Chapter 03: The Neurosurgeon

825 22 0
                                    

CHAPTER 03

THE NEUROSURGEON

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hindi ko malaman ang gagawin at halos tumigil ang mundo ko. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwalang nandito na siya, nakabalik na siya. Ang babaing ilang taon ko nang hinihintay, ang kaisa-isang babaing minamahal ko…

“Uhmmm, sa tingin ko,mas mabuting iwan na muna namin kayo sa ngayon noh Pareng Khazter??Labas na muna tayo…” namalayan ko na lamang na hinihila na ako palabas ni Kuya Trevor.

Pagkalabas ay agad ako nitong binatukan, “HOY GISING!!!!!ANO BA KHAZTER?!? Get back to your senses!!! Bakit ba bigla ka na lang natulala diyan?? Porke ba nalaman mong nakabalik lang si Shinby???”

“Ku-kuya, h-hindi ako namamalik-mata hindi ba?? Totoong si Shinby ang nakita ko sa loob??? Totoong ang Shinby ko ang nakita ko sa loob di ba???”wala sa sarili na tanong ko dito

Malungkot na tumango ito. “Oo Khazter, si Shinby nga…nakabalik na nga siya…”

“S-sabi ko na nga ba eh…Ka-kailangan ko siyang makausap Kuya…Ka--kailangan niyang malaman kung gaano katagal ko siyang hinintay…kailangan nyang malaman kung gaano ko siya kamaha-----“

*BOOGSH!!*

Namalayan ko na lang na halos nakahandusay na ako sa sahig. Nalalasahan ko na din ang mapait na lasa ng dugo sa may labi ko. Nang balingan ko si Kuya Trevor ay tila nagpipigil ito ng galit.

“Khazter, PWEDE BA?!?!? Ayusin mo na muna ang sarili mo!!! Ang buong akala mo ba porke bumalik si Shinby at nalaman niyang hinihintay mo siya, makakalimutan na niya ang lahat ng mga nangyari sa pagitan niyo???Sa tingin mo ba ganoon na lamang kadali para sa kanya na kalimutan lahat ng ginawa mo???” malalim itong napabuntong-hininga saka lumuhod para tapikin ako sa balikat, “Palamigin mo na muna ang sitwasyon, Khazter. Hindi lang naman ikaw ang nagulat sa muli niyong pagkikita…Dadating ang tamang oras para mapag-usapan at maayos niyo ang lahat”

“P-pero Kuya, paano kung pagdating ng oras na iyon, mabura na din ako sa puso ni Shinby…hindi ko kakayanin kapag nangyari ang bagay na iyon Kuya…Hindi ko alam kung kakayanin ko…” hinayaan kong tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan sa pag-iisip ng bagay na ito lalo na sa nakitang kong pag-alala sa mukha ni Shinby para kay Marcus.

“Kailangan mong kayanin Khazter, dahil aminin man natin o sa hindi, marami nang nagbago…”umiling ito, “We just have to accept the reality that not all love stories end with a happy ending.”

****

“’Tol, tama na..lasing ka na!!!” pag-awat sa akin nila Zachary, Zandrick, Jarred at Xander sa pag-inom.

Nandito kami ngayon sa Zero Bar. Mula kasi nang mabalitaan nung 3 mula kay Xander yung tungkol sa pagkikita naming muli at pagbabalik ni Shinby, niyaya nila akong uminom para daw malimutan ko man lang ang problema ko. Tss, parang ako lang ang may problema dito huh???

I just smirked, “Hayaan niyo na ako mga ‘tol…minsan lang naman ito…kahit ngayon lang, gusto kong makalimot…”

“Tsk, ano pa bang magagawa namin??? O siya, laklak na natin ito mga dre!!!!!” tila masayang sabi ni Zandrick.

“T@#$%^!, ba’t ko ba naisipang sumama sa inyo??? Takte, puro kayo mga brokenhearted mga ungas!!!Nyahahaha XD!!!!Tsk, di sana nakai-score man lang ako ngayon kay mylabs ko….Banas naman kasi kayo magyaya, wrong timing!!!!” naiinis na reklamo ni Zachary.

Napangiti na lang ako. Totoo naman kasi ang mga sinabi nito. Sa aming lima na nandito ngayon, ito lang yata ang masaya na at kuntento na sa buhay niya. Samantalang kaming lima, halos pare-pareho lang ng problema.

THE MISSING ELEMENT SERIES 02: The Man who can't be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon