Chapter 15 Annoy me ^_^

6.4K 168 6
                                    



Ailee's P.O.V

Napagdesisyunan kong wag ring muna pumasok ngayon, tinapos ko nman na yung mga blank sheets kagabi. Puyat ako, pero pupunta parin ako kila Kate ngayon ^_^

"Oh, Ailee.. magandang umaga ,ang aga mo ah?" mama ni Kate..

"opo tita eh, wala naman po kasi akong pupuntahan ngayon."

"wala ka bang pasok?" nakoo lagot yang tanong nayan ..

"actually po, pwede po ako pumasok ng isang beses sa isang lingo sa trabaho ko po.."

"papano yun?"

"uhm, pwede naman po kasing iuwi ung trabaho ko po, ganun po.."

"ah kaya naman pala.. maupo ka Ailee"

"salamat po"

Pansin ko ,puro ako po.. hahaha! Nahihiya ako.. grabe, nakaka kaba ..

"si Kate, tulog pa.. kape muna tayo?" hindi pa ako nakakapagdesisyon ay inabutan na ako agad ng kape.. eh di, hindi na ko tatanggi ^_^

"salamat po ulit"

Maganda naman bahay nila Kate, mukhang komportable.. nakakapagtaka ngalang at, bakit dalawa lang sila..?

"uhm tita, bakit parang dalawa lang po kayo dito ni Kate?"

"kasi ang bahay talaga namin doon sa probinsiya... nanatili lang kami dito ni Kate, para maipagamot siya, naubos na nga lahat ng ipon ko dito, itong bahay binili ko sa isang kaibigan, buti na ngalang at napamura ako ng bili.. sana gumaling na si Kate, bago ako maubusan ng pera.. nagbabahay bahay na ngalang ako para maglabada, yun ang trabaho ko.. kaya madalas mag isa dito si Kate, minsan tumatakas pa.."

Nakakatuwa at pala kwento tong mama niya.. akala ko ma aawkward ako ^_^

"salamat na ngalang at dumating ka, may kasama rin siya pag wala ako, mamayang mga 9am mag sisimula na akong maghanap, marami na nga akong suki jan, mabuti at dito sa village tong natirhan namin, maraming mayayaman! Hahhaha!"

Parehong pareho sila tumawa ni Kate, natawa nalang din ako. :D

Sa gitna ng pagkwekwentuhan namin, ay biglang lumabas si Kate mula sa kwarto niya... may yakap siyang unan, parang walang kamuwang muwang, lumilinga linga pa.

"Goodmorning anak..!" masayang bati ni tita..

"Goodmorning, nasan ako?" wala sa mood niyang tanong..

"Nasa bahay ka anak, yan ka nanaman, nakalimutan mo nanaman akong mama mo.."

"mama? Ikaw ba mama ko? Di tayo magkamukha..!" saad niya..

"bastos kang bata ka ha?... ikaw! Bumaba kana at magalmusal..!"

HAHAHAH!. pigil akong natatawa ..

"di naman talaga! Hmmff! Ayoko kumain!"

"tsk. Bahala ka, sasakit tiyan mo mamaya pag di ka kumain.." at inabutan siya ni tita ng kanin na may ulam na itlog at hotdog tsaka gatas.

"Ayoko nga kumain! Hindi kita mama!, wala akong mama!" sigaw niya.. ang cute niya parin ^_^

"anak!, ang hirap mo namang pakainin, nakakapagod kana.. may bisita ka oh? Nakakahiya.."

"okay lang po tita.." saad ko at nginitian ko siya..

Kumunot lang noo niya at humarap na ulit kay tita..

"kain na anak oh.."

"ayokoooo!!" at tinapon niya yung platong hinanda ni tita.. O_O

Love and Lust (girlxgirl)Where stories live. Discover now