Chapter 26

1.2K 26 3
                                    

Jovs' POV

"Aaaaahhhhh! Ano ka ba naman Ate Chel bakit bigla bigla kang pumapasok sa kwarto ko?" napatili ako at nagmamadaling ibalot uli ang twalya sa katawan ko ng marinig kong parang may bumagsak sa sahig sa may bandang pinto at nakita kong nakatayo dun si Ate Chel.

"S-sorry Jovs di ko naman alam na magbibihis ka pala. Bakit kasi di mo nila-lock tong pinto mo?" hindi ito makatingin ng diretso sakin at nagmamadaling isinara ang pinto at ni-lock.

"Eh kasi naman kwarto ko to lahat naman ng pumapasok dito kumakatok. Well except ikaw." mataray na sagot ko naman. Aba parang sya pa ang galit ha!

"Kahit na dapat nagla-lock ka pa din! Paano nalang kung hindi ako ang pumasok dito? Eh di may iba ng nakakita nyang katawan mo? Magbihis ka na nga mamaya mo na ko sungitan." mataray din na balik nito sakin kaya naman tinaasan ko nalang sya ng kilay at dumiretso na sa CR para magbihis.

Matapos kong magbihis at lumabas sa CR ay nakita ko syang nakaupo sa kama ko habang hawak ang isang bouquet ng bulaklak. Lalo naman akong nabwisit ng maisip na malamang binigay sa kanya ni Rey ang bulaklak na yun. Padabog tuloy akong nagpunta sa cabinet ko kaya napalingon sya sakin.

"Tapos ka na pala. Nga pala para sayo." sabi nito sakin habang inaabot ang bouquet ng bulaklak.

"Para san yan? Sorry di ako tumatanggap ng recycled." inis na tinignan ko lang ang bouquet na inaabot nya sakin.

"Anong recycled?" takang tanong naman nito.

"Eh di yang mga bulaklak! If I know bigay lang sayo yan ng higanteng yun tapos ngayon bibigay mo sakin. Mas mabuti pang itapon mo nalang yan!" di ko na talaga napigil ang inis ko.

"Ano bang pinagsasabi mo? Akala mo ba bigay sakin ni Rey to at ngayon binibigay ko sayo? Hoy hindi ako cheap no! May sariling pambili ako ng bulaklak!" halatang naiinis na din ito.

"Talaga lang ha? Don't tell me binili mo talaga yan para sakin kasi hindi ako naniniwala."

"Alam mo ikaw nakakainis ka na ha! Ikaw na nga binibigyan ng bulaklak ikaw pa nang aaway! Sabi sakin ni Iñaki pag binigyan daw kita ng bulaklak mawawala na yang pagsusungit mo pero mukang di uubra sayo yung ganito." natawa naman ako sa sinabi nito.

"You mean idea ni Iñaki to?" di makapaniwalang tanong ko.

"Oo! Sabi ko kasi galit ka sakin. Bigyan daw kita ng bulaklak para di ka na magalit. Pero kakaiba ka ata sa lahat ng babae hindi natutunaw ng bulaklak yang katarayan mo." bagsak ang balikat na sabi nito. Parang naawa naman ako ng makita ang lungkot sa mga mata nito.

"Hindi ba talaga bigay ni Rey sayo yan? Binili mo ba talaga yan para sakin?" paninigurado ko. Sa totoo lang ay lumalambot na din ang puso ko at gusto ko na syang yakapin ngayon din.

"Oo nga ayan o tignan mo pa yang resibo." sabi naman nito at binunot ang isang papel sa back pocket ng shorts nya.

"Oo na naniniwala na ko." sabi ko dito at inabot na din ang bulaklak. May card pa ang bulaklak kaya naman binasa ko ang note doon.

Jovs,

Sorry na kung ano man yung kinaiinis mo. Bati na tayo please. Miss na miss na kita.

Love,
Chel

Naantig naman ang puso ko ng mabasa ko ang note. Nakatayo pa din sya sa harap ko habang nakayuko na para bang nanlulumo.

"Halika nga dito." hinawakan ko ang mga kamay nya at hinila palapit sakin tapos ay niyakap ko sya ng sobrang higpit.

"Bati na tayo?" tanong nito na lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

Girl Crush (GonzaQuis)Where stories live. Discover now