Lesson 14

126 3 0
                                    

When it's too late for us.

_________________

Namasyal kami at kumaen sa iba't ibang kainan dito sa Baguio. Kahit nakangiti si Tiffany ngayon, kitang kita sa mga niya na namimiss niya yung taong pinakamamahal niya.

Second day, alas nuebe na ng gabi kami nakauwi. Si Mark, bagsak na sa higaan pero ako gising na gising pa. Nasa balcony ulit ako at nagkakape.

"Keys." Tawag niya tas tumabi siya saken.

"Oh? May problema ba?" tanong ko.

"Wala naman. Tumawag pala ako kay Luigi."

"Oh anong sabi?"

"Alam pala niya na pupunta tayo dito."

"Oo, pinaalam kita pero hindi naman siya sumagot."

"Oo nga daw eh. Busy daw kasi sobra. Let's just enjoy nalang daw."

"Nag-enjoy ka ba?"

"Oo naman."

"Parang hindi naman?" sabi ko tas inangat ko yung mukha niya.

She just gave me a weak smile.

"Thank you, Keys." She said.

"For?"

"For staying by my side when Luigi is not around."

"Wala yun. Alam mo naman kung bakit di ba?"

"Salamat pa din." Pilit niya tas mukha siyang nilalamig.

"Alright. You're welcome." Hinubad ko yung jacket ko at inabot ito sa kanya. "Here."

"Bakit mo binibigay yung jacket mo saken?"

"Kasi nilalamig ka at kahit ayokong ipagamit to sa iba, ipapahiram ko pa din sayo kasi nga nilalamig ka."

"Eh bakit ipapahiram mo pa saken?"

"Ang kulit. Sige na you should rest na. Maaga pa tayo aalis bukas." Sabi ko.

"Okay, goodnight." She said then kinuha niya yung jacket saken at hinalikan niya ko sa pisngi.

Nagsmile nalang ako as a reply then pumasok na siya sa loob.

Kinaumagahan, late na ako nagising. Naabutan ko si Mark sa sala at nanunuod ng TV. Wala si Tiffany kaya naisip kong baka napasarap ang tulog. Tumabi nalang ako kay Mark at nanuod nalang din ng TV pero nabother ako kay Tiffany dahil tanghali na hindi pa din bumababa.

"Si Tiffany ba hindi pa bumababa?" tanong ko.

"Hindi pa, bro. Baka napasarap ng tulog." Sagot ni Mark habang nakatuon sa TV.

Maya maya, may ingay kaming narinig sa taas. Tila ba may biglang bumagsak doon.

"Ano yun?" tanong ko tas bigla akong kinabahan.

"Si mam!" sigaw ni Mark then agad akong umakyat sa taas tas sumunod din si Mark.

"Tiffany!" sigaw ko habang kumakatok. "Tiffany, are you alright? Tiff! Come on! Open the door!" sigaw ko pero wala siyang response sa loob. "Don't you have any spare key here, Mark?!"

"Meron, bro. Wait lang!" sabi niya tas dali dali siyang bumaba.

May narinig ulit akong bumagsak mula sa loob tas mga ilang kaluskos.

"Sht! Tiffany! Ano bang nangyayari sayo dyan!" sigaw ko ulit.

Ano ba yun? Bakit hindi ba siya sumasagot? Takte! Yung kaba ko abot na hanggang Mars! Ang tagal pa ni Mark.

What If I Am in Love with that Teacher, Too? (A Side Story)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang