Chapter 37

1K 31 0
                                    

"Wag na ma'am. Please. Tsaka hindi.. hindi naman po kami." how I wish.

"Gusto ko maging kayo!" kanina pa si Ms Castro dyan sa litanyang yan. Sinabi ko na sakanya yung pinag-ugatan nang problema namin ni Lennon. Pero hindi ko sinabi sakanya na sa mga oras na to nagdadalawang isip na ko samin ni Allen at gusto kong si Lennon ang.. ano ba yan. Kung ano-ano na naiisip ko.

"Please ma'am. Aayusin ko na po talaga! Promise po!" naiiyak na ko. Kanina ang ganda pa nang pag kkwentuhan namin ni Ms Castro, tapos nung matapos ako, bigla nalang niyang sinabi na lagyan nang kissing scene ang last part. OMG! Hindi naman ako showbiz para sa ganon! Goodness.

"Ayoko. Mas maganda pag may ganon sa dulo." ngingiti-ngiti lang siya.

"Please, no ma'am!!"

"Makipag-ayos ka na baka mabago isip ko."

Naiiyak na ko. Ano ba yan!

"Joke lang! Haha. Iiyak ka na ah. Hindi ko pwedeng lagyan nun kasi gusto ko pang magturo! Paniguradong tanggal ang lisensya ko pag ginawa ko yun! Haha. Talaga bang paiyak ka na o umaarte ka lang at pinapakita saking taga teatro ka talaga?" napa facepalm nalang ako sa trip ni Ms Castro. Lakas makaasar eh.

After nang pakikipag-usap/pang-aasar sakin ni Ms Castro, niyaya din niya ko lumabas na sa quadrangle. Nagbukod-bukod na pala sila nang rehearsal. Magkakasama na ang casts sa bawat part at nagsosolong mag practice. Nakita ko na magkahiwalay si kuya Donald at kuya Jojie na nagaassist sa bawat grupo. Sa may gilid nang stage, nakita ko si Lennon at Ryan na nagtatawanan kasama si Lea at Jona na gumaganap na teachers na chismosa.

"Pumunta ka na sa grupo mo. Pakita mo saming deserving ka sa role. Wag lang magpaapekto sa problema niyo ni Lennon kasi ganon ang tunay na taga teatro. Alam mo dapat pag bukas at pag sarado ang talon. Ok?" bulong ni Ms Castro sabay tulak nang bahagya sakin papunta sa pwesto nang grupo ko. Jeez. Nakaka kaba. Ang awkward.

"Ate Lyda! Practice tayo dun sa part namin." sinalubong agad ako ni Lea na 2nd year at hinaya ako papunta sa pwesto nila. Nakatingin na si Ryan at Jona na nakangiti sakin pero si Lennon nakayuko lang at nagbabasa (kunyari) nang script.

"Lyda, game ka? Habang wala pa sila kuya Jojie dito practice na tayong sarili." yaya naman ni Ryan. Tinignan ko ulit si Lennon na hindi pa din namamansin.

"Lennon ano? Game ka? Practice tayo." nakita siguro ni Ryan yung pag tingin ko kay Lennon kaya niya tinanong.

Inabangan ko ang sagot ni Lennon. Tumango naman siya. Nakahinga akong maluwag.

"Sige batuhan muna nang lines." suggestion ni Lea.

Nagumpisa na kami pero umpisa palang halatang walang buhay na yung mga bida, sa naiilang talaga ako eh. Tsk.

Nakikita ko na parang naiinis na si Jona kasi parehas kaming walang buhay ni Lennon habang sila todo bigay na.

"Haay! Ano ba yan walang kwenta. Yosi muna ako." 4th year na si Jona kaya may karapatan siyang mag attitude samin kasi 3rd year palang kami. Senior siya kaya ganyan siya samin.

"Nako badtrip si madam Jona. Sundan ko lang ah." sumunod na din si Ryan.

"Ate.. ano.. CR lang ako ah." tinignan ako ni Lea nang kakaiba. Parang nangungusap ang kanyang mga mata. Naks. haha.

Nung magpaalam si Lea, naisip ko agad na ito na ang tamang panahon para magusap kami ni Lennon.

Sinulyapan ko muna ang paligid, lahat naman mukhang busy. Kailangan ko nang magawa to. Aja!

Super Crush (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora