[16]

42 5 0
                                    

Okkim's POV

Nang makalabas na kami sa kwarto ay patuloy kaming naglakad.

Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa mga nakita ko ngayon alam ko ng wala na talaga kaming pagasang makalabas dito.

Tatlo na lang kaming natira at kung makalabas man kami dito ay swertihan na lang siguro.

Narinig ko naman ang pagiyak ni Niece kaya napatingin ako sa likod.

Nakita kong nakayakap si John sakanya.

Matagal ko ng gusto si Niece pero nung malaman kong may gusto siya kay John ay nainis ako sakanya.

Pero natuwa din ako dahil nalaman kong si John na at si Lian na. Kaso hindi ko maatim na makita si Niece na gabi gabing malungkot at alam kong wala na akong pag asa sakanya dahil si John talaga ang gusto niya.

"Shhh nandito pa kami kaya ka pa naming protektahan hanggang nandito pa kami ni Okkim ay ligtas ka!" Narinig kong sabi ni John kaya lumapit na din ako sakanila at tumango tango ako.

"Wag kang mag alala poprotektahan kita." Dagdag ko pa pero lalong bumuhos ang emosyon ni Niece gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa gusto ko siyang maangkin kahit ngayon lang pero hindi ko kaya.

Hanggang sa isang imahen ng lalaki ang biglang lumitaw sa harapan namin hindi na siya anino at kitang kita na talaga namin ang mukha niya.

At at at siya ay.....

"Ikaw!?" Sabay sabay naming sabi.

Hindi naman siya sumagot at tumawa lang ng pagka lakas lakas.

"Bakit mo ginagawa samin 'to?!" Bulyaw naman ni John.

"Simple lang dahil gusto kong maramdaman niyo ang naramdaman namin ng kapatid ko non." Sabi nung lalaki.

Bigla ko namang naalala ang lahat.

'Maawa kayo sakin kahit ano gagawin ko wag niyo lang akong sasaktan.'

'Hindi ka namin sasaktan kung ibibigay mo samin ang pera mo, diba!?'

'Oo nga bata kaya ibigay mo na! Dali ibigay mo na!'

'P-pero kailangan ko pang bilhan ng gamot ang ang kuya ko parang a-awa niyo na po.'

'Aba't sumasagot ka pa!'

'Wag niyong saktan ang kapatid ko!'

'Oh Mark ang akala ko ba may sakit ka hmp may pagka dakilang sinungaling din pala 'tong kapatid mo manang mana sayo!'

'Wag niyo siyang sasaktan ako na lang pakiusap!'

'K-k-kuyaaaaa!'

Bigla namang bumalik sa katinuan ang isip ko nang biglang magsalita si Mark.

"Oh ano Okkim naaalala mo na ba kung pano niyo kami api-apihin non?!" Sabi niya kaya lalo akong nangilabot.

"Nagmakaawa ako sainyo non na wag niyong saktan ang kapatid ko pero sinaktan niyo pa din siya at walang awa niyong pinatay!" Dagdag pa ni Mark, nakaramdam naman ako ng pananakit ng ulo siguro dahil lang sa mga alaalang nahalungkat ko sa utak ko.

"P-pero hindi namin sinasadyang m-mapatay siya, aksidente lang ang lahat ng 'yon." Pagpapaliwanag ko naman.

"Aksidente?! May aksidente bang pinaghandaan!? Wag niyo nga akong pinagloloko!" Sabi pa ni Mark na halata sa boses ang galit kaya lalo akong nangilabot at halos tumayo lahat ng balahibo ko sa batok.

"Pero bakit ako nasali diyan!? Hindi ko alam ang mga pinaguusapan niyo!" Birada naman ni John kaya bigla akong napatingin sakanya.

"Wala kang kinalaman pero inagaw mo ang kaisa-isang babaeng pinangarap ko!!"

"Wala akong inaagaw sayo! Ni hindi nga kita kilala sila oo kilala ka pero ako hindi!"

"Hindi mo ako kilala pero kilala kita pano ba namang hindi ko makakalimutan ang pangalang John, ang pangalang 'yon ay ang pangalan ng nobyo ng babaeng pinangarap ko ng pagkatagaltagal!" Saad pa ni Mark habang naglalakad siya paikot samin. "At kung gusto mong itanong ang pangalan ng babaeng 'yon---"

"Lian!" Sabay na sabi namin ni Mark.

"Magaling Okkim buti pa ikaw may utak hindi tulad ng lalaking 'to! At dahil pinainit niyo na ang ulo ko tapusin na natin 'to!" Pagkatapos nun ay nahilo nanaman ako at malamang ganun din sila at halos sabay sabay kaming bumagsak sa sahig.

And CUT [COMPLETED]Where stories live. Discover now