LEGACY #7

27.1K 976 109
                                    

GENEROUS'S POV

Hindi ko magawang Gumalaw. Naninigas ang mga tuhod ko. Ayaw humakbang ng mga paa ko. Sinasabi ko na nga ba! Si Zee ang nakita ko kanina. Siya yung tumawid sa kalsada at ngayon ay kaharap ko.


"Generous." He said casually. Yes. Casually.



Nanuyo ang lalamunan ko at walang lumalabas na salita sa bibig ko.

"Zee!? Anong ginagawa mo dito?" Yan! Yan ang gusto kong sabihin. Ang gusto kong itanong pero hindi ko magawang magsalita


Narinig kong tumikhim si Clein kaya natauhan ako.


"Z-Zee...." I said.


"You Know Her Zion? You know each other?" Clein asked.




"YES/NO." Sabay naming sabi kaya mukhang naguluhan si Clein lalo pa't Yes ang sagot ni Zee.



"Ano? Sumagot nga kayo ng Maayos."


"NO/YES." sabay ulit kami. Napahilamos si Clein Kaya napangiwi ako. Patay na! Lagot.



"Generous. Nag-aalala ang Mom and Dad mo. Umuwi na tayo." Sabi ni Zee. Hindi ko alam kung Gumagawa lang siya ng usapan para hindi kami mabuking ni Clein o Totoong nag-aalala na sina Mom at Dad.




Waaah!!! Wait! Nagsalita ng mahaba si Zee? Inilapag ko ang hawak kong icecream. At saka nagbilang sa kamay ko. 10! Ten words ang lumabas sa bibig ni Zee.




''Generous.'' Narinig ko ulit ang boses niya kaya napatingin ako sa kanya. Naibaba ko ang kamay ko.






"A-ah. O-Oo. Uuwi naman na dapat ako, Zee." Sabi ko. Nagawa kong maglakad papunta sa kanila. Pero Abo't langit ang kaba ko dahil sa mga titig ni Zee.

"Okaaaayy. What. Is. Going. On?" Nakalimutan kong nandito pala si Clein.

Hindi ako makapagsalita dahil baka lumalala lang ang sitwasyon. Kaya Mabuti at nandito si Zee na magpapaliwanag sa kanya. Pero teka! Bakit kilala nila ang isa't isa? At Zion pa ang Tawag niya kay Zee. Now, I'm the one who's gonna ask. What is going on?

"Generous is my Cousin. She leave the house earlier at hindi nagpa-alam. Kaya Nag-alala si Tita." Nakita kong napatango si Clein. "I came here to Ask some help on finding her." this time mas humaba na ang sinabi. Siguro nasa 26 words. At Hindi ko alam kung pinaparinggan niya ba ako o nagpapalusot lang siya dahil sa haba ng sinabi niya.





Oo, umalis ako at hindi nagpaalam. Kaso talagang diniinan niya yung part na yun eh.

Pero teka nga ulit. Totoo ba itong nakikita't naririnig ko? Nag-eexplain si Zee? Si Zee talaga? Si Zee na Tahimik at Ayaw sa mga ganitong paliwanagan. Si Zee na Sobrang iksi magsalita, ngayon ay nag-eexplain.



"What a coinsidence?" Napatawa si Clein. "Nagkita na pala kami dati ni Generous. When We were Ten Years old. Then we meet again Earlier. My car hit her." Nanlaki ang mata ni Zee nang marinig niyang nasagasaan ako. "But don't worry, The doctors already Check her. She's alright now." Kumalma ang mga mata ni Zee. Nababasa ko iyon pero Tinitigan niya ako ng masama. Huhu . Lupa. Eat me now. As in now. Nakakatakot siya.


"Ang cute niyo namang magpinsan. Are you sure you two are cousins? Parang hindi kayo magpinsan in the way you look at her, Zion." Ano bang pinagsasabi nitong si Clein. Talagang iba makatingin yan si Zee kapag ganitong may kasalanan ako. Tsaka hindi naman talaga kami magpinsan. Haayyyy..



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GENOVIA ACADEMY 2: THE CONTINUOUS LEGACYWhere stories live. Discover now