LEGACY #3

33K 1.1K 127
                                    


GENEROUS'S POV

Isinara ko ang pinto ng Makalabas ng Kwarto ko Si Mommy at Daddy. Napapailing nalang ako sa Sweetness nila. Pagkatapos akong bigyan ng gamot ni Gandalf at ilang Healers ay naglaan ng Oras si Mom at Dad para magkakwentuhan kami. Para kahit papano ay matabunan ang nangyaring gulo kanina sa Academy.




Haayy., Buti Pa sila Immortal. Magkasama habang buhay, paano kaya ako ? Pag tumanda ako Sila mukha paring bata. Ang Daya naman kasi eh.

Nalulungkot ako sa tuwing sumasagi sa isip ko ang bagay na yan. Yung Bang Ako ay Tatanda tapos sila Hindi. Tapos Yung mga magiging apo nila sa tuhod at talamapakan mamatay na sila hindi parin. See? Ang Unfair dibá? Pero anong magagawa ko? Yun ang Kapalaran namin eh.

Idagdag pa ang kondisiyon ko na hindi maintindihan. Pinili ko nalang tanggapin kaysa isipin ang mga maaring mangyari.

Naglakad ako palapit sa Veranda. Hinila ko ang Sliding door. At Isinara ko rin ng makalabas ako ng Tuluyan. Itinali ko ang buhok ko at Binuhat ko ang Laylayan ng damit ko. Isa sa mga ayoko sa pagiging prinsesa ang ganito. Laging mahaba ang Suot kapag nasa kaharian. Inayos ko ang Gloves. Siniguro na Hindi siya matatanggal. Binigyan ako ng gamot ni Gandalf. Base sa narinig ko ay Maaring akong magtanggal ng gloves hanggat may bisa pa ang gamot. Isang linggo. Sa loob ng isang linggo ay maari kong tanggalin ang Gloves na ito?

Pinagmasdan ko ang Gloves na suot ko at dahan dahan kong tinanggal ang nasa kaliwa. Bahala na. Kailangan kong subukan. Kaya walang pagadadalawang isip na hinawakan ko ang paso na nakapatong sa terrace. Napapikit ako at hinintay na maging abo ito pero laking gulat ko ng hindi ito nalusaw.

Napangiti ako at mabilis na tinanggal ang nasa kanan. Malaya kong nahahawakan ang mga bagay na hindi ito nalulusaw.


Nilingon ko ulit ang loob ng kwarto ko. Saglit lang ako kaya siguro naman hindi ako hahanapin ni Mom and Dad. Huminga ako ng Malalim at Saka Lumipad pataas.

"Bakit parang ang bigat ng Laylayan ng Damit ko?" Sabi ko sa sarili ko. Nagkibit balikat nalang ako at Pumunta sa Gubat kung saan naroon ang lagusan. Ibinulsa ko ang Gloves.



Mediyo malayo na ito sa Palasyo. Ang sabi sa akin ni Mom, dati raw ay Malapit lang ito. Pero noong matapos ang ikapitong digmaan ay Nabago ang lokasyon nito. Kaya ayan! Mediyo malayo ang nilipad ko.

Paglapag na paglapag ng mga paa ko sa Damuhan ay Napangiti ako. Sa wakas nandito na naman ako. Konting tyaga lang Talaga at makikita ko nanaman siya. Siguradong hahanapin ako ni Zee. Bahala na. Basta gusto ko lang maging pasaway bago ako tuluyang manirahan sa Academy. At sa tantiya ko ay makakabalik ako bago mag umaga.

Agad akong tumakbo palapit sa lagusan. Kinakabahan na naman ako. Ewan ko ba kung bakit pero lagi akong Excited kapag pupunta ako dun. Hahakbang na sana ako para pumasok sa portal-

"San ka Pupunta Mahal na Prinsesa? Ha? Saan ka pupunta Mahal na Prinsesa?" Napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang matinis na boses ni Gandalf. Ang kulit niya talaga. Isa din siya sa dahilan kung bakit madalas uminit ang ulo ko. Siguro nga , totoong mana ako kay dad. Mabilis uminit ulo niya sa kakulitan ng isang io.

"A-Ahm., " Napakamot ako. Lagot na! Ang daldal pa naman nito.




"Waahh!! Aalis ka? Aalis ka? Lalayas ka na ba mahal na Prinsesa? Lalayas ka na ba mahal na Prinsesa?" Napahilamos ako sa mukha gamit ang palad ko. Lalayas? Anong lalayas? "Kung iniisip mo na pabigat ka, naku naku, hindi po. Hindi po talaga."

GENOVIA ACADEMY 2: THE CONTINUOUS LEGACYWhere stories live. Discover now