Chapter 3

117 8 1
                                    

Astrid's POV


It's dismissal time, nauna nang umuwi saakin si Cara. May pupuntahan pa daw kasi sila ni tita Divine. She was inviting me to join them pero tumanggi ako. Mas magandang silang dalawa nalang ang lumabas para naman makapagbonding at makapag catch-up naman silang mag ina. Madalang nalang kasing umuwi sa Pilipinas si tita, busy siya sa pagpapalakad ng business ng pamilya nila together with Cara's dad, si tito Erwin.


Since madalas wala ang parents ni Cara, halos araw-araw mga maids lang ang kasama niya sa bahay nila. Ganun pa man, wala naman siyang sama ng loob kay tito at tita. Naiintindihan niya naman kasing para sa kanya rin ang ginagawa nila and she highly appreciates that.


Anyway, papunta ako ngayon sa locker area. May isasauli at kukunin kasi akong mga libro. Uuwi na din ako pagkatapos. Susunduin ako ni kuya Zack.


Oo may kuya ako. He's the best kuya I ever had. He's the one taking care of me habang nasa ibang bansa sila mama at papa, you know handling business. Same cases lang with Cara. Ang pinagkaiba lang she's an only child habang ako naman I have kuya Zack.


Twenty years old na si kuya habang ako naman eighteen. Two years lang ang agwat namin kaya kung magtratuhan kami parang magkasing edad lang kami. Pero syempre tinatawag ko parin siyang kuya, it's a sign of respect kasi saatin diba?



Napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ako ng dalawang taong nag tatawanan sa locker area.




Damn, hindi ako pwedeng mag kamali. I know the owner of that voice too well.



Sumilip ako at nakita ko siyang tumatawa. Tama ako, siya nga...



Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko at the sight of him. God, I missed him. Hindi ko na kasi siya madalas nakikita. Hindi ko alam kung dahil iniiwasan niya ko o talagang hindi lang nagtutugma ang mga schedule namin.


Pero mabuti nalang at nakita ko siya ngayon. I badly need and wanted to talk with him. For my insanity's sake. I want to tell him that I want him back in my life. That I still love him and I can't live without him.


Lalapitan ko na sana siya at kakamustahin nang makita ko kung sino ang kasama niya dahilan para mapa urong ako.




Si Sabrina...


Right, his new girlfriend.




He seems happy...




Actually, they both look very happy.



Napasandal ako sa dingding saka hinawakan ang dibdib kong nagsisimula nanamang manikip. Ang sakit parin talaga.

The DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon