CHAPTER SEVENTEEN

296 26 0
                                    


 ISANG MALAKING bato ang nakita nina Kitty at Husky na nagbigay sa kanila ng pag-asa. Isa iyon sa mga naging palatandaan na ibingay sa kanila ni Don Aguinaldo. Hindi lamang basta isang bato iyon, may maliit n kuweba sa ilalim niyon na sa unang tingin ay hindi mahahalata dahil sa mga dahon at mga halamang tumatabing roon ayon na rin sa deskripsyon sa kanila ng matanda.

"Ito na ba iyon?" Pinagmasdan ni Kitty ang kabuuan ng batong malaki. Kung may kweba nga roon, hindi niya mapigilang isipin na minsang naging taguan ito ng mga lolo nila habang hinahabol ang mga ito ng mga Hapon.

"Looks like it," ani Husky saka inenspeksyon ang hawak nitong papel. Doon nakasulat ang mga detalyeng ibinigay sa kanila ni Don Aguinlado tungkol sa kweba kung saan nakatago ang ginto. "hanapin muna natin ang maliit na kweba sa ilalim nito. Kung mayroon, ito na nga ang batong iyon."

In no time, pareho na silang naghahanap n Husky ng siwang o kahit anong palatandaan ng kweba sa ilalim ng bato. It took them almost an hour, pero nanlaki ang mata ni Kitty ng makita niya ang isang maliit na siwang kaya naman dali-dali niyang hinawi ang mga bato at halaman na tumatabing roon.

Umawang ang labi niya ng tuluyan na niyang makita ang tila maliit na passage way papasok sa loob ng kweba. Wala sa sariling nagsisigaw siya, dahilan para dali-daling dumiretso si Husky sa kung nasaan siya.

"Husky, nakita ko na!" Wala sa sariling niyakap niya ang binata sa sorbang saya. Pero maya-maya ay napaisip din siya sa mga gianwa niya. bakit ba hindi na naman niya piniglan ang kanyang sarili? At kahit gaano niya kagusto na yakapin si Husky, hindi ito ang tamang oras para doon. "Uhm, nakita ko na ang kweba."

Hinawakan ni Husky ang kamay niya habang tila hindi makapaniwalang nakikita na nga nila ngayon ang kweba. "This is it, Kitty. We'll find your gold here."

EIGHT GOLD bars were directly looking at Husky the moment he unveiled a woven cloth. Sobrang nipis at sobrang dumi na ng tela na iyon na halos tatlong oras nilang hinanap ni Kitty sa loob ng kweba. They had to dig for hours with a number of holes that is nothing to joke about.

NIlingon niya si Kitty. Parang sa mga oras n iyon, iisa lamang ang kanilang ekspresyon. parehas na nakaawang ang kanilang mga labi habang nakatingin sa gintong totoo at naririto na nga sa kanilang harap.

"T-totoo nga ang ginto," mahinang bulalas ni Kitty. "t-totoo nga."

Dahan dahan siyang tumango. "It's real." Dahan dahan niyang hinarap sa dalaga ang mga iyon. "We've reached our goal, Kitty."

Tumingin ng diresto sa kanyang mga mata si Kitty saka tumango. "Nandito na nga," anito. "At...hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon husky."

Nauunawaan niya ang nararamdaman ni Kitty ngayon dahil iyon din mismo ang nararamdaman niya. Posible palang walang maramdaman ngunit makaramdam ng sabay. He his arm around her and took her for an embrace. Sa mga ganoong pagkakataon, hindi na kailangan ng salita.

As they say, it's the action that speaks louder than words. For a few moments they just stood there, embracing each other, savoring the results of everything that they had to go through. Kung noong una, isinusumpa pa niyang sumama siya sa mga pangyayaring ito, ngyaon ay wala isang ibang gustong gawin kundi ang magpasalamat.

"K-kitty," bahagya niyang itinulak ni Kitty palayo sa kanya kahit labag sa loob niya. May naalaa siya. "Kung nakuha na natin ito, hindi ba dapat nagkapalit na tayo ng katawan?"

Nakita niyang natigilan si Kitty at saglit niyang nakita ang tila pagdaan ng sakit sa kanyag mga mata. "H-hindi ko alam...paano kung..."

Pinayapa niya ang sarili saka hinawakan ag kamay nito. "hindi ba noong naligo ka sa batis, hindi naman agad-agad ang naging resulta niyon? Isang gabi ang lumipas at—"

Hidden Desire Book 3: Gold-en-Love [ COMPLETE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon