Chapter 22

1.2K 33 1
                                    

"Alam niyo ba, sobrang looking forward ako sa lakad na to! Nakakexcite!" wenk. Kanina pa siya ganyan nang ganyan. Kanina kami din excited nung wala pa siya, pero nung kasama na namin siya, nawalan na kami nang gana. -_-

"Kung wag na kayo tayong tumuloy?" napatingin kami kay ate Aldeen. Kasalukuyan kasi kaming nagaabang nang masasakyan.

"Bakit naman?" tanong ni Lyka

"Parang WALA NA KONG GANA KASI EH." diniin talaga ni ate Aldeen, sana naman gets ni Lyka yung punto niya.

"Ah ganon ba. Eh di umuwi kana tapos kami nalang tutuloy. Ikaw Lyda, di ka pa ba nawawalan nang gana?" sagot ni Lyka. Grabe ang lakas talaga nitong babaeng to. Di ko maisip kung bakit ko pa naging kaibigan to. Lumalabas ang tunay na ugali habang tumatagal. Napatingin ako kela ate Aldeen, halatang bad trip na din.

"Ate, tuloy na tayo, sakit nang likod ko dahil sa basketball eh. Gusto ko talaga mag pamassage." sabi ni Allen

"Naalala mo dati Allen sabi mo nung bata tayo hinding-hindi ka magbabasketball kasi ayaw mong mabalian nang kamay. hahaha!" ayan nanaman po si Lyka sa childhood eklaboo nila.

"Hahahaha! Oo! Kasi nakita natin nun si tito Arman na nasprain yung kamay dahil sa laro kaya nasabi ko yun." haaaay. "childhood sweetheart switch on" nanaman po silang dalawa.

"Alam mo Lyda, nung bata si Allen, lagi siyang naglalaro sa poso namin.. nang naka hubo!" nakita siguro ni ate Alice na parang nagiba mood ko nung magkwentuhan nanaman yung dalawa nang ala-ala nang kanilang pagkabata.

"Ate!" saway ni Allen

"Hoooo! totoo yun Lyda!" sagot naman ni ate Aldeen.

"hahahahaha!" tawanan kami

"Tapos naalala ko Lyda nagswimming kami dati sa Laguna, sabi ni mama magswimming na daw kami habang maaga pa. Ayaw ni Allen kasi daw madaming tao.. tapos sabi namin ano naman kung madami, eh mas gusto daw niya kasing nakahubo magswimming para mas presko!! hahahaha" dagdag nanaman ni ate Alice. 

"Ahh yan ba yung swimming natin na nalunod si Aldrin?" singit ni Lyka.

"Ay hindi. Madami kaming swimming. At ONCE ka lang naman nakasama sa family swimming." sagot naman ni ate Aldeen

"Ate, nagtatanong lang si Lyka." malapit na ko maasar kay Allen, ang epal na din.

"Sinasagot ko lang din. Ayoko lang kasing isipin niya masyado na lumaki kayong sabay. Isang taon lang naman kayo naging magkalaro nun. hello, isang taon lang compare sa ilang taon na naging bata ka." palaban na sagot ni aTe Aldeen

"Gusto ko lang naman malaman na yun yung swimming na ONCE kong nasamahan. Well, atlis ako nakasama na ang family swimming. Ikaw Lyka?" yabang neto. Sasagot palang sana ako..

Super Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon