Chapter 3 : Convo with him

1.5K 71 6
                                    

Hii guys, so eto na ung chapter 3 sana kiligin kayo. Hahaha suportahan niyo ako lol.

Thank you po sa mga nagbabasa at nagvo vote and comment. Sana po patuloy niyong suportahan tong story ko...
So guys eto na talaga


***
Vanish POV
Hayyy maaga akong nagising. Pagkatingin ko sa orasan ay 5:30 pa lang ng umaga. Maaga talaga akong gumising, time conscious eh. Pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko ay handa na akong pumasok sa school.

Pagkarating ko dun ay kaunti pa lang ang mga students dahil 6:15 pa lamang ng umaga. Habang naghihintay mag umpisa ang flag ceremony ay kinuha ko muna ang earphones at phone ko saka nagpatugtog ng kanta ng BTS. Ito ay isa sa pinaka favorite ko, ang Fire
~·~·~
Pagkarating sa classroom umupo ako sa aking upuan at nagbasa ng notes ko at advance reading na rin. Baka mamaya may surprise quiz kami eh alam mo  naman ang ibang teachers mahilig sa quiz.

Habang nagbabasa ay may umupo na isang babae na mukha namang friendly. Kinalabit ako nito at tinanong ang aking pangalan. "Hiii, Ano pangalan mo?"
sambit nito.
"Ah Princess Vanish Vergara pangalan ko.Pero Princess na lang ang itawag mo sa akin. Ikaw ba?"

balik tanong ko rito. Ayaw ko kasing tinatawag nila akong Vanish. Kasi nakapag promise ako sa kanya na siya lang ang tatawag sakin ng Vanish
"Ako pala si Genevieve Gomez"

Sabi nito. Mukhang mabait siya huh.Dumating na ang guro at sinimulan ng magturo.

Kriiinggg!!!

Tunog yan ng bell sa amin hudyat na recess na. Yey! Tamang tama nagugutom na ako. Papunta na sana ako ng canteen ng may tumawag sakin.

"Princess, sabay na tayo pumunta sa canteen para mag recess. Ok lang ba?"
tanong ni Gen
"Sure no prob Gen Tara na"
***
Nang matapos ang klase at pauwi na ako. May bago na akong kaibigan. Masaya ako na may bago na akong kaibigan dahil hindi ko kasi kaclose ung dalawa kong elem. na classmates. Mabait naman pala si Genevieve. Ang astig pa ng name. Nang makarating ako sa bahay ay naamoy ko na naman ang masarap na niluluto ni mama.
"Mamaaaaaa~!"
Tawag na pasiga ko dito
"Jusko ano yun Princess. May problema ba? Anong nangyari?"
Naghi hysterical na tanong ni mama

"Mama naman naamoy ko lang ung luto mo may nangyari agad. Ano ung niluto mo mama?"

"Ah pancakes anak. Hali ka na tamang tama at luto na iyon. Ibaba mo muna ang bag mo dyan at dumeretso ka sa kusina."

"Sige po mama."

Kukuha na sana ako ng pancakes nang may narinig akong sigaw,
"Hep hep hep, ano yan kayo lang kakain? Andito na ako wag muna kayong kukuha."
Sabi ni

O_o?


"Kuya?" Tanong ko

"Oo incess hahaha"

"Waaaaaa kuya I miss youuu"
sabi ko saka tumakbo papunta sa kanya saka niyakap sya ng mahigpit.

Ngayon lang ulit nakauwi si kuya kasi may trabaho siya sa Korea. South Korea to be specific. Director siya ng BigHit Entertainmen. Yes sa BigHit kaya kapag minsan may concert ang paborito kong kpop boy group na BTS ay nakakapunta ako. Sabi ni kuya kapag nakagraduate na ako ng high school, itotour nya ko. Kaya pinagsisipag ko ang pag aaral ko hehe.
"Namiss rin kita incess. Kamusta pag aaral?"
Tanong ni kuya. Sasagot sana ako kaso
"Dito niyo na ituloy ang pag uusap nya at malapit ng lumamig itong pancakes"

"Ay oo nga pala sorry mama" natatawa kong sabi.
Nang makaupo ako ay sinagot ko ang tanong ni kuya.

"Ok naman kuya. Medyo stressed nga lang kasi sa mga periodic exams kuya. Ikaw kuya kamusta dun sa trabaho mo? Hindi mo man lang sinabi samin na uuwi ka. Surprise talaga eh!"
Medyo nagtatampong sabi ko.

Crush Kita... Pero Di Mo Lang AlamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon