Lesson 10

144 4 0
                                    

When one chapter closes, another chapter opens.

 

_________________

One week… two weeks… one month… two months… nine months… one year… two years… three years… makalipas ang mahabang panahon, wala pa rin kaming balita kay Tiffany.

Nakalabas na sa ospital at nalaman na ni Luigi ang totoo… nakaalis na din ako papuntang States pero wala pa ring Tiffany ang lumalabas.

Pagdating ng ika-apat na taon, biglang may isang nakakagulat na post ang sumalubong sa amin sa Facebook.

“Thank God for four years of continuous blessing. I’m happy now that I have NATHAN. He’s my everything and I don’t know what to do without him.” Post ni Tiffany sa timeline niya.

Nakita ko agad yung comments nila kaya nagcomment na din ako. Lahat kami nag-aalala sa kanya.

“Ma’am, sino si NATHAN?”  -Jeff.

“Tiffany! For God’s sake! Where are you?” –Kuya Anthony

“Ma’am… bakit ngayon ka lang po nagparamdam? Hinahanap ka po ng lahat.” -Dom.

“Where did you go? Who’s Nathan?” comment ko

 

“Tiffany! Tell me where you are, let’s meet.” –Kuya Anthony

Pero ni-isa sa comments namin, hindi niya nireplyan. Masyado namang pa-importante tong si Tiffany! Hindi ba niya alam na may nag-aalala sa kanya? Tapos may Nathan pa siya ngayon. Jusko sino naman kaya yun?

Makalipas pa ang ilang buwan, sa wakas! Lumitaw na din siya. Hindi man siya sa akin unang nagparamdam pero sapat na yun.

Nasa States pa din ako pero palagi kong kinucontact si Kuya Anthony para malaman ang lagay ni Tiffany.

Anak pala niya si Nathan. Anak nila ni Luigi.

Akala ko ipagdadamot niya to kay Luigi pero nanaig pa din ang pagiging mabuti niyang tao. Bumalik ako sa Pilipinas para makita siya pero sa tuwing makikita ko silang magkasama ni Luigi, mas pinipili ko nalang lumayo.

Hindi ko agad nalaman na may sakit pala ang anak nila.

Napakatatag na tao ni Tiffany. Minsan na siyang nawalan ng minamahal kaya ngayon, kahit gano kahirap… titiisin niya para sa anak niya.

Mas lalo ko siyang naintindihan. Hindi ganun kadali para sa kanya ang mga nangyayari. Mabuti nalang at nariyan si Luigi para sa kanya.

December 31, nagpasya kaming surpresahin si Nathan para sa birthday nito pero imbes na siya ang masurpresa… kami ang nabigla sa mga nangyari.

What If I Am in Love with that Teacher, Too? (A Side Story)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt