Mishap 5

89 8 8
                                    

***

If you can't face it, run away from it but make sure you can run well.

***



Leonard's POV

Nandito pa rin ako sa HQ. Hindi pa ako nakakauwi. Mag-aalas dose na nang hatinggabi.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa swivel chair sa harap ng office table na puno ng mga kung anu-anong dokumento at papeles para sa project na naassign sakin. Lumapit ako fridge at kumuha roon ng maiinom. Isang beer in can ang pinili ko.

"I need this." Sabi ko pa na binuksan na ito.

Pero nung tutunggain ko na ay biglang nagring naman ang cellphone ko.

"Oh gods. Wag mong sabihing sa ganitong oras may tawag pa ako na work related? Asar naman!" Bulalas ko sa inis. Isinara ko na ang ref at bumalik sa mesa bitbit ang beer. Inis na dinampot ko ang cp. Agad namang nawala ang bad mood ko nang mabasa ang pangalan ng caller sa screen. Abot tenga ang ngiti ko nang sagutin iyon.

"Hello, princess. Miss me?"

"Nasan ka?"

"Aray naman. Ang layo ng sagot sa tanong ko oh." Natatawang sabi ko na naupo na at ipinatong sa mesa ang beer na hawak ko.

"Ok. Fine. Oo na. Namiss na kita. So where are you? Wala ka naman sa bahay nyo nung dumaan ako dun kanina?"

Dalawang araw.

Dalawang araw na kaming hindi nagkikita ni Rafy. And damn, i miss her so much. May trabaho ako ng sabado at nung linggo naman may pinuntahan kaming operation ng group. Ni hindi ko na nagawang dalawin sya sa Royal Palace. And this morning, i've seen her sa office ni Marco. Pero wala na akong time na lapitan sya. Nagmamadali na kasi ako nun.

"Hello? May kausap pa ba ako?"

"Yeah. Nasa RKHQ ako ngayon."

"What? Its almost midnight."

"May tinatapos lang."

"Kumakain ka pa ba ha Leonard? Natutulog ka pa ba or nagpapahinga man lang?"

I laughed. Though she sounds not so sweet asking that but i know she really cared for me.

"See? Nalipasan ka na ng gutom. Tumatawa nang wala namang nakakatawa."

Tumigil ako sa pagtawa at seryosong sinabi sa kanya...

"I love you."

Walang response. Natahimik bigla.

"Hey, princess, are you still there?"

"Y-yes. I-- ahmm .. i ---"

"What?"

"Len, i wanna see you?"

Bigla ang kabog ng dibdib ko. First time to ah.

"Why?"

"Ano ba? Ang dami mo namang tanong e. FYI lang mister, girlfriend mo ko. Ok. Just to remind you."

Muli na naman akong natawa.

"Nakakaini---"

"How would i ever forget that? Ang tanging bagay na nagpapasaya sakin. You being my girl, princess."

May dumaan na namang anghel.

"Yun naman pala e. Mabuti na yung malinaw. So what time you will pick me up tomorrow?"

"Now."

"Huh?"

"I'll pick you up now. Be there in 10 minutes."

"But -- "

Di ko na hinintay ang sagot nya. I ended the call and hurriedly went out.

Hindi beer ang kailangan ko. I need her.
















Rafy's POV


Baliw talaga ang isang yun.

Bulong ko na napangiti na rin habang nakatitig sa cp ko. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. May sampung minuto lang bago dumating si Leonard. I hurriedly went to tge bathroom and do a quick shower.

Hindi ko alam kung bakit ko sya tinawagan ng ganitong oras. Siguro nga tama sya. Namimiss ko na nga siguro sya. O marahil nagiguilty ako sa nangyayari. Spending time with Marco and having fun being with him as well. O pwede ring may gusto akong takasan. I'm running away with my own feelings and only Leonard can help me with that.

I guess it's all of the above.

Matapos akong makapaghanda tinignan ko muna si Zeus na himbing na sa pagtulog sa crib.

"I'll be back soon." Bulong ko at humalik sa pisngi nito.

Tulog na ang lahat sa palasyo at ayoko namang makaistorbo kaya nagmessage ako kay Leonard na hintayin na lamang ako sa may gate.

Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan at maingat na humahakbang pababa nang may biglang nagsalita.

"Where the hell are you going?" Sabi ng baritonong boses.

I can't help my eyes to roll upward.

Marco.

Nilingon ko sya at nakita ko syang nakatayo sa itaas ng hagdan. May kadiliman sa paligid pero sapat na ang liwanag ng buwan mula sa labas na tumatagos sa naglalakihang glass window ng palasyo.

I saw him half naked. Wearing only his pajama pants. And the way his hair looked so messy ,it is obvious he just came up from his bed.

Ang lakas ng radar ah. Nagising ko ba sya?

"Bakit gising ka pa?"

"It is me who ask first." Sabi nito habang bumababa na rin palapit sa akin.

"I'm going out."

"In a middle of the night?"

Napataas na ako ng kilay sa tono ng pananalita nya. Much more to his question.

"What are you? My father? And besides, it's non of your business, Flanele." Iritable kong sagot at tumalikod na sa kanya pero bago pa man ako makahkbang ay nahablot na nya ang braso ko at marahas akong iniharap sa kanya.

"Anong klaseng sagot yan Serafyna? Tell me, ano bang problema mo sakin?" He hissed. Naaninag ko pa ang pagtagis ng mga bagang nya. Ramdam ko rin ang mahigpit na hawak nya sa akin. He's so damn close. And i hate it.

Iwinaksi ko ang kamay nyang nakahawak sa braso ko. Hindi ko gusto ang ganitong sitwasyon sa pagitan naming dalawa. Bumaba ako ng isang hakbang para bigyang distansya ang sarili ko sa kanya.

"Ikaw ang may problema. You ask me where am i going and i answered you that i'm going out. Then out of nowhere you became sarcastic. Ikaw ang may problema hindi ako. Now if you'll excuse me, your majesty, i really have to go. Nandyan na ang boyfriend ko at hinihintay na ako sa labas."

Mukhang natauhan naman sya sa sinabi ko. Hindi na sya nagsalita. I tried to see any reaction from his face pero dahil siguro may kadiliman sa paligid kaya wala akong maaninag bukod sa pagtagis ng mga bagang nya. Bahagya ko pa ngang naulinigan ang paghigit nya ng hininga na tila nagtitimpi ng galit.

And honestly, i don't understand why.

"Goodnight , anyway. And please, try to sleep. Wag mo na akong hintaying umuwi." Pahabol ko pang sabi bago tuluyan syang talikuran at iwan. Ni hindi ko na sya nilingon pa. Diretso na akong naglakad palabas sa main door.



Never will i let myself fall for you again, Marco. Ever.
















OneiroiWhere stories live. Discover now