Chapter 2: First Encounter

10.3K 329 7
                                    

We're here at the garden. Dito nya ako dinala dahil maraming tao sa cafeteria at gaya ng sinabi nya, nilibre nga n'ya ako.

"Baby Rina, Sorry talaga. I'm sorry. I'm sorry. I'm sor----" tumigil ako sa pagsubo ng pagkain at tinignan sya ng masama. Natahimik sya at nagsorry nanaman. Inis kong inilapag ang kutsarang hawak ko at pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang tissue. I crossed my arms bago ako magsalita. "Isa pa, Zeus. Napipikon na'ko sayo." Banta ko sakanya.

Sino bang hindi mapipikon? For damn sake! Nagsasawa na'ko sa kakasorry nya! I already said it's okay pero bwusit lang, nagsosorry parin! "Eh kasi naman Baby Rina, makinig ka muna sa'kin! Let me explain first!" Ghad! He's too desperate! Para syang isang boyfriend na may nagawang kasalanan na nalaman ng girlfriend nya! I sigh. "Look, Zeus. I've been said this tenth time but I'm willing to repeat it hanggang sa maintindihan mo. Its okay, Zeus. You don't need to explain everything. Its fvcking okay."

Huminahon sya pero pinagpipilitan talaga nya ang gusto nya. "Fine. Fine. Ang kulit mo." Inis kong sabi sakanya. Ngumisi sya bago sinimulan 'yung paliwanag nya.

"Gusto ni Tita na pag-aralin ka dito." Simula nya. Pinigilan ko sarili ko na batukan sya dahil sa sinabi nya. I rolled my eyes in annoyance. "I know, Zeus. Kaya nga ako nandito eh." I said sarcastically. Napakamot sya sa batok at ngumiti ng alanganin saka sya nagpatuloy.

"Ayoko naman talagang tulungan sya eh. But your mother is so persistent! Alam mo naman siguro na ilang araw na'kong hindi pumapasok, diba? It's because of your mother. Ilang araw nya akong pinilit and she succeed! Napapayag ako ni Tita na ilipat ka dito." Napabuntong-hininga sya. I just keep staring at him at hinihintay ang susunod nyang sasabihin. I'm not good at guessing things but I guessed I know why. Why did he help my mother to bring me here. Kahit may kutob na'ko, I decided to be quiet. Kung tama man 'yung kutob, I want that to come in his mouth. Gusto ko na sya mismo ang magsabi.

"Nag-isip isip ako kung papayag ba'ko o hindi and I decided to help Tita. I took that as a good opportunity. Maybe because it's the right time para naman makihalubilo ka sa iba. Para magkaroon ka ng kaibigan. Para maging masaya ka. You've been by yourself for almost 18 year----" hindi ko sya pinatapos. Tinaas ko ang kamay ko at iniharap ko sakanya. Telling him to stop. Uminom ako ng tubig at tinitigan sya.

"Zeus. I wasn't alone. Kasama kita, diba? Ever since I was young, Ikaw na ang kasama ko. You're more that just a cousin because you became a brother to me, Zeus. Hindi ko kailangan ng kaibigan because having you by my side is enough." Nakita ko ang pamumula ng tenga at mata nya. Napailing nalang ako. Ayan na, na-iiyak nanaman sya. Bigla akong napangiwi ng marinig ko ang pag-singhot nya. Inilabas nya 'yung panyong binigay ko at pinunasan ang ilong nya. Fvck! Talagang panyo ko pa ang ginamit nya! Kadiri!

Ilang minuto pa syang umiyak at napagpaasyahan kong tumayo na. Tutal tapos narin naman akong kumain kanina pa at ramdam ko na rin ang kakaibang presensya ng grupo nya na papalapit sa'min. Nag-umpisa na akong maglakad palayo sakanya pero huminto muna ako at nilingon sya. Nakangiti syang nakatingin sakin na may pagtataka ang mukha. "Thank you, Zeus. But no one will accept me aside you. Not even my own parents can do it." Nakangiti parin sya pero malungkot na 'yon. Tumalikod ulit ako at kumaway.

Natapos ang buong klase ng hindi ko nakitang pumasok si Zeus. Seriously? Sya ba talaga ang susunod na dean ng campus? Lumabas ako ng room at hindi na'ko nagulat ng bigla akong pagbulungan ng mga estudyante. Actually, kanina pa nila ako pinagbubulungan. First, dahil sa kulay ng buhok. Second, dahil sa kasama ko si Zeus kanina. Well, Zeus is damn popular here.

Palabas na sana ako ng gate ng malaman kong wala pala akong dalang kotse. Darn. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at iniscan ang contacts ko. Nasan na ba kasi 'yung number dito ni Manong? Fvck. Hindi ko ata nasave. Kainis naman. This time, Isa nalang ang pwede kong tawagan. Si Zeus. Hindi naman pwede si Mama o si Papa dahil unang-una nasa ibang bansa sila. Alanga-namang tawagan ko sila at sabihin sunduin ako dito sa Orlando University, diba? Sigurado naman akong hindi uuwi 'yung mga 'yon dito. I texted Zeus. Sige na, mag-send kana. Gustong-gusto ko ng umuwi.

Napabuntong-hininga nalang ako ng hindi mag-send 'yung text ko kay Zeus. Ang malas. Ibinalik ko nalang 'yung cellphone kong walang kwenta sa bulsa. Lumabas na'ko sa Orlando University at naglakad-lakad. Ghad. Hindi ko alam ang daan pauwi! Mukhang kailangan ko ng pag-aralan ang mapa dito.

Hindi pa'ko nakakalayo ng biglang may bumunggo sa'kin na syang ikinainis ko. Natumba sya as well as I am. Agad-agad syang tumayo at akmang tatakbo paalis pero hinila ko ang paa nya dahilan para masubsob sya sa sahig. Tumayo ako at hinila sya sa collar nya patayo. I stared at him fiercely and I tighten my grip on his collar. "Sa lahat ng ayoko, ang taong hindi marunong humingi ng sorry." Malamig kong sabi sakanya. I know, I easily got angry and that's me. I can control my temper but not anytime, like this.

Namumutla sya. Bigla syang pumalag sa hawak ko at nakita kong pasimple nyang kinakapa ang pantalon nya at napangisi ako ng makita ko kung ano 'yung inilabas nya. I roughly let him go and kicked his hand. Napahawak sya sa kamay nya at napadaing sa sakit. Sinalo ko 'yung baril na nabitawan nya at agad ko 'yung tinutok sakanya. I smirk at him. He step back and I move forward. Oh shit! I'm enjoying this!

I was about to pull the trigger pero nakita ko nalang syang nakahilata sa sahig. Nawala ang ngisi ko bigla. Fvck. Masyado ata akong umasa. I'm disappointed. Lumapit ako doon sa lalaking bumunggo sakin. Oh ghad! I'm really disappointed. He passed out! Parang ganon lang? Nahimatay agad?

Tss. Weakling.

"Baby Rina?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon and I saw Zeus with his group. His gang group. They are five. 'Yung dalawa nakanganga. 'Yung isa nakatingin dun sa lalaking nahimatay. 'Yung isa naman, nakatingin lang. Tapos si Zeus, eto nagtatakang nakatingin sa'kin.

Lumapit si Zeus sakin at sumunod naman sila. Palipat-lipat 'yung tingin ni Zeus sa kamay ko at sa'kin. Sa baril na hawak ko at sa'kin. "Mind explaining?" He crossed his arm. Kanina umiiyak sya na parang bata and now, he's acting like a big brother. At bakit parang bumaliktad ang posisyon namin ngayon? Kanina sya 'yung nag-eexplain tapos ngayon ako?

Pero hindi ako kumibo. Nanatili lang akong nakatingin sa kanila ng walang emosyon. Lalo na sakanya. Sa lalaking may kakaibang aura. He's wearing a contact lenses and based on his posture, on how he stand and his aura, madali mong malalam ang posisyon nya sa grupong 'to. He's the leader. Sya 'yung taong laging kinukwento ni Zeus sa'kin. This boy infront of me is the leader of the most powerful gang, The Legendaries.






-----

Hindi pa'ko naglalagay ng so much action but soon, medyo malapit na. Nag-uumpisa palang naman 'tong story. Sana subaybayan nyo po!

Please read, vote, comment and be a fan! Thank you!

The Red QueenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora