Chapter 9

1.1K 33 4
                                    

Jovs POV

"Hoy Ate Jovs maghinayhinay ka nga! Ano to championship? Pagod na pagod na ko maghabol sa mga bolang pinapalo mo!" humihingal pa na reklamo ni Tin.

"Aba bakit ako inaaway mo? Yang si Royse ang awayin mo sya ang blocker ko eh di nya mapabagal yung bola!" sagot ko naman.

"Pano ka naman namin mapipigilan eh sobrang pabibo ka. Porke may chicks na nanonood sayo beast mode ka ha." nakangising pang-aasar naman ni Royse.

"Ayun naman pala inspired! Dapat ata Aby lagi mo isama si Erica sa mga games natin eh para doble ang pagkahalimaw nitong si Jovs." suggestion naman ni Ate Tina.

"Ay sige Ate basta free sya yayayain ko lagi sya manood satin." kumindat pa sakin si Aby habang sinasabi to.

"Hoy Tyang wag ka nga! Nakakahiya naman kay Erica baka isipin nya pa patay na patay ako sa kanya." sigurado kong namumula na ko sa mga pangangantyaw nila sakin.

"Eh bakit hindi ba?" tanong naman ni Genie.

"Hoy tama na yang chismisan nyo balik na sa court last set na to." utos ni Coach Kungfu kaya wala na kaming nagawa kundi sumunod sa kanya. Buti nalang din at nakaligtas ako sa panggigisa sakin ng mga ka-team ko.

Makalipas ang ilang minuto natapos din ang practice game and as expected, panalo ang team ko. Asar talo ang mukha nila Royse dahil sila ang maglilinis ng gym habang ako naman ay pasimpleng tumingin at ngumiti sa pumapalakpak na si Erica.

Sinama sya ni Aby sa practice game namin dahil kakadating lang daw nito sa Pinas at dahil di naman sila nagkasama sa Petron nung nakaraang PSL conference ay pinag-bonding muna sila ni Coach George para magkakilala sila. Dapat nga daw kasama din nila si Ate Chel bilang wala pa din sya sa Petron nung season na naglaro si Erica kaya lang busy sya sa photoshoot nya. Bale buong araw ngayon kung nasaan si Aby ay kasama nya si Erica. Kaya naman siguradong mamaya makakasama din namin sya sa team dinner namin.

"Hoy gwapa grabe ka makatitig parang tumutulo pa yang laway mo ah!" kunwari pa ay pinunasan ni Ate Ging yung gilid ng labi ko.

"Eh hindi mo naman masisisi napakaganda naman talaga ng sinisilayan o! Kung makangiti at mag cheer pa kay gwapa wagas!" pag-gatong pa ni Ate Nene.

"Tumigil nga kayo! Baka marinig kayo eh. Ayan na palapit na sya!" di ako mapakali nung makita ko si Erica na tumayo sa pwesto nya at naglakad papunta samin.

"Eh hindi naman nya maiintindihan yung sinasabi namin no! Ikaw ang tumigil para kang kitikiti dyan halatang halata ka! Chill ka lang!" pagpapakalma pa ni Ate Ging sakin pero di talaga ko makalma. Hanggang sa nakita ko nalang sya sa harap ko at ang mga pasaway na ka-team ko naman ay pasimple na palang umalis sa tabi ko.

"Jovs you are so great! You played so well I am so impressed!" nakangiti nyang bati sakin. Nakakatunaw ang ngiti nya!

"Thank you! I was just doing my job" nahihiya kong sabi sa kanya. Di ako makatingin ng direcho sa kanya parang di ko kaya matutunaw ata talaga ko!

"And you did a great job! I can really see your heart and passion while playing. And it was just a practice game! I hope I get to play with you someday." tila dreamy pa na sabi nya. Habang ako naman ay kulang nalang mamilipit sa kilig. Di na ko nakapagsalita todo ngiti nalang ako sa kanya. Mabuti nalang at lumapit si Aby samin kasama si Ate Tina.

"Hey Erica we'll have a team dinner and they are also inviting you." yaya ni Aby sa kanya.

"Yes please join us." sabi naman ni Ate Tina.

"Oh I would love to have dinner with you guys. You are all so welcoming I feel so at home." tuwang tuwa naman ako at pumayag syang sumama samin. Naisip ko din kasi na baka pagod na sya at piliin nalang na umuwi agad.

Nag-ayos lang kami at umalis na din para pumunta sa favorite resto namin sa Bonifacio High Street. Dahil naka bike lang ako kanina, niyaya nalang ako ni Aby na sa kanila sumabay. Para din daw may kausap si Erica dahil mukhang aliw na aliw daw ito sakin. Dahil kasabay din namin si Angela sa kotse sya na ang pinaupo ni Aby sa harap kaya kami ni Erica ang nagkatabi sa likod. Tuwang tuwa naman ako lalo na at ang dami naming napagkwentuhan habang nasa daan. Napakagaan nya kasama walang kaarte arte sa katawan. Masarap din kausap. Ewan ko din kung sinasadya ba ng mga ka-team ko na hayaan kaming dalawa pero halos kami lagi ang magkasama at magkausap ngayong gabi na to.

Syempre pa di ko na pinalampas ang pagkakataon, bilang bagong "friends" kami ay kinuha ko na din ang number nya para naman makapag-usap kami habang nandito sya sa Pinas. Napagkasunduan pa nga namin na lumabas uli minsan kung sakaling kakayanin ng mga schedule namin. Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na din sila ni Aby na mauna na. Ngayong gabi din daw kasi darating ang isa pang import ng Petron at makakasama ni Erica sa condo nya kaya kailangan nandun na sya pagdating nito. Nalungkot man ako ng konti dahil aalis na sya ay masaya pa din ako dahil nangako syang hindi yun ang huli naming pagkikita.

"Grabe Jovz ang bilis ah! Nakita ko yun nagkapalitan na agad kayo ng number kanina tapos magde-date na agad kayo?" pang-iintriga sakin ni Ate Sha.

"Oy di naman yun date talaga friendly date lang yun. Nakikipagkaibigan lang sya syempre wala naman sya masyadong kakilala dito diba?"

"Eh bakit ikaw lang ang niyaya? Wag ka na mahiya samin alam naman namin na type mo yun at halata naman na type ka din nya. Wag ka ng pa-sweet! Choosy ka pa ba sya na nga lumalapit sayo?" dagdag pa ni Ate Tina. Eto na naman sila ako na naman ang nakita.

"Hindi ako choosy malisyosa lang talaga kayo! Nakikipagkaibigan nga lang yung tao eh. Saka pano naman kayo yayayain eh halos di nyo kausapin dahil ayaw nyo ma-nosebleed kaka-english. Eh di syempre dahil ako ang lagi nyang kausap kaya ako yung niyaya."

"Hoy di kami takot mabalinguyngoy! Umiiwas lang talaga kami para masolo mo no! Dapat nga magpasalamat ka samin eh." defensive na sabi ni Ate Ging.

"Sige nga tawagan natin ngayon tapos kausapin mo." panunubok ko naman at pinakita pa ang phone ko.

"Tama si Jovz. Friendly lang si Erica. Halika na umuwi na tayo pagod na ko. Itago mo na yang phone mo Gwapa nai-stress ako!" at nagmamadali na syang naglakad papunta sa kotse habang kaming lahat ay tawa ng tawa.

Kahit sobrang nakakapagod ang araw na to ay naging masaya naman ako. Lalo na sa pagdating ng isang unexpected na tao sa buhay ko sa katauhan ni Erica. Kahit na kakakilala palang namin ay pakiramdam ko magiging mahalaga sya sakin. Dahil sa kabila ng mga nangyayari sa buhay ko ngayon sya lang uli ang nakapagbalik ng ngiti sa labi ko. Yung ngiti na totoo at hindi pilit. Ngayon lang uli ako nakaramdam ng totoong saya. At higit sa lahat, ngayon lang uli tumibok ng sobrang lakas ng puso kong akala ko ay wala ng kakayahan na magmahal pa.

Girl Crush (GonzaQuis)Where stories live. Discover now