K.I. Lamang Epilogue

1K 40 20
  • مهداة إلى Sa lahat ng nag support! Thank youu! :****
                                    

Carmela’s POV

Three months. Three months na akong nandito sa ospital. Oo sa ospital, kasi … sobrang nahihirapan na ako sa paghinga kaya naman dinala na ako dito.

Sa loob ng three months, palagi ko silang iniisip. Si Hunter, si Xerra, yung iba pa naming classmates…Lalong lalo na si PJ.

Three months akong nakakulong sa isang putting kuwarto at ang mga nurse, doctor, at family ko lang ang dumadalaw sa akin. Miss na miss ko na ang labas. Gustong gusto ko na ulit magsuot ng uniform at pumasok sa school gaya ng dati.

Haaay. Ilang buwan na lang din, ga-graduate na sana ako ng high school. Mag-aaral na sana ako sa isang malaking unibersidad sa Maynila at kukuha ako ng kursong Journalism. Makaka graduate ako at magtatrabaho ako sa isang malaking kumpanya. Makakapagbigay ako kay Mama at sa mga kapatid ko ng pera. Pag-aaralin ko si Carren, magpapatayo ako ng malaking bahay namin.

Yan yung balak ko sana sa buhay ko…

Ah… isa pa pala…

Gusto ko sanang..

Makasama pa si PJ nang matagal.

Magiging kami at araw araw niya akong liligawan. Bibigyan niya ako ng paborito kong mga bulaklak. Dadalhin niya ako sa WOF at kakantahan niya ako paulit-ulit ng paborito kong kanta. Magpo-propose siya sa akin at magpapakasal kami.

Magkakaroon kami ng tatlong makukulit a chikiting at mamumuhay kami ng masaya.

Gaya ng sa mga kuwento. Magkakaroon kami ng “And they lived happily ever after…” saka magtatapos ang istorya namin.

Kaya lang, dahil sa sakit ko na ito, hindi ko na magagawa ang lahat ng naiisip ko ngayon. Dahil sa sakit na ito, kailangan ko nang harapin ang realidad at katotohang…

Wala akong happy ending.

Carmela,” P-PJ?? Anong ginagawa niya dito?

PJ? Bakit ka nandito?

Niyakap niya ako at saka niya sinabing.. “Guston gusto na kasi kitang Makita. Kaya nagpunta ako dito. Miss na miss na kita. Hinanap kita sa kung saan-saan. Bakit kasi hindi ka nagpaalam?” narinig ko din ang kanyang mga hikbi.

Umiiyak ka ba PJ?” please wag kang umiyak.

Dahil sa iyo kaya ako umiiyak. Carmela… Mahal kasi kita. Ayokong mawala ka sa akin.” Saka siya kumalas sa pagkakayakap at hinalikan ang noo ko.

Carmela…”

“Carmela gising..”

Napamulat agad ako. “Ate?

“Iinom ka na ng gamot mo. Tumayo ka na jan at kakain ka pa.” saka niya inayos ang tray na hawak hawak niya. Nilapag niya sa may table. Panaginip lang pala yung kanina. Katulad pa din ng dati...

Nananaginip na naman ako.

Kung tutuusin, dapat nasa trabaho din si ate ngayon. Dapat din si Carren ang inaalagaan niya at hindi ako. Maski si Carren, ako pa ang inaalagaan. Nakakatuwa namang isipin…dapat ako na ang gumagawa nito sa kanila.

Sorry ate ah?” napatingin naman si Ate sa akin na parang nagtataka.

Sorry saan?”

Wala. Kakain na ako at makainom na ng gamot.” Kinuha ko na yung tray na hawak hawak niya pero…

*Brgaaaam* (tunog ng nabagsak na tray xD)

Kathang Isip Lamang [Completed, Under Revision]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن