Chapter 11 "ILOVE YOU STILL"

6.7K 203 2
                                    


Ailee's P.O.V

"Anak, gusto kong makita mo to.. sana kung bumalik na ang ala ala mo , mapatawad mo kami ng daddy mo.."

Nalilito parin ako sa mga sinasabi ni mommy, pero tinanggap ko yung box na inabot niya sa akin..

Pagbukas ko ay tumambad sa akin , ang isang teddy bear.. kulay pink siya at may nakaukit na "Aileekate" sa damit ng teddy bear..

Ailee? At Kate? .. napakunot noo ako..

Pinagmasdan kong mabuti, maliit lang siya, isang dangkal lang... at may nakasabit na sing sing sa leeg nung bear..

Tinanggal ko yung singsing sa pagkakasabit, at biglang may nagflash back sa isip ko ..Nakaharap ako sa computer habang may babaeng pinapakita sa akin ang singsing na to sa video call..

Shit.. ano yun?.. napahawak ako sa forhead ko at patuloy lang sa pagtingin..

Nagsuot ako ng singsing, habang may kausap ako sa phone..

"I love you Ailee, will you be my girlfriend?" Yung boses nayun , parang sobrang pamilyar sa akin..

Pinagmasdan ko yung teddy bear

"Cute.." at napangiti ako ..

Nalilito parin ako hangang ngaun, hindi ko parin maintindihan kung ano yung mga naaalala ko na sobrang labo..

Nilapag ko yung bear, at may letter pa akong nakita dun..

Ailee,

Thankyou at dumating ka sa buhay ko, kahit hindi pa tayo nagkikita, alam kong mahal na kita... Masaya ako pag kausap ka, nagseselos ako pag may nalalaman kong may kasama kang iba o kaya nagkaka crush ka, normal lang nman yun.. pero, isa sa mga pangarap ko, magkita na tayo ,kahit pandak ka man o mataba, yayakapin parin kita ng mahigpit... ikikiss kita ng maraming marami.. at pagdumating yung araw nayun, pangako , hindi na tayo magkakahiwalay ulit.. Hahawkan ko ng mahigpit yung kamay mo at sasabihin ko sayo ng paulit ulit, na mahal kita, mahal na mahal kita.. Araw araw kong ipagdadasal na sana, ikaw ang binigay ni Lord na makakasama ko habang buhay, gusto ko ikaw na ang huling tao sa puso ko, ikaw ang babaeng makikita ko bago matulog at pag gising ko sa umaga, pag nangyari yun, wala na akong mahihiling pa ... mawala ka man sa isip ko mahal, pero hinding hindi ka mawawala sa puso ko..

Your Love,

Kate Mary

Napansin ko nalang bigla ang luha na dumadaloy na sa pisngi ko... bakit naiiyak ako?...

May kinuha uit ako mula sa box, isang maliit na box ..

Ailee, kahit wala nang tayo, gusto ko paring ibigay sayo to, I will never forget you, also the days especially the nights na sobrang saya kong kausap ka, tulad ng sinabi ko, hinding hindi ka mawawala sa puso ko... pag sinaktan ka ni Stephen, bumalik ka lang sa akin ha... kahit kalian, kahit magka boyfriend din ako, ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko..

Bumilis ang pagtibok ng puso ko, nakaramdam ako ng kirot , para akong nanghihina..

May kwintas, na may pendant hugis puso sa loob ng box.., at sa loob ay picture naming dalawa ni Kate..

"Aaaggh ouch" napahawak ako sa dibdib ko , sobrang sakit.. napahikbi nalang ako

Naramdaman kong humawak si Mommy sa likod ko.. "patawarin mo kami anak"

"Nagpasagasa ka sa bus nung nagbreak kayo.. nawalan ka ng ala ala at hindi ko na ipinakita pa yang huling padala ni Kate, ayoko kasing makita kang nasasaktan, ayoko naring maalala mo pa ulit siya.."

Love and Lust (girlxgirl)Where stories live. Discover now