Day 28

17.4K 677 326
                                    

2:30 AM

Gusto kong mag-work as an editor. Kahit outsource editor sana. Uhuuurm. Kaya lang baka mawalan ako ng time sayo! Tapos mami-miss mo ako. Tapos made-depress ka. Mangangayayat. Susugurin ako ng pamilya mo!

Paano na ang kakyutan ko?!

Ahahahhaahaah

Pero baka mag-apply nga ako sa pinagpapasahan ko ng novels. Extra income. Ang dami ko kasing gustong bilhin eh ayoko naman na mas malaki ang expense kesa sa savings.

Dapat daw kasi, wag mag-overspend. Kumbaga, kung ang salary mo ay 15k, dapat ang expense mo wag lalagpas sa 15k. Lugi.

Di ko gets sinasabi ko ahahahahhaa

Anyway, magsusulat na nga ako. Istorbo ka. Ahahahhaa

4:39 AM

Imbes na magsulat, nagbasa ako. Huhu binasa ko ulit Strobe Edge. One of my favorite shoujo mangas. As in! I love Ren. Huhu asar. Umiyak na naman ako 😭

Gusto ko ng mga ganitong shoujo manga. Feel-good pero may kirot sa puso.

Pangarap kong makapagsulat ng novel na may kirot sa puso 😊☺️

'Yung novel na tatatak sa puso ng readers.

Naks!

Tagal mo magising. Baka makatulog na ako 💤

Seen, 5:15 AM

5:16 AM

Alexis Ran: 'Morning.

Seen, 2:03 PM

2:04 PM

Di tayo nagpang-abot! 😱😭😞

Gutom na ako. Kumain ka na bang lunch? Ay, 2pm na pala. Malamang kumain ka na.

Huhuhu wala kasing pagkain dito. Baka magluto na lang ako ng pancit canton.

Kaya lang kakakain ko lang ng lomi! Diba masama 'yun? Matagal pa naman daw matunaw ang instant noodles sa tiyan.

Bah. Bahala na. Gutom ako eh.

Seen, 2:30 PM

2:31 PM

Alexis Ran: Hindi healthy.

No choice eh 😭

Dalawang pancit canton saka rice.

Naalala ko 'yong nag-aaral ako sa PUP. Minsan ang lunch ko ganito. Mura lang kasi pagkain dun. Minsan corned beef omelette. Hay. Nakaka-miss ang PUP pero di ko nami-miss mga prof ko.

Alam mo ba!!! May prof ako dati na isang beses lang pumasok. Pumasok lang para magbigay ng finals! Tapos ang tanong sa finals: what is production management.

Tapos ang grade namin 1.75?!?! Hustisya!! Siya 'tong di pumasok tapos di man lang ginawang uno grade namin!!

Azar.

Never Ever After (Ekis Babies #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon