K.I. Lamang 13

936 23 4
                                    

Candy’s POV

 

 

*BLAAAAAAAAAAG!!!*

Kakapasok ko lang sa room ko at pintuan ko yang lumagapak na yan. Naiinis kasi ako. BWISET lang. Ngayon lang ako napahiya ng ganito sa harap ng taong DAPAT eh papahiya ko!

Nakakainis talaga yang Carmela na yan!

Ano bang nakain niya at nagkakaganun si PJ sa kanya?

Hindi naman siya maganda?

Hindi naman siya sexy!

Hindi naman siya ganun kayaman!

At hindi naman siya ang ideal girl ng mga lalaki!

HINDI KATULAD KO!

Nakakainis!

Hindi ko alam kung bakit ganun si PJ sa akin.

Isa pa siya!

Nakakainis siya eh!

Himiga ako sa kama ko. At napatingin sa isang picture sa mat bintana.

Titig na titig ako sa isang babaeng mataba, mapanget, mukhang gusgusin, at yung tipong palaging inaasar nang mga bata na katabi ang isang napaka guwapong batang lalaki, may dimple at talagang sa tingin mo pa lang ay habulin na at heartthrob.

Sino yung lalaki na katabi nung matabang batang babae?

SI PJ yun.

Eh sino yung matabang batang babae ?

AKO YUN.

OO.

Mataba ako dati at laging tinutukso ng mga kaklase namin.

Baboy. Biik. Patay Gutom. Majinbu. TABACHOY. At kung anu-ano pa ang mga masasakit na salita ang sinasabi nila sa akin DATI.

Pero ngayon hindi na.

Malaki ang ipinagbago ko. Hindi na ako yung dating Candy na tinutukso ng mga kaklase niya at hindi na ako yung dating batang iyakin na nasa sulok lang at walang kaibigan.

Hindi na ako yung dating taong puno nang kapintasan sa katawan.

Iba na ako.

Hindi na ako pwedeng tuksuhin.

Isa na akong maganda, sexy at ideal girl.

Kathang Isip Lamang [Completed, Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon