Chapter 50 Karma is a bitch

2.9K 43 10
                                    

Chapter 50 Karma is a bitch

Charles:

“sir okay na daw po yung server”. Balita sa akin ng secretary ko. Papano naayos yung server? Sa pagkaka alam ko hindi pa dumarating yung na-hire kong specialist para maayos yun.

“sino nakaayos?”.

“si Ms. Alexie po”.

“Si Lex? Anong ginagawa niya dito?”. Napabangon ako ng wala sa oras sa upuan ko. Hindi pwedeng magkita si Lex at Haley. Kundi mag ka-clash lang silang dalawa,.

“Pinapunta daw po yata ni Ms. Zyle si Ms. Alexie kaya pumunta siya dito”. Hindi ako magtataka kung bakit naayos agad yun ni Lex. Siya yung geek sa lahat ng geek. Siya palagi yung mataas yung grades pagdating sa pag gawa ng system noong nag aaral pa kami.

“Asan siya ngayon?”.

“baka po umuwi or nasa server room na. hindi ko lang po sure sir”.

“okay you may go”.

Agad na lumabas sa office ko yung secretary ko. Niligpit ko muna yung mga gamit ko at nag ready ng umuwi. Naisipan ko munang mag ikot ng building habang nagpapalipas oras. Kinuha ko yung celphone ko at nag dial ng number ni Lex. Nagbabakasali akong baka sagutin ni Lex this time yung tawag ko.

Napadaan ako sa may locker room ng mga employee at naririnig ko yung ringtone ng celphone ni Lex. Ringtone niya yung Y.M.C.A. minion version. Siya lang naman ang adik na adik dito pagdating sa minions. Sinundan ko yung pinanggagalingan ng tugtog ng celphone ni Lex. Hanggang makarating ako sa may locker niya. Nakita ko yung bag niya ibig sabihin andito pa siya sa loob ng building.

Naglakad ako papunta department nila wala ng tao sa loob at patay na ang ilaw. Saan naman kaya siya nag punta? Baka sa may server room?

“Baka mamatay siya sa loob”. Girl 1

“serves her right”. Girl 2

“nakokonsensya ako”. Girl 3

“Sige makonsenya ka. Buksan mo. Wala ka talagang guts kahit kelan”. Girl 2

Nagtago sa may poste at pinakinggan pa yung pinag uusapan ng mga babaeng yun.

“Talagang kailangan nating gawin to para lang sa promotion?”. Girl 1

“Pinangako naman sa atin ni Ms. Haley yun diba. Kaya sumunod ka nalang”. Girl 2

“gusto ko siyang Balkan sa loob”. Girl 3

“Then what? Sasabihin mong you’re the one who locked her up huh?”. Girl 2

“Naaawa ako kay Ms. Lex”. Girl 1

“Psh awa? Uso pa bay un?”. Girl 2

Nang narinig ko yung pangalan ni Lex biglang nagpintig yung tenga ko. Bigla akong lumabas sa pinagtataguan ko. Nakita ako ng tatlong babae na halatang gulat na gulat ng makita ako.

“S-sir:”. Mautal utal na bigkas ni Girl 2

“Asan si Lex?”. Hinawakan ko yung magkabilang braso niya

“h-hindi ko po alam yung sinasabi mo sir”. Pag de-deny pa niya

“Asan si Lex?”. Tanong ko kay Girl 3

“nasa server room sir”. Girl 3

“F*ck! Why did you tell him”. Paninisi ni Girl 2

“e-eto po yung susi sir”. Abot sa akin ni Girl 1

“babalikan ko kayong tatlo. Wag kayong aalis dito”. Pagbabanta ko sa tatlong babae. Tumakbo ako papunta elevator para mabilis na makapunta ng server room. Under repair yung elevator. Kaya wala rin akong choice para akyatin yung server room sa may top floor. Sino ba nakaisip na ilagay ang server room sa may pinakataas!

He's so hot [Complete] || She's so Hot [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon