Chapter 9 What a Date!

28.1K 178 22
                                    

Chapter 9 What a Date!

“Ano na munchkin ko. Date na tayo!” aya sa akin ni Charles

“Mag date ka mag isa!” Binato ko siya ng nadampot ko na baso. Tanga padin siya as usual di manlang inilagan.

******

Flashback

Naniniwala ba kayo sa Hate at first sight? Ako oo. Dahil makita ko lang boiling point agad dugo ko!

Elementary kami noon. Umakyat ako ng puno para magpahangin.

Ansarap ng upo ko. Di ko alam sunod na nangyari. May tumamang sobrang lakas sa ulo ko dahilan para mahulog ako sa puno.

“bata okay ka lang?” tanong ng uhuging bata sa akin.

“Tang ina! Anong okay? Sayo ko kaya patama yung bola kung maging okay ka!” kinuwelyuhan ko siya. “Sa susunod umayos ayos ka! Tatanggalin ko yang utak mo di naman yata gumagana yan para saan pang naka kabit yan sa ulo mo!”

Naglakad ako pagkatapos ng ilang steps nahilo ako. Pag gising ko nasa ospital na ako. yun ang una at huling beses na na admit ako sa ospital. Di naman kasi ako sakitang bata.

*******

“Ano di ka tatayo?” sinipa sipa ko siya.

“Ansakit Lex TT___TT”

“Muntik na akong mamatay sa sobrang takot kanina! Pwede mo naman akong yayain ng maayos!”

Bumangon siya.

“Sorry na munchkins!”

“Munckins pa! Gutom na ako. Pakainin moko!”

Pagtingin ko sa food heaven! Andaming pagkaen! ^0^. Di ko siya pinapansin ansarap kasi ng kaen ko. Hohohoh!

Parang may nakakalimutan talaga ako! Ano kaya yun?

“Dahan dahan lang sa pagkaen baka mamatay kapa diyan sa harap ko” tiningnan ko siya ng masama.

Lintik ginutom ako sa sobrang takot isama mo pa yung walang tulog. Zombie mode tuloy ako ngayon I’m gonna eat your food. Wahahahha.

“Oh tapos na ako kumaen! So anong plano mo?” naka limang plates ako ng pagkaen na kung ano ano. Rambol to mamaya sa loob ng tyan ko.

“mag da-date tayo lika na” hinawakan niya kamay ko. Tsansing si Kuya! Pero gwapo at hot naman si Charles pwede nadin :D

Sumakay kami sa kotse. Saan kami pupunta sa mall? Ano naman kayang interesting sa mall? -___-. Pag di ako nag enjoy dito uupakan ko tong lalaking eto.

Pumunta kami ng quantum bumili siya ng tokens.

“Dun tayo sa may basketball pustahan tayo kung sino mananalo libre dapat sa DQ!” nag ningning naman mga mata ko ng marinig ko ang salitang DQ *0*

“Sige!” di ako magpapatalo sa ngalan ng DQ!

Nauna siyang maglaro ang yabang 150 points! Mukhang ako na manlilibre! Langya taghirap pa naman ako namulube ako sa kanya kagabi next week pa sweldo!

Kuha ako ng kuha ng bola nakaka 40 points palang ako TT___TT

Binilisan ko yung bag sho-shoot ng bola nag bounce yung bola sa ring umilag ako. Bahala na kung sino matatamaan!

Tumingin ako nakkabulagta na si Charles sa sahig. S

“Anong ginagawa mo diyan? Malinis na sahig di mo na kailangang humilata diyan!”

“Nakaka two points ka na sa akin! Kanina binato moko ng baso ngayon naman bola anlaki ng galit mo sa akin!”

“Ung baso sinadya ko kanina yung bola medyo sadya na hindi :D”

“Walking disaster ka pa din Lex. Di ka na nagbago”

“tse! Walang wala pa yan sa paulit ulit mong pangba-basted sa akin” tinulungan ko siyang tumayo. Pinagpagan ko yung likod niya.

“Kumaen nalang tayo Mukhang masasaktan pa ako lalo sayo dahil sa pustahan e”

“Sige wait lang cr lang ako. Kanina pa ako nawiwiwi” Hinatid niya ako hanggang sa pinto ng cr.

Tumakbo ako agad papuntang cubicle ihing ihi na ako puputok na panubigan ko!

Paglabas ko ng cr may humatak sa akin pag lingon ko si Ceciile the Hipon Girl pala.

“Mukhang nag eenjoy ka sa new boyfriend mo ah. How about we do a deal? Exchange tayo ng boyfriend. Sayo na ulit si Mac at akin na siya” tinuro niya si Charles na nakalikod.

“whew! Antigas ng mukha! Di ka pa ba ng enjoy sa ex ko? Nasayo na di ba. Para kang double sided tape. Meron ka na nga dumidikit ka pa din sa iba. Umagang umaga nag hahasik ka ng kalandian dito. Excuse me may nag hihintay pa sa akin.” Naglakad na ako papunta kay Charles.

“Bakit ganyan itchura mo?” hinawakan ni Charles magkabilang pisngi ko.

“Wala naman. May nakasalubong lang akong malandi” lumingon lingon si Charles Mukhang nakita niya si Cecille.

“Andito lang ako. Di naman ako mag papa akit sa kanya.”

“Alam ko. Lika libre mo na ako sa DQ!” hinatak ko siya. Excited na ako kumaen!

ansarap naman niyan! Gusto ko din ng kitkat! Kaya lang gusto ko din m&m’s! kanina ko pa tinitingnan cup niya. Kunte palang bawas.

“Oh! Alam kong favorite mo din to” inabot niya sa akin yung cup niya.

“talaga?? Salamat ^___^”. Kinuha ko agad baka bawiin bigla e..

Click click!

“Charles naman! Andungis ko!”

“Ang cute cute mo kaya munchkins!” natawa naman ako. Munckins padin tawag niya sa aki n favorite ko kasi yun :D

“Teka lang Charles parang may nakakalimutan ako!” nag isip ako. “Charles may pasok tayo sa office di ba! Baka matanggal ako sa trabaho TT__TT”

“Naipagpaalam na kita kay boss”

“boss talaga? Close kayo? Ano itchura niya?”

“May mata, ilong, tenga”

“ganda ng description mo ah! If I know swanget swanget yun di kasi nagpapakita pa big brother effect. Tsk tsk”

“nanlalait ka nanaman!”

“Ganun telege!”

Kanina pa kami paikot ikot dito inaantok na ako wala pa pala akong tulog. Di ko namalayan nakatulog ako.

“Lex gising na. Andito na tayo sa bahay niyo” pagmulat ko ng mata ko. Nasa bahay na pala kami buti nalang wala pa kapatid ko.

“Salamat. Nag enjoy ako”

“So sasagutin mo na ako?”

“Hindi basted ka na ^___^”




****

Read my other stories in wattpad. Search "giezel08" and viola there ka na!


He's so hot [Complete] || She's so Hot [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon