5. Malandi.

210K 2.1K 101
                                    

5. MALANDI.



NILINGON ni TJ si Yana. Seryosong-seryoso ang mukha ni TJ. Mas natakot pa nga ata siya rito kaysa kila Drea, e. Bigla na lang tuloy siyang nagbawi ng tingin. At pagbaling niya kay Drea, napakunot-noo siya nang makitang tulala na 'to.

Parang nahihipnotsimong binitiwan siya ni Drea. Natulala lang 'to pati na rin ang dalawa pang kasamahan nito. Nakita na lang niyang napakamot ng ulo ang dalawang tibo.

Promise, gusto niyang matawa. Pa'no? Alam niya kung bakit nagkaganoon si Drea. Nawawala kasi tapang nito kapag nakakakita ng gwapo.

Gusto niya talagang matawa. Posible pala talaga 'yon? Wow, ha. Gwapo ba si TJ? Sus. Parang hindi naman.

"Walang gagalaw sa babaeng 'to. Tandaan n'yo 'yan. Tabi," banta ni TJ sa mga 'to bago siya sinama at hinilang maglakad. Hindi niya na nagawang lingunin pa sila Drea dahil sa tuling maglakad ni TJ. Hindi niya rin magawang magprotesta dahil sa.... hindi niya rin alam.

"Sakay," utos nito sa kanya nang nasa tapat na sila ng isang tricycle. Sumakay siya pero sumakay din si TJ. "Kuya, sa Bakewell Village po," sabi ni TJ sa tricycle driver.

Nagtaka siya. Pa'nong pati kung saan siya nakatira, alam nito? Hindi kaya stalker niya talaga 'tong lalaking 'to?

Tahimik lang sila sa loob ng tricycle. Awkward, wala man lang umiimik.

"Hoy. Bakit ka ba sumakay rin dito?" Siya na ang bumasag ng katahimikan nila dahil mukhang walang balak magpaliwanag si TJ.

"Walang anuman, ha?" sarkastikong sabi naman nito.

"A-ah... oo." Bigla siyang nahiya. Oo nga, 'di man lang siya nag-thank you.

Pero bigla na lang siyang nilingon ni TJ. "'Di ba binalaan na kita? Bakit ginawa mo pa rin? Pagpasok na pagpasok mo kanina sa room, inasar mo agad si Lexi. O, ano ka ngayon? Kung hindi pa 'ko dumating, malamang pinagtutulungan ka na ng mga 'yon ngayon."

Bigla na lang pumasok sa isip niya ang banta nito kanina. At doon niya lang naintindihan ang ibig sabihin nito.

Ibig sabihin, ang muntik nang mangyaring away sa pagitan nila ni Drea ang tinutukoy nito sa sinabing kung ayaw niyang masaktan? At totoo ngang si Lexi ang may pakana no'n? What a loser. Hindi siya nito malabanan sa salitaan kaya ipapabugbog na lang siya, gano'n?

Seryoso, nakikipagbugbugan talaga sila Drea. Matatakot ba siya kung alam niyang wala naman talagang ibubuga 'yung mga 'yon? Hindi, e. Kaya nga kicked out sa school nila si Drea. Napanuod niya kaya ang video ng away nito noong 3rd year pa lang sila sa isang 4th year student.

"Bakit hindi mo kasi pinaliwanag kanina? Akala ko naman sasaktan mo 'ko kapag hindi ko tinigilan si Lexi," sisi niya pa kay TJ. At talagang nanisi pa siya, 'no?

"Tanga ka ba? Tingin mo kaya kong saktan ka?"

Napa-awang ang mga labi niya. "H-huh?"

"Ang ibig kong sabihin.... hindi ako sanay manakit ng babae. Kaya.... Hindi ko kayang manakit ng babae.... physically," paputol-putol na paliwanag ni TJ.

Her mouth formed an ooh. Physically, maybe. But emotionally, maybe yes.

"Teka nga... Pa'no mo pala nalamang kinausap ni Lexi si Drea?" nagtatakang tanong niya.

"Nakita ko lang sa text kanina sa cellphone niya," simpleng sagot nito.

"Oohhh..." Oo nga pala, boyfriend. Napabuntong hininga na lang siya. "S—salamat..."

Biglang napalingon si TJ sa kanya. "Ano'ng sabi mo?"

"H-huh? S-sabi ko ang pangit ng apelyido mo! O-oo, iyon. Salamat? Baduy!" she stammered.

[BME 1] : BAD MEETS EVIL (Completed)Where stories live. Discover now