig kong nagmura siya, muntik na akong mauntog pero hindi natuloy kasi merong nagsalo sa'kin, "Oh my Gosh! That was so close!" Sabi ko, nagising yung iba nga kasi diba yung pagpreno, "Sorry guys! Tulog uli kayo!" Sabi ni Garrett.

Saan ba kami pupunta? Grabe sobrang layo naman ng ospital? Akala mo nasa ibang bansa pa 'e! Ano ready ko na ba passport ko? Nang napansin ko hawak-hawak ko pa din yung kamay ng lalaking 'to. Iniwasan ko na lang yun at tumingin sa labas, nakita ko sila Adley nagising na nang tuluyan kaya iniwas ko na yung kamay ko, Walang malisya ha! Ayoko ding hawakan kamay niya wag kayo!

"Kaw ah!" Narinig kong sabi ng mokong na 'to, hindi ko na lang siya pinansin at tinitignan ang mga tao sa kalsada, bwisit! Bakit ang layo ng ospital? Paano kaya naagapan si Hank at Caye.

Shuuks! Feeling ko namumula ako. Nang nag-stop kami sa iisang building.

"Andito na tayo guys!"

What the....




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ABCDEFGH : The Eight LettersWhere stories live. Discover now