I Need A Boy 19

829 18 5
                                    

I Need A Boy 19 : Undying Sweetness

Jairus' Point Of View

'Be yourself.'

Yan ang nakalagay sa T-Shirt na suot ko. Umalis na ako sa bahay nila Sharlene dahil alam kong hindi tama na tumira ako sa babaeng nililigawan ko pa lamang.

Susunduin ko siya ngayon kasama sila Ate Kath. Hindi pa ako pwede mag-drive at si Ate Julia lang ang pwede kaya siya na ang pinag-drive ko.

Nang makarating kami bumusina lang kami dahil alam ni Sharlene na susunduin namin siya.

Nang makababa siya binaba ko ang bintana at sabi ko sumakay siya. Ayokong plastikin ang sarili ko na kailangan ko pa siyang pagbuksan ng pinto tapos baka kapag sinagot niya ako hindi ko iyon mamentain kaya okay na yung ganito, totoo kami sa isa't isa.

Umupo siya sa tabi ko. Sumandal siya sa balikat ko, parang antok na antok siya. Ano bang ginawa ng babaeng to.

"Ungentleman." Bulong niya. Tsk.

"Ayoko lang masanay ka sa mga ginagawa ng mga pa-sweet na lalaki na hanggang panliligaw lang naman. Gusto kong maging ako, totoo sayo at sa sarili ko. Ayokong magsawa ka sa mga sweet moments na ipadadama ko sayo, simple lang ako pero kaya kitang mas paibigin sakin sa mga simpleng bagay na gagawin ko sayo." Mahabang sabi ko at ipinatong ko ang ulo ko sa ulo niya.

"Oo na lang." At alam kong lihim siyang napangiti. Gwapo ko talaga.

-

Nakarating kami sa school. Dinala ko ang bag niya dahil nasanay na rin naman akong dalhin yun at para talaga siyang pagod na pagod kaya ako na nga ang nagdala. Ano kayang problema nito?

"Oy Sharlene, puyat ka ba?" Sabi ko at iniharap ko siya sa akin. Ang laki ng eyebags niya. Dahan dahan siyang tumango.

"Kasi.. Napuyat ako kakatingin sa mga text messages mo. Paulit-ulit ko lang yun binasa parang di ako nagsasawa. Ang weird pala pag-inlove." Sabi niya. Natatawa ako pero hindi ko pinahalata.

"Tsk. Hindi na kita itetext. Baliw ka talaga, tingnan mo, mukha kang zombie." Sabi ko habang hinahaplos ang pisngi niya.

"Hayaan na. Kahit 3 hours lang ako natulog, sulit naman. Nakangiti lang ako buong magdamag." At ngumiti siya. Baliw na babaeng 'to. Bakit mas sweet siya sakin?

"Tsk. Tayo na nga, malelate na tayo." Aya ko sa kanya. Same school at section kami.

Tumango lang siya pero maya maya kinalabit niya ako.

"Ano?" Tanong ko. Malelate na talaga kami.

"Buhat. Piggy back." Naka-pout niyang sabi.

Sino bang makakatanggi sa babaeng to? Langya, for the sake of love! Lumuhod ako at dali dali siyang tumalon.

"Careful. You might get hurt. Dahan dahan lang okay?" Sabi ko. Muntik na kasi kaming mapasubsob, e nag-aalala ako sa kanya baka masugatan siya.

"Bakit ako inaalala mo, e ikaw naman unang masusubsob kung hindi ako nag-ingat?"

"Kapag ako nasubsob, damay ka. Hindi ko kayang makita ka na masaktan ng dahil sakin. Ayokong umiyak ka. Gusto lang kitang makitang umiyak sa tuwa ng dahil sakin. Naiintindihan mo ba?" Tanong ko. Hindi ko alam, iyan ang nararamdaman ko.

Sharlene's Point Of View

Kung wala lang ako sa likod niya kanina pa ako nagtatatalon. Shemay, bakit ang cold niya naman pero kinikilig talaga ako.

"Ohhh. Okay." Sabi ko na lang. Nawala lahat ng antok ko sa mga pinagsasasabi niya.

"Hmm. Ang sarap sa pakiramdam na buhat buhat ka." Sabi niya bigla.

"Huh? E ang bigat bigat ko."

"Parang buhat buhat ko kasi ang buhay ko. Kahit na may mabunggo tayo, okay lang na ako masaktan basta maprotektahan kita dyan sa likod ko. Masaya ako na kahit nakakapagod kang buhatin, hinding hindi ako magsasasawa, maprotektahan ka lang." Literal na namula ang pisngi ko. Ano pong sumapi kay Jairus? Jusko!

"Ahh. Hehe. Jairus' , anong nakain mo? Masakit ba ulo mo? Bakit ganyan yung mga speech mo?" Tanong ko.

"Hindi ko rin alam, ang alam ko lang galing sa puso ko ang lahat ng sinasabi ko sayo. At masaya ako kasi nailalabas ko yun sayo." Omg! Ayoko na, hindi na ako magtatanong. Takte!

"Okay. Ay, andito na pala tayo. Baba mo na ako." At ibinaba niya nga ako. Hindi kami magkatabi kaya medyo nalungkot ako. Pero okay lang naman.

Nag-lecture yung teacher namin, hindi naman ako nabobored dahil ilang linggo din akong nawala sa school.

Nang mag-recess na hinila agad ako ni Jairus at niyakap. Ang weird!

"I hate to say this but being away with you sucks! I miss you so much and i just can't take it, i want to be with you, every second, every minute of my life. I love you Sharlene, i really do." Nganga tayo guys! Ang sweet niya.

"I- I miss you too." Yun na lang nasabi ko. Tungunu speechless.

"Come? I have a surprise for you." Sabi niya habang nakalahad ang kamay. Sumama ako.

Pumunta kami sa field. Pumunta kami sa isang puno doon. May picnic set at ang daming food.

"Hindi ko alam kung anong ipeprepare ko at alam kong sobrang corny na ng mga ganito pero sana magustuhan mo." At yun nga kumain na kami. Masarap yung luto. Hay. I'm so lucky to have him but may nafifeel ako na may masamang mangyayari. Pero tinanggal ko yun sa isip ko. Ano ba to? Napapraning na naman ako.

"Thank You For The Food, Jairus. Tayo na? Late na naman tayo for the next subject." Tumango siya at hinawakan niya ang kamay ko.

Masaya ang buong araw ko. Hinatid ako ni Jairus sa bahay namin at umalis na siya.

Siya ang nagdadrive ng kotse, mahaba-mahabang usapan pa para payagan ko siya mag-drive. Hinayaan ko na lang dahil 30 minutes lang naman ang bahay nila.

'I Love You, Sharlene. I Miss You. Take Care.' Basa ko sa message niya. Nagreply ako agad.

'I Love You Too, Jai. You take care, you're driving! I miss you too. <3'

Ilang minuto ako naghintay ng reply niya pero wala akong natanggap kaya i tried to call him. Pero naunahan ako. Nakahinga ako ng maluwag.

"Hello?" Sagot ko.

( Uhm, Hello. Is this Sharlene San Pedro?) babae ang sumagot.

"Y-yes. Who's this?"

( Ma'am, it's not right to explain this to you on the phone. But, can you go to the nearest hospital? )

Nalaglag ang phone ko. W-what happened?

Dali dali akong nagpatawag ng taxi sa village at pumunta sa pinakamalapit na hospital.

"Jairus Aquino." Sabi ko sa counter.

"Babe!" May tumawag sakin at nakahinga ako ng sobrang luwag. Nagliwanag ang mukha ng nurse. At hindi ko alam kung bakit.

"Sharlene, i need you now. Please be with me." Sabi ni Jairus habang nakayakap.

"Anong nangyari?"

"Mom got hit by a car. Sobrang sakit. Hindi ko kaya, please be with me. Please?" Sabi niya. Tumango ako at niyakap siya.

Iniwan ko muna siya at nag-paalam na bibili lang ako ng pagkain. Pero pagdating ko, isang nakahundsay na lalaki ang tumambad sakin.

"Nurse! Nurse!!" Sigaw ko. Bumubula ang bibig ni Jairus. Bakit? Bakit ganun?

-

Next is the Last Chapter. <3

Independent (Jailene Short Story)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora