Jho's POV
Tapos na first afternoon class ko. Papunta na ako sa class ni Rex. Sipag ko ba? *laughs*
Lakad.. lakad.. lakad..
And tanaaaa! Dito na ako. Tumingin ako sa loob at nakita ko agad ang lalaking sinasayang palagi ang oras ko. Chareng joke lang!
Rex: Ayan, dito na girlfriend ko.
Ako: Tagal naman ng prof niyo.
Inayos ko yung bag ko tsaka umupo sa tabi niya. Nasa likod kami by the way.
Rex: Bakit? Excited kang makinig?
Ako: Excited akong matulog ng dalawang oras.
Rex: Grabe siya. May hinanda akong notebook dito oh. Sabi ko sayo diba, doodle tayo.
Ako: Di ako magaling mag doodle ehh.
Rex: Sinungaling. Inubos mo nga notebook ko last sem kaka-doodle.
Ako: *laughs* Ay alam mo pala na ako yun? Kaloka.
Rex: Alam na alam. Puro potato corner dinaw-drawing eh, alangan naman si Marge.
Ako: Speaking of potato corner, nagce-crave ako.
Rex: Di na tayo makakalabas dito. Ang late mo naman mag inform, nakabili pa sana ako kanina.
Ako: Bilhan mo nalang ako after class then hatid mo sa BEG. Kainin ko before training.
Rex: Fine.
???: Good afternoon, Class.
Rex: Ugh. Andyan na ang pinaka boring na prof sa buong Ateneo.
Ako: Anong sa Ateneo? Sa buong Pilipinas kamo.
Rex: Anong sa Pilipinas? Sa buong mundo kamo.
Kami: *laughs*
So ayun, salita lang na salita yung prof. Waley kaming pakialam.
Rex: (bumulong) Psst Jho
Ako: Ano?
Rex: (bumulong) Sssh. Drawing na tayo. Ang kati na ng kamay ko.
Ako: Asan ba notebook mo
Rex: (bumulong) Hoy bumulong ka nga. Lakas ng boses mo.
Ako: Bingi yan si Sir ano ka ba
Rex: (bumulong) Letche, Jho. Ikaw na ang hindi takot. Hahaha!
Sir Boring: Mr. Intal, mind to share that happiness?
Opps. Di pala bingi. Patay.
I gave him a peace sign at tumawa ng konti. Mapikon sana. Lol
Rex: Ah, sorry Sir. Nag joke po kasi si Maraguinot kaya natawa ako.
AHHH SHET KA REX!!! Mapapatay kita!!!
Sir Boring: Is that true, Ms. Maraguinot?
Okay, Jho. Kalma. Magaling ka dito. Magaling ka magpalusot.
Ako: Ah, no Sir. Di po ako nag joke. Baka natawa lang siya sa mukha ko. Kamukha ko kasi si Winnie the Pooh.
Class: *laughs hard*
Oh see? Isa akong henya! Hahaha!
Sir Boring: Enough. Okay let's continue the class.
At lumusot ako sa sarili kong palusot. Galing ko talaga. Tiningnan ko si Rex ng taas noo at taas kilay. Walangya to napasubo ako.
Ako: Makakatikim ka sakin. Walangya ka.
Rex: Uy, sorry na. Wala na akong maisip na palusot ehh.
Ako: Mag-isip ka nga ng maayos next time. 3 years kana dito pero di mo parin alam pano gumawa ng kalokohan nang di nabibisto.
Rex: Edi ikaw na ang pro. Pero seryoso, lusot na lusot sa banga. Napatawa mo pa classmates ko. *laughs*
Ako: Ewan ko sa'yo.
The whole class, nag doodle lang talaga kami. Di naman kami napapansin ni Sir.
Puro fries nilalagay ko dahil nga nagcre-crave ako ng potato corner :(
Rex: Paano pag walang sweet corn sa Potato Corner?
Ako: Madaming stall ng Potato Corner kaya maghanap ka talaga ng may sweet corn.
Rex: Seriously? Baka ma late din ako sa training namin!
Ako: So problema ko yan?
Rex: Hindi nga. Sabi ko nga.
Ako: Basta ha, hanap ka talaga ng sweet corn kundi eto na last sit in ko sa class mo.
Rex: Daig mo pa ang nagcre-crave na buntis. Oo nga. Hanap ako.
Sir Boring: Okay, class dismissed.
Kami: FINALLY!
Lumabas agad kami sa classroom. Atat lang?! Hahaha.
Rex: Picture tayo with our doodle!
Nag selfie kami while holding our finished product na doodle.
(Insert Photo Here)@rexintal: Doodling sesh with ma fave batchmate! Thanks for sitting in my class today. Labyu @JhoanaLouisse
Comment naman agad mga teammates at batchmates namin. Kaloka. Boring din class nila at may time silang mag IG? Lol
margemallows: Fave batchmate? May favoritism ka pala Rex :(
maetajima: #FriendshipGoals
joshvillanueva: Inggit ako. Akala ko ako favorite mo. Si Jho pala.
ella_dejesus: Sweet naman. Maghiwalay din kayo minsan.
Mga loko to. Hahaha!
Ako: Hoy patulan mo nga sila.
Rex: *laughs* Wait.
rexintal: Marge at Josh, pag kayo kasama ko, ganyan din caption ko. Salitan kumbaga! Lol.
rexintal: @maetajima @ella_dejesus LOL GUYS :P
Ako: May next class kapa diba? Una na ako. Susulitin ko ang naudlot na tulog ko sa dorm.
Rex: Sige. Salamat ulit. I'll bring the fries later na ahh. See you sa training
I waved goodbye and walked my way to Eliazo. Isang oras akong matutulog tapos punta agad sa BEG.