Forevermore - Chapter 16 (A Lesbian Love Story)

27K 407 8
                                    

Nilibot ni Raffy ng tingin ang bawat sulok ng airport. Kapansin pansin ang napakaraming pagbabago sa pasilidad ng lugar, mas naging high-tech ang mga kagamitan at mas pinaigting ang seguridad ng terminal. Dagsa ang tao ngayon sa airport, marami kasing OFWs ang mas ginustong umuwi at samahan ang pamilya nila ngayong pasko. Ganyan naman ang mga Pilipino walang saysay ang pasko kung hindi mo kasama ang pamilya mo, kaya naman for the first time icecelebrate niya ang pasko sa bahay ng kasintahan niya kasama ng pamilya nito.

Iginala niya ang mata sa buong lugar, nasan na ba ang girlfriend niya? Nagsimula na siyang humakbang papunta sa waiting area at doon umupo at nagpahinga, ramdam niya ang maraming matang nakatingin sa kanya. She’s 27 years old now, halos 5 years din siyang hindi umuwi ng Pinas at sa loob ng limang taon alam niyang hindi kumupas ang ganda niya bagkus ay mas lalong naging kaakit akit ang itsura niya. She’s wearing that ice cold look na dinevelop niya simula ng magkahiwalay sila ng ex-girlfriend niya. Nang makaupo, nagsimula na namang maglakbay ang isip niya sa nakaraan…

Inilinga niya ang mga mata sa loob ng kwarto, sigurado siyang hindi iyon ang kwarto niya. Hindi rin siya pamilyar sa amoy niyon. Humiga lamang siya doon ng ilang segundo upang analisahin ang mga pangyayari, nasa ospital siya pero bakit? Inalala niya kung anong huling nangyari sa kanya, naalala niyang nahimatay nga pala siya matapos mabasa ang mensahe ng kasintahan. Nakaramdam ng matinding kirot sa dibdib si Raffy, masakit isipin na ang taong minahal niya sa mahabang panahon ay wala na sa piling niya. Unti unting naglandas ang mga luha niya sa kanyang pisngi, naaawa siya sa sarili niya. Bumakas ang  pinto ng puting kwarto ng hindi niya namamalayan, lumapit sa kanya ang ina at hinagod ng marahan ang ang buhok niya kasabay ng isang nakikisimpatyang tingin.

 

“Ma, where’s Kristle?” tanong niya sa ina habang patuloy sa pag-agos ang luha.

 

“Take a rest muna, anak. Wag ka munang mag-isip at makakasama yan sayo. “ sagot ng ina sa kanya habang patuloy sa paghaplos sa buhok niya.

 

Sabi ng doctor, pwede na raw siyang lumabas ng ospital kinabukasan at kahit ayaw ng pamilya niya na lumuwas siya ng Pilipinas walang nagawa ang mga ito kundi sumangayon na lamang. Nang makarating sa Pilipinas agad na hinanap niya ang kasintahan sa bahay ng mga ito ngunit iba na pala ang nakatira, last week pa raw ibinenta sa mga ito ang bahay. Nang itanong niya kung nasaan ang may-ari, sinabi lamang nito na umuwi na raw ng probinsya at doon na maninirahan. Lahat ng lugar na pwedeng puntahan ng dalaga ay ginalugad niya pero wala siyang nakitang kahit anong bakas nito.

 

Nawawalan na siya ng pag-asa. Ilang araw nalang kailangan na niyang bumalik sa France. Siguro nga totoo ang sinabi ng dalaga, hindi na siya mahal nito. Halos gabi gabi siyang nagpapakalunod sa alak para lang wag makatulog. Araw-araw siyang hinahabol ng mga ala-ala nila ng kasintahan.

 

Bago siya umalis pabalik ng Paris, kinausap niya si Chantelle. Ito nalamang kasi ang tanging taong umiintindi sa kanya. Napag-alaman niya na nakipagkita pala si Kristle sa dalaga ilang araw bago niya natanggap ang mensahe. Nag-bilin daw ito sa kaibigan na alagaan ta wag siyang pabayaan dahil alam nitong mahihirapan siyang tanggapin ang nangyari sa relasyon nila. Ang mas masakit pa, kasama daw ng dalaga si Lawrence ng makipagkita sa kaibigan. Simula noon ay hindi na siya iniwan ng dalaga, palagi itong nasa tabi niya sa lalo na sa mga oras na kailangang kailangan niya ito.

 

Naputol ang pagbabalik tanaw niya ng may yumakap mula sa likuran niya, base palang sa amoy nito alam na niyang dumating na ang sundo niya. Hinalikan siya nito sa leeg kasabay ang mas mahigpit na yakap. Pumunta ito sa harapan niya at tinanggal ang shades sa mga mata niya saka tumingin ng diretso, tama nga ang hinala niya, si Chantelle. Masaya siya at nakita niyang muli ang dalaga kaya naman hindi niya naiwasang wag magpakawala ng isang matamis na ngiti ng masilayan ang mala-anghel nitong mukha. Hindi naman mahirap mahalin si Chantelle, mabait ang dalaga at maalaga. Ilang taon nga niyang iniwasan ang Pilipinas ngunit masugid ito sa pagpunta sa France para lang makasama siya. Yan ang nagustuhan niya sa girlfriend niya, kahit kailangan ay hindi ito nakalimot na iparamdam sa kanya na mahal siya nito.

Hinalikan siya nito sa mga labi, halatang sabik na sabik ito sa kanya dahil matagal din ang ginawa nitong pagsiil doon. Siya na ang lumayo sa dalaga, pinagmamalaki naman niya ang girlfriend niya pero siyempre iba parin ang magiging tingin ng mga tao sa kanila.

“Sweetie, reserve that for later.” nanunuksong nginitian niya ang dalaga habang marahang pinisil ang baba nito. Tumango naman ang dalaga at magkahawak kamay na naglakad palabas ng airport.

Halos dalawang taon na sila ng dalaga, aaminin niya noong una ay napilitin lang talaga siya kay Chantelle. Kung hindi nga lang naging matsaga ang dalaga sa kanya ay paniguradong hinding hindi niya ito magugustuhan. Hindi naman siya nagsisi na naging kasintahan niya ito dahil totoo namang napamahal narin ito sa kanya, sanay siya sa presensya nito. Masaya din siya sa dalaga dahil kahit kailan ay hindi siya ikinahiya nito. Very open din ito sa pamilya nito kaya naman ngayong pasko ay dadalo siya sa pagtitipon sa bahay ng dalaga.

Hindi na niya ginagamit ang condo na binili niya para sa kanila ni Kristle, pinaupahan nalang niya ito sa isa pa niyang kaibigan. Magtatagal siya sa Pilipinas ngayon, stable narin kasi ang negosyo nila sa France at papa na niya ang namamahala nito. Ang firm naman niya ay ipinamahala na niya sa kaibigang French dahil mas gusto na nga niyang manatili sa Pilipinas. Plano niyang magtayo ng sarili niyang firm dito pero bago ang lahat, magbabakasyon muna siya ng bongga kasama ng girlfriend niya bago siya babalik sa trabaho.

Nahirapan siyang alisin sa sistema si Kristle. Hanggang ngayon, naiisip parin niya ito. Hindi na nga ito nagpakita sa kanya simula noon, miski text o tawag ay wala siyang natanggap mula dito. Marahil siguro sa sama ng loob ay hindi na rin siya nag-abala pang hanapin ito, ika nga kung mahal natin ang isang tao kahit gaano pa natin ito kamahal kung hindi na naman ito sasaya satin, learn to let go.

Nang makaupo sa kotse ng kasintahan, marahan niyang pinisil ang kamay nito at saka hinalikan ang mga labi. Wala na siyang mahihiling pa, she’s now happy with Chantelle.

Forevermore (GirlxGirl) - CompletedWhere stories live. Discover now