Chapter 1

543 29 0
                                    

❝ they said you're the type of person who doesn't cry. ❞

💌

Naglalakad ako noon sa hallway nang makita kita sa hagdan na umiiyak at mag-isa ka lang. Gusto sana kitang lapitan kaso hindi naman kita kilala tsaka baka isipin mong feeling close ako pero dahil nakonsensya ako, nilapitan kita. Naaawa kasi ako sayo dahil palagi kitang nakikitang umiiyak. Nilapitan kita at inalok ng panyo ko. Inangat mo lang yung ulo mo at tinitigan ako ng diretso sa mata sabay sabing hindi mo naman kailangan iyon. Tumayo ka na at iniwanan ako doon. Nagkibit-balikat ako. Madali naman akong kausap.

Nagsimula na akong maglakad papalayo ng hilahin mo ako dahilan para mapaharap ako ng bahagya sayo. Sa totoo lang iyon ang unang pagkakataong nakita ko ng malapitan yung mukha mo. Sinabihan mo akong huwag sabihin sa iba na nakita kitang umiiyak. Naintindihan ko naman yung sinabi mo kaya naman malamig akong tumango at umalis na.

Nakakatuwa ka. Kalalaki mong tao pero napakaiyakin mo. Sayang nga lang at hindi ko man lang natanong ang pangalan mo.

💌

❝ what they don't know is you're in tears most of the time and i don't know why. ❞

From Me To You (BTS FANFIC)Kde žijí příběhy. Začni objevovat