X

22.7K 402 15
                                    

CHAPTER X: FALLING...

HUNTER'S

It was three days after nung nangyari kay Aria sa resto. And three days na rin akong hindi pumapasok. Naghilom na ang sugat niya pero ayoko muna siyang pagtrabahuhuin. I am not that bad you know. Sa ngayon, tapos ko na lahat ng dapat kong gawin. Sa wakas, so I am planning for a short vacation.

So I went to my children's room to tell them the news. Naabutan ko naman si Manang Lorna na nagliligpit sa kwarto ng kambal.

"Nay nasan po ang mga anak ko?" Tanong ko kay Manang Lorna.

"Ay naku! Doon natulog sa kwarto ni Aria. Gusto daw nila makasama hangga't dito pa siya lumalagi ssa bahay" Paliwanag naman sa'kin ni Manang Lorna.

"Ah ganun po ba?" nasabi ko nalang.

"Hunter hijo, magaan ang loob ko sa batang yun. Pakiramdam ko mahal na mahal niya talaga ang mga anak mo. Ayaw mo na ba mag asawa ulit anak?" Tanong sa'kin ni Manang Lorna. Mag asawa ulit?

"Sino naman po aasawahin ko Manang? Wala nga akong girlfriend. Si Manang talaga masyadong mapagbiro" Natatawang sabi ko. Mga bata muna ang uunaahin ko sa ngayon.

"Aba'y si Aria! Maganda, dalaga, mabait at tigasin. Oha! San ka pa?" masiglang sigaw ni Nanay. Natawa naman ako.

"Kayo talaga nanay. Sige na po. Puntahan ko na yung mga bata sa kabila" paalam ko sa kaniya.

"O siya sige na. Pero pag isipan mo yung sinabi ko ha?" pahabol sakin ni Nanay at natawa na lang kami pareho.

Pumunta na ako sa kwarto ni Aria. Naabutan ko naman silang natutulog pa. Nakayakap ang dalawa kay Aria habang mahimbing na natutulog.

Kumuha ako ng upuan and I took the time para titigan sila. They look so cute. Gumalaw naman si Aria at nagmulat ng mata.

"Hey" I told her.

"Hey" she said back. Tinitigan ko lang siya. She looks hot with that just woke up look and that resemblance with Adi. Same face shape. Same eyes. Same lips. But different eye color. Different hair color. Different personality. Different taste of clothes. A totally different person with exact same face. Different person, same feelings, I realized, I'm falling for her. I am falling for Aria.

"Natulala ka na naman sa kagandahan ko" she joked. Nabalik naman ako sa realidad. Hindi siya si Adi. She's not my wife.

"Woah there. May iniisip lang ako" But yeah, I find her beautiful.

"Iniisip mo ako no?" she again, joked. Ang hangin talaga nitong babaing to.

"Nope. How about a vacation?" I asked her. Waiting for her opinion.

"Vacation? Saan naman?" Tanong niya sa'kin. Umayos naman siya ng upo sa kama at sumandal sa headrest.

"That's a secret" I said and grinned. "So pack your and the twin's things. We're leaving later" Huli kong sabi at lumabas na ng kwarto at dumiretso sa kwarto ko. There I received a phone call.

It was from my Private Investigator.

"Hello, any updates?" Tanong ko sa kanya.

"I already finished investigating her Sir. I have the files" sabi niya sa'kin.

"Okay bring them to my office. Now" I ordered him. Finally, malalaman ko na rin kung san ka galing.

"On my way Sir" he said and hung up.

Hindi naman nagtagal at naihatid na ang resulta ng backround check ko tungkol kay Aria. Binasa ko naman ito and I was stunned with what I just read.

His Undercover NannyWhere stories live. Discover now