Forevermore - Chapter 39 (A Lesbian Love Story)

23.8K 342 19
                                    

Hinapit ka agad siya ni Kristle pagkasay pa lamang nila ng limousine, “I love you so much!”, narinig niyang sabi ni Kristle sa pagitan ng mga halik nito. “Thank you for the glamorous and wonderful proposal, you shouldn’t have done that though. Kahit naman hindi ka magpropose papakasalan parin naman kita.”, sabi ng dalaga ng tuluyan ng magkahiwalay ang kanilang mga labi.

Binigyan niya ng isang napakatamis na ngiti ang dalaga, “I want you to know how special you are. How much I’ve been dying to spend the rest of my life with you. I love you more, baby!”, muling hinalikan nito ang mga labi niya.

Hindi kalayuan ang pantalan na pinagdaraungan ng barkong pagdarausan ng engagement party kaya naman madali rin silang nakarating sa lugar. Magkahawak kamay na tinungo nila ang loob hanggang sa marating nila ang pintuan ng multi-function hall, masigabong palakpakan ang namayani sa paligid ng ianunsyo ang pagdating nila, tuloy parin ang hiyawan, sigawan at palakpakan hanggang sa makaupo sa nakatalagang lamesa para sa kanila di kalayuan sa lamesang kinauupuan ng magulang nila. Hindi nga siya nagkamali sa pagpili ng lugar, moderno at classy ang loob nito, halatang mamahalin rin ang lahat ng gamit na nandito; mula sa eleganteng upuan hanggang sa mga muebles at carpeted na sahig nito.

Maraming mga panauhin parin ang lumalapit sa kanila para bumati, karamihan dito ay hindi niya kilala, mga taong nasa kilalang pamilya na nabibilang din sa katulad nilang nagmamahal ng kapwa nila kasarian, wala naman silang problema sa ganito dahil mas gugustuhin pa nga nilang makasalamuha ang mga ito kaysa sa mga taong kalimitan ay mga impokritong nanghuhusga sa mga katulad nila.

Masaya ang paligid, may mga taong nagsisimula ng kumain at ang iba naman ay nagsasayaw sa dance floor may kalayuan sa kinauupuan nila.

“Raf?”, narinig niyang tawag ng isang babae na kasalukuyang nakatayo sa harap ng mesa nila.

Nang lingunin niya ito, “Chantelle, what— ah — I’m so glad to see you!”, hindi niya alam kung anong dapat sabihin ng makita niya ang dalaga. Ito ang huling taong inaasahan niyang dadalo sa pagtitipon, pinadalhan niya ito ng invitation at hinangad din naman niyang pumunta ito pero ang buong akala niya ay galit parin ito sa kanya kaya laking gulat niya ng makita ito sa harapan  nila.

“Can I have a dance with Kristle?”, nilingon niya si Kristle, halata sa mukha nito ang pagkagulat.

“You should ask her not me.”, dinugtungan niya ng ngiti ang sinabi, hindi niya alam kung anong tumatakbo sa utak nito pero base sa pagkakangiti nito sigurado siyang mabuti naman ang hangad nito. Nilingon niya si Kristle na nakatingin na sa kanya, tinanguan niya ito bilang pagsangayon sa gusto ni Chantelle.

Inilahad naman ni Chantelle ang kamay at bagamat may agam agam sa mukha ni Kristle tinanggap naman nito ang alok ni Chantelle. Hindi nagtagal, nagsasayaw na ang dalawa habang siya naman ay nananatiling nakaupo lamang at nakamasid. Mukhang maayos naman ang pinaguusapan ng mga ito dahil parehas na nakangiti ang dalawa.

“Raf, can I have a dance with you?”, hindi niya napansin ang pagdating ni Grace sa harapan niya.

Tumingin siya sa kamay ng dalaga na nakalahad sa harapan niya, muli niyang nilingon ang nagsasayaw na si Kristle at Chantelle, nakita niyang nakangiti sa kanya ang dalawa. Hindi na siya nag-alangan pa, tinanggap niya ang kamay ni Grace at marahan siyang iginaya nito papunta sa mga taong nagsasayaw, kanta ni Lionel Richie na ‘Say you, Say me’ ang kasalukuyang pinapatugtog kaya hindi na siya nagtaka ng ikawit ni Grace ang kamay nito paikot sa balikat niya.

“Raf, I just want to thank you for everything you’ve done to me.”, bulong nito sa kanya, mas matangkad siya dito kaya naman halos tumingkayad na ito para maabot ang tainga niya, “I wish you happiness, kayong dalawa ni Kristle gusto kong maging mas masaya pa kayo, I can see how much you love each other and I’m happy for both of you.”, taos sa pusong sabi nito, inihilig nito ang ulo sa balikat niya.

Forevermore (GirlxGirl) - CompletedWhere stories live. Discover now