Chapter 32

16K 328 2
                                    

Travis POV

Hindi na ako nakabalik sa opisina magmula nong break time, dahil sa gag*ng to na nasa harap ko.

"GAG* KA! MAGSALITA KA, BAKIT MO SINUSUDAN SI STEPHANY?!" Si Carl po yan. Kung makapagreact para siya yung asawa ni Stephany.

Napansin ko kasi tong lalaking nakamasid kaninang umaga sa labas ng pamamahay namin ni Stephany. Akala ko nga ako binabantayan ng gag*, yun pala yung asawa ko. Pagkaalis na pagkaalis kasi kanina ni Stephany, umalis na rin tong lalaking to.

Nakasunod lang yung gag*ng yun sa asawa ko hanggang sa opisina, kaya pinaimbestigahan ko agad kay Carl yung lalaki at ngayon ay hawak na namin.

"AYAW MONG SUMAGOT HUH?" Sinikmuraan ni Carl yung lalaki ng hindi ito nagsalita.

"Tama na yan. Ako na ang bahala." Sabi ko kay Carl sabay tapik sa balikat niya.

"Nakakagigil kasi Boss eh, ayaw sumagot." Bugnot naman ni Carl at pupwesto sa likod.

Linapitan ko yung gag* na nakagapos sa isang silya dito sa JR (Judgment Room).

"Here's a deal, kung sasagot ka hahayaan pa kitang mabuhay at kung hindi ka sasagot di ako magdadalawang isip na patayin ka sa kinatatayuan mo ngayon." Dire-diretso kong sabi ko sa kanya, ayaw ko ng maraming pasubali.

Napansin ko naman na natakot siya. Tsk. Natakot siya sa akin pero sa mga nag-utos sa kanya, hindi. Tsk. Tsk. Eh, sigurado akong papatayin din naman siya ng mga nag-utos sa kanya.

"Si Mori Perez. Inutusan niya akong patayin ang asawa mo para daw mabawi niya ang titulo na para sa kanya." Hindi talaga ako titiglan ng Moring yun at ngayon si Stephany naman ang pipunterya niya.

Atat! Talaga siyang makuha ang Hayes-McCain Mafia para maisagawa ang plano niyang pagmemerge nito sa Iromary.

Pasensiya siya, dahil hinding-hindi ko bibitawan ang HMM at kung kailangan ko pang itali si Stephany sa akin ay gagawin ko wag lang siyang mapahamak kay Mori.

Hindi na puro Mafia ang nasa utak ko ngayon, pati na rin si Stephany na dinala ko sa mundo ko.

Matapos kong magrinig ang kailangan kong marinig tinalikuran na namin ni Carl yung lalaki at akmang lalabas na kami ng biglang sumigaw yung gag*.

"Hoy! Saan kayo pupunta? Pakawalan niyo ako rito may usapan tayo." Sigaw niya habang pilit kumakalawa sa pagkakatali.

"Yeah! Di ko sinabi na pakakawalan kita. Ang sabi ko hindi kita papatayin, kaya ikaw ang gagawa ng paraan para makaalis diyan." Tuluyan na kaming umalis sa JR at siya naman ay nagsisigaw doon sa loob. As If may makakarinig sa kanya eh, nasa underground ang JR ng siyang pinagdalhin namin sa kanya.

"Boss, hindi ba natin papakawalan yung gag*ng yun? Baka mamaho yun, alam niyo naman na ayaw ni Boss Courage ang madumi at mabaho ang JR."

Nakakatawa talaga tong si Carl. Mamaho agad? Hahaha. Di pa nga patay yung gag*ng yun.

Actually, mamamatay din yung gag*ng yun sa gutom kung hindi siya makakawala dun at mahanap ang daan palabas ng JR.

"Ipagdasal mo nalang siya na makatakas sa pagkakatali niya at makalabas ng JR ng di siya mamamatay dun at mamaho. Hahaha." Inunahan ko na siyang maglakad paakyat sa taas.

Habang naglalakad ako papunta sa kotse ko, iniisip ko kung paano ko mapoprotekhan si Stephany ng hindi niya nalalaman.

Ayaw ko na kasing mag-isip siya na kung anu-ano.

Kahit naman tanggap na niya ang pagkatao ko at ang pagiging Mafia Boss ko, ayaw ko pa rin na iniisip niya ang kapamahakan na maidudulot ko sa kanya.

Basta gagawin ko ang lahat na makakaya ko para lang protektahan ang asawa ko.

*****
Thanks for reading!

-dkc

NEXT IN THE THRONE ---[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon