CHAPTER SIX

365 27 0
                                    



MATAPOS ipaalam kay Attorney Fabregas na tinatanggap na nila ni Husky ang misyon para sa last will ni Don Aguinaldo ay ibinigay nito sa kanila ang mga impormasyong makakatulong sa kanila para sa paghahanap kay Narcissa.

Una, sa Alaminos, Laguna ipinanganak ang babae. Maykaya rin ang pamilya nito at mayroong balat sa kanang pisngi ang babae na halos kasing laki ng piso.

Sa kakarampot na impormasyon na iyon sila inaasahan ni Don Aguinaldo na makita si Narcissa o malaman ang nangyari dito at sa buong angkan nito. Iyon ang pagdidiskusyunan nilang dalawa niHusky kaya nagkasundo sila na magkita sa isang restaurant sa Makati.

Lubos na namang ikina-stress iyon ni Kitty dahil bukod sa humihiling na ang katawan niya ng tulog, napakalayo na nga ng meeting place nila, malamang ay mahal pa ang pagkain doon.

Nang tinangka niyang magreklamo sa binata tungkol doon, binalaan lamang siya nito na pumayag siya sa kasunduan nila. Kulang nalang ay sakalin niya ang binata sa sobrnag inis niya dito. Sinusumpa niya, pagdating ng panahong mas mayaman na siya sa kurimaw na ito, hinding hindi niya ito lilingunin kahit na magkasalubong pa silang dalawa sa daan.

Parang nakahinga ng maluwag si Kitty nang marating na niya ang restaurant na tinutukoy ng binata. Papasok niya ay sinalubong siya ng tila butler doon. "Do you have any reservation ma'am?"

"May kasama ako. Ang pangalan niya—"

"I'm sorry, but ma'am I'm afraid you have to change your—"

Lintik naman,ngalingngaling sabihin niya sa lalaki na ngayon ay nakatingin sa kanyang suot mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng sleeveless black fitted blouse at pinatungan niya iyon ng t-shirt na ginunting niya ang laylayan para maging haging blouse. Nakasuot din siya ng itim na leather shorts at converse naman ang pang paa niya. Eh ano kung inappropriate na naman ang suot ko? Wala naman akong balak umorder ng pagkain dito na kakarampot lang pero ang presyo pang isang linggo na naming pagkain tapos magrereklamo na naman kayo sa suot ko? "Sandali lang kami ng kausap ko dito. Paki hanap nalang si Husky Rodrigo."

Tiningnan siya ng lalaki na tila hindi ito makapaniwalang may kasama siya roon. Halatang halata na minamata siya ng butler na ito. Kung hindi lamang siya kulang sa tulog at pagod ay baka pinatulan na niya ito. Pero alam niyang sasayangin lamang niya ang kanyang nalalabing enerhiya kung makikipagtalo pa siya rito.

"Excuse me, she's with me," ani ng isang tinig mula sa kanyang likod. Paglingon niya, nakita niya si Husky na nakasuot ng business attire na tila ba nasa opisina parin ito. Noong mga unang beses niyang nakita ang binata, hindi niya gaanong binibigyang pansin ang istura nito.

Ngunit impossibleng gawin iyon ngayon dahil malapit ito sa kanya, na umaabot pa sa puntong naaamoy niya ang pabangong gamit nito. Matanggap si Husky kaya naman sa tuwing mag-uusap silang dalawa nang nakaharap, kinakilangan pa niyang tingalain ang binata at sa tuwing gagawin niya iyon, hindi niya mapapasubaliang gwapo ang kurimaw na ito. Katunayan, sa pagre-research niya, nabasa niyang isa si Husky sa mga tanyag na land developer at bukod pa roon, isa ito sa pinakahabuling lalaki sa larangan ng trabaho nito.

Alam niyang alam ni Husky ang bagay na iyon kaya naman walang duda na ginagamit nito iyon para manindak o hindi kaya mang-akit ng mga kababaihan. Pero hinding hindi tatalab iyon sa kanya.

"Sir," anang butler. "Kasama nyo po siya?"

Tumaas ang kilay ni Husky nang tingnan nito ang lalaki. Bahagyang sumulyap ito sa kanya. "yes. She's with me. At kung balak ninyong huwag siyang papasukin, let me talk to your owner."

Hidden Desire Book 3: Gold-en-Love [ COMPLETE ]Where stories live. Discover now