Chapter 6

99 8 1
                                    



>>>Picture of Sabrina Guevarra on media.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Astrid's POV

"Oh my God! Dylan, yung aso!!!" pagpapanic ko nang makita kong masasagasaan na namin yung ligaw na aspin sa daan.

"Shit." I heard Dylan swore under his breath sabay biglang liko ng manibela. Nakahinga ako ng maluwag nang maiwasan namin yung aso pero sa sobrang lakas ng impact, nauntog ako sa bintana ng kotse niya.

"Aray!" reklamo ko sabay masahe sa part ng ulo ko na tumama.

Kanina pa ko nag titimpi sa lalaking 'to, kung mag drive ba naman kasi akala mo pag mamay ari niya ang buong kalye. Kung gusto niyang mag pakamatay sabihin lang niya! Baba ako ng kotse niya ngayon din.

I was expecting an apology from him pero ni isang salita walang lumabas sa bibig niya. Kinagat ko nalang ang labi ko at nag pigil ng inis. Patience is a virtue my Mom always said.

"Anong gingawa natin dito?" tanong ko nang biglang huminto kami sa isang park.

He removed his seatbelt and was about to exit the car when I pulled him back inside. Bastos lang?

"Sabi ko anong ginagawa natin dito?" tanong ko.

He shrugged off my grip and looked at me sternly. "We're here to ruin Josh and Sabrina's date, now will shut up and just step out of the car?" And just like that, iniwan niya akong natataranta at hindi mapakali sa kotse.

Shit. Akala ko mag uusap palang kami, hindi ko naman inexpect na magsisimula na pala kami. I need to get out of this place, hindi pa ko handang makita si Josh no. Pero pano? Nakakahiya naman kay Dylan, late na nga ako tapos eto pa. I'm sure as hell he won't let me leave.

Naputol ang mga iniisip ko nang makarinig ako ng katok sa bintana ko. Pag katingin ko, si Dylan pala.

"Bakit hindi ka pa bumababa?" bungad niya, matapos kong pag babaan siya ng bintana. Halata mong naiirita siya sa expresyon ng mukha niya.

"Dylan, ano ba talagang gagawin natin? Mag papakita ba tayo sa kanila? Eh kasi..."

"Eh kasi ano?" he impatiently asked.


Sasabihin ko ba sa kanya?

Pano kung magalit siya?

Bahala na nga.

"Di pa ko ready na makita si Josh... Pwede bang umuwi na ko?"

"WHAT?!" he spatted then laughed sarcastically. "Nagbibiro ka ba? Pinag hintay mo ko tapos ano? Uuwi ka nalang? Hell no, Astrid. Get out of the car now. Don't wait for me to make you."

I quickly closed my window and locked all the door pag kasabi niya non. Fuck ayaw ko talaga! Hindi niya ko mapapalabas sa kotseng ito no matter what he'll do.

I saw him smirked and shove his keys right in front of my face sa window. Right, keys. Meron nga pala siya non, bakit ba hindi ko naisip yon. God, I'm finished.

He opened my door wide open at binuhat ako palabas ng kotse niya. Nagsisigaw ako at nag pupumiglas but to no avail, masyado kasi siyang malakas.

"Dylan! Ano ba! Bitawan mo ko! The deal is off!" sigaw ko.

"Too late for that, Astrid. We've already started it." then he let out an evil laugh.

We were making a scene nang biglang may babaeng nagsalita mula sa likod namin.

"Dylan?"

I felt Dylan's body stiffen at the moment then he let go of me.

"Hey, Sabrina." rinig kong bati ni Dylan sa babae.


Sabrina? Andito si Sabrina?

Fuck.


"Who is she?" tanong ni Sabrina.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ayaw ko sana silang harapin kaso itong si Dylan bigla ba naman akong inakbayan at iniharap sa kanila. "You mean her?"

Nakita kong nagulat si Josh nang makita niya ako, hindi niya siguro ineexpect na makikita niya ako dito. Si Sabrina naman tinignan ako mula ulo hanggang paa na para bang kinikilatis ako. Sa sobrang awkward ng nararamdaman ko ngayon, ngangalambot ang mga paa ko, mabuti nalang at sinusuportahan ako ni Dylan kung hindi malamang napaupo na ako sa sahig.


"She's my girlfriend." rinig kong sabi ni Dylan.


Ano daw?!

Wait.

This isn't part of the deal... DYLAN?!

"Oh..." sabi ni Sabrina na halata mong gulat na gulat sa biglaang declaration ni Dylan. Kung wala siyang boyfriend at makikita mo ang reaksyon niya, mapag kakamalan mo na nasasaktan siya ngayon. Pero alam naman nating lahat impossibleng mangyari yon, since si Josh ang gusto niya. Kaya nga sila di ba?

"Congrats pare." sabi ni Josh kay Dylan pero sa akin siya nakatingin. Nananadya kaya siya? Congrats for what? For moving on? Kung alam niya lang...

There was an awkward silence until Sabrina decided to break the ice. "So... Where you guys going? Do you want to join us?" tanong ni Sabrina.

Sasagot na sana si Dylan kaso inunahan ko na siya bago niya pa palalain ang mga pangyayari. "Maybe some other time, my BOYFRIEND and I need to talk." talagang diniinan ko ang pagkakasabi ko ng boyfriend sabay kurot sa tagiliran ni Dylan.

Ano ba ang sininghot niya at naisip niyang sabihin na girlfriend niya ko?!

"Ahh, ganon ba? Sayang naman... See you guys around." paalam ni Sabrina at nauna na silang umalis ni Josh.

Pagka alis nila, agad kong tinignan ng masama si Dylan.

He better start explaining or else...

The DealWhere stories live. Discover now