I Need a Boy 10

1.6K 30 14
                                    

A/N : Seriously !! Nakalimutan ko na ang plot nito. XD Kaya, bahala na kayo. Wala itong plot, PERO, pero may pinanghuhugutan ako. Choss! XD K. Basa!! =))

I Need A Boy 10 : Jealous?

Sharlene's Point Of View

"Himala, kasalanan bang, humingi ako sa langit ng isang himala. ~"

Ugh. Leche, ang ingay.

"Angeli! Don't sing, please! Utang na loob!" Sabi ko nabwibwisit na ako. Kanina pa siya kanta ng kanta, tapos frustrated pa ako kasi yung lips ko. Jusko! And Angeli, yung yaya 3.

"Ms. Sharlene my voice is so nice don't you think I should use it?" Ang KAPAL!

"Whatever." Kabwisit talaga.

"K dot." Sabi niya! Ang taray! FUDGE! Lengye.

"You became mine on the first night. We became lovers at first sight --."

"ANGELI!!" Tawag ko.

"Y-yes Ms?" Namamawis siya. Haha. Kala mo naman sasakalin ko siya e.

"Anong title nung kinakanta mo?"

"Ahh. Akala ko.. Uhm.. Match made in heaven po." Sabi niya. Wow ganda.

"Okay. Sing again." Sabi ko at kinuha ko na ang ipad ko at naghanap sa kung saan mang downloader meron at dinownload ang kanta.

"Funny how a blink of an eye can turn your life around. Wanna spend every tomorrow, with you baby nothing is .." Napatingin ako kay Angeli dahil tumigil siya sa pagkanta.

"Hmm. Ganda ng boses ah. Ulit nga." Narinig ko naman ang boses ni Jairus. Kaya napalingon ako, nakita ko naman si Angeli, namumula sabay lagay ng buhok sa gilid ng tenga niya. Ugh.

"ANGELI!!" Tawag ko. Langya, nakakairita silang tingnan!

"Ma'am! B-bakit po?"

"Pumunta ka sa kwarto. Linisin mo yun. Ikaw lang! Ayoko ng may alikabok na makikita. Kuha mo?"

"A-ako lang po?"

"Kakasabi ko lang. From the top ulit, from the top?"

"H-hindi po. S-sige po." At dali dali na siyang umakyat. Nakita ko naman si Jairus, nakangisi.

"May nakakatawa?"

"Oo. Ikaw. Haha."

I just gave him a death glare. Lintik. Nakakainit siya ng ulo.

Pumunta ako sa kusina at kumain pero may nakalimutan akong kuhanin sa kwarto ko kaya babalik na naman ako dun. Pero nasa pinto pa lang ako may narinig na akong nagtatawanan. Inilapit ko ang tenga ko sa pinto.

"Haha. Jairus, ayoko na. Stop!"

"Isa pa! Dali naaaa."

"Ehhh. Jairus este Sirrr. Ayoko na talaga. Pagod na ako."

"Pagod agad? Dali naaa. Last na."

"ANGELIIIIIIIIII!!!!!!" Sigaw ko at alam kong rinig na rinig to sa buong bahay.

Jairus' Point Of View

Umagang umaga sigaw ng sigaw si Sharlene. Nako naman! Nakakabingi.

Narinig ko na lang na may kumakanta kaya napababa ako. At nakita ko si Angeli. Muntik na akong mapasigaw pero nag-"shhh" sign siya.

Bakit? Siya yung pinsan kong liberated na gusto palaging pumasok sa kung ano anong trabaho. Kaya eto ako ngayon nagpapanggap na hindi siya kilala.

Pinakanta ko ulit siya kaso sumigaw na naman si Sharlene. Ano bang problema nito? Ang init ng ulo. Ngayon pinaglilinis niya ng kwarto si AA. Yeah. Angeli Aquino. Kawawa naman pinsan ko.

Sumunod ako at pinakanta ko siya ulit kaso syempre kinumusta ko muna siya. Naman! Pinsan ko yan e, kaya nga Jairus tawag sakin kaso baka marinig ni Sharlene, edi benggoy tong si AA. Kaya lang maya maya may narinig kaming sigaw.

"ANGELIIIIIIII!!!!!" Si Sharlene. Napalabas tuloy kami ni AA. Nganga. Pulang pula at maya maya e akala mo'y uusok na. Nakakatakot.

"Ma'am / Bes!" Sabay namin ni AA. Ekkk. Tumingin samin si Sharlene. Ang sama ng tingin. SCARY!

"Angeli! Ikaw doon ka maglaba ka, at ikaw, ikaw na malandi ka wag kang magpapakita sakin. Punyeta ka!" Malandi ako?

"Hoy! Sinong malandi?"

"Ikaw! From the top na naman? Uulitin ko na naman?"

"Anong --?"

"Tatanggi ka pa! Pati katulong namin nilalandi mo!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Taena! Napahagalpak ako ng tawa. Nagseselos ba to? Sa pinsan ko? Hahahaha.

"Anong nakakatawa?"

"Ikaw! Hahahahahaha. "

"Ano?!"

"HAHAHAHAHA! Nagseselos ka ba?"

Nakita kong nanlaki ang mata niya at namula ang pisngi. Haha. EPIC!

"A-ano? A-ako? N-nagseselos? In your face!!"

"HAHAHAHA. Sabi mo e. Angeli og, nagseselos boss mo! Hahaha."

"HINDI NGA SABI AKO NAGSESELOS! Ugh!!!" Sabay walk-out. Tingin niyo? Hindi nga ba?

*

Nagseselos nga ba si Bebe? Ohoho..

Independent (Jailene Short Story)Where stories live. Discover now