Chapter 17

6.1K 215 24
                                    

"Baby Rina? Hindi ka ba kinakabahan?"

"No."

"Kahit konti?"

"No."

"Sigurado ka?"

"Isa pa?" Sarkastikong tanong ko kay Zeus. Pano ba naman, kanina nya pa'ko tinatanong kung kinakaban daw ba'ko o natatakot. Blah blah blah. Nakakasawa eh.

Mas mukha pa nga s'yang kinakabahan kesa sa'kin. Akala mo naman s'ya ang lalaban. Tsk!

"Hindi talaga?" Isa pang tanong n'ya na mas lalong nakapagpainis sa'kin.

"Gusto mong eto ang sumagot sa'yo?" Tinaas ko ang kamao ko sakanya at tinapat mismo sa mukha n'ya. Umiling-iling s'ya ng ilang beses tsaka umupo sa kama ko.

Yes, nandito na naman sya sa kwarto ko. Ilang beses ko na s'yang pinilit na umuwi kaso ayaw n'yang papilit. Kaya hinayaan ko na lang s'ya sa kung anong gusto n'yang gawin pero nakakainis talaga s'ya. 'Yung tipong nakita ko lang 'yung mukha n'ya naiinis na'ko. Yup, ganyan ko s'ya kinaiinisan.

"Pero teka, ano nga palang nangyari kanina sainyo ni Shin ha? Is he courting you? Or did he confess his love? Tell me, baby Rina. Para naman alam ko kung kailan kita tatawaging Rina at hindi na 'Baby Rina'. Baka kasi matawag kitang Baby 'yun pala baby kana ng iba. And don't tell me na wala lang 'yon. Meron naman sigurong something sa hug diba? " Nanunuksong sabi nya. Ngumisi s'ya sakin at tinusok-tusok pa ang tagiliran ko.

I rolled my eyes. Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to.

"No, he's just damn worried about me like you. That's it. So you better srop your imagination. That will never happen." Malamig na sabi ko sakanya.

Napatigil s'ya sa sinabi ko at biglang naging malambot ang expression n'ya.

"It is because you have a wall there." Tinuro n'ya ang parte kung nasaan ang puso ko. Ngumiti s'ya ng malungkot. "It is because there are so many people who made your heart cold. They are the reason why you're this kind of person right now."

Tumingin s'ya sakin at inalis ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko at hinawakan ang pisnge ko.

"I want you to change. I want you to be the opposite of you right now. I want you to be happy."

Tumingin ako sa mga mata n'ya pagkatapos n'yang sabihin 'yon. Damn it. Napangiti ako ng mapait sa mga sinabi nya.

He wants me to change. Fvck shit.

Inalis ko ang kamay n'ya na nakahawak sa pisnge ko at tsaka ako tumalikod sakanya. Kinuha ko 'yung suklay na nasa lamesa atsaka ko dahan-dahang sinuklayan ang buhok ko.

"You can go." Malamig kong utas kay Zeus. Napakunot-noo s'ya tsaka s'ya bumuntong-hininga. Tumayo s'ya sa pagkakaupo at may sinabi nuna bago umalis.

"There is a mask in your closet and you must wear it. We will be here at 9:30. Just get ready for now." Pagkatapos n'yang sabihin 'yon ay umalis na s'ya.

Bumuntong-hininga ako at hinila ang upuan tsaka ako umupo at tinignan ang sarili ko sa salamin.

"I want you to change."

"Change huh? You are all the same."

Napasabunot ako sa sarili kong buhok at napangiti ng mapait.

Why? Why does everyone wants me to change? Why does everyone can't accept me the way I am now? Why?

"W-why?"

The Red QueenWhere stories live. Discover now