❝ i still remember the time you talked to me. ❞
💌
Dating gawi. Kada break time pupunta ako sa rooftop—gagawa ng assignment o magpapahinga. Paakyat na ako noon nang makita kita sa hagdanan. Hindi ko alam kung lalagpasan na lang kita o magha-hi ba sayo. Pero as usual, nilagpasan kita. Nagulat na lang ako nang marinig kitang humikbi kaya napabalik ako. Huwag mong sabihing umiiyak ka na naman, Jimin? Unti-unti akong lumapit sayo. Alam kong tinanggihan mo na ito dati pero sinubukan ko pa ring ipahiram sayo yung panyo ko.
Nagdadalawang-isip ka noong una pero kinuha mo ito. Gusto sana kitang kausapin kaso walang lumalabas na salita sa bibig ko kaya naman umalis na ako at umakyat na sa rooftop.
Pagbaba ko, nandoon ka pa rin sa hagdanan pero hindi ka na umiiyak. Nakasandal ka sa pader habang nakapamulsa. Lalagpasan lang sana ulit kita nang magsalita ka.
"Salamat."
Sinabi mo yun nang hindi man lang makatingin sa akin. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako dahil sa unang pagkakataon ay nagkausap tayo.
Astig.
Kinausap mo na ako, Jimin.
💌
❝ and i still remember the feeling i felt when i first talked to you. ❞
![](https://img.wattpad.com/cover/51593980-288-k823482.jpg)
YOU ARE READING
From Me To You (BTS FANFIC)
Fanfiction❝I will always be your number one fan, Jimin.❞ A love story of BTS' Jimin before he became a part of the famous kpop group, Bangtan Sonyeondan. Cover by: doelyeus