Chapter 10

222 5 0
                                    

"Baby sumama ka naman sa akin oh" nagmamaktol kong sabi kay nathan habang buhat ito ni blake

Mas gusto kasi nitong sumama kay blake at lalo akong napipikon dahil inaasar nya ako

"Paano ba yan? Seems like he wants me too stay" blake said and I just rolled my eyes

"Ang yabang mo, paano sinusuhulan mo ng kung ano-ano" nakasimangot kong sabi sa kanya

Sinagot lang nya ako ng tawa kasabay ng pagtawa ni nathan, sa inis ko ay umalis ako at nagkulong sa kwarto, I know that I should act matured but I really can't help it.

Tumagal ako ng isang oras sa pagmukmok ng may kumatok sa kwarto ko

"Thalia, labas ka na dyan , ang arte mo"

Lalo akong nainis sa sinabi nya, bakit ba hindi sya marunong maglambing?

And wait what?! nagpapalambing ba ako?

Dahil ayaw kong isipin nya na nagpapasuyo ako ay lumabas na ako ng kwarto

"What?!" Singhal ko sa kanya

"O? Bakit ba ang init ng ulo mo? Magbihis ka na mamamasyal tayo" he said ignoring my deadly look on him

"Saan naman tayo pupunta?" Pagsusungit ko pa

"Sa mall, ipapasyal natin si nathan" sabi nya habang pinipingot ang ilong ko

" Kayo na lang" I said as I rolled my eyes

"Magbibihis ka o ako magbibihis sa'yo?"

See?! Bakit ba ganyan sya? Samantalang wala naman akong nakuha na matinong reaksyon ng sabihin ko sa kanya na nagugustuhan ko na sya, why is he acting like that? Don't he know that he is giving me false hope?

"Magbibihis na" sabi ko saka tumalikod at isinara ang pinto

Gusto kong sabihin sa kanya na 'gawin mo, bihisan mo ako' but no, alam ko na kapag sinabi nya at hinamon mo sya ay gagawin nya talaga

"Bakit ba ganyan ang mukha mo ha?" Tanong ni blake ng lumabas ako ng kwarto na nakasimangot

Hindi ako umimik at nakipagtitigan lamang sa kanya

"Mommy" tawag sa akin ni nathan kaya naman biglang naglaho ang inis na nararamdaman ko kanina pa

"O ayan nasama na sa'yo ang anak mo"

"Tara na" sabi ko sa kanila

Eto lang naman ang gusto ko e, maramdaman ko na kailangan din ako ni nathan .

              SOBRANG nage-enjoy si nathan sa pagtingin-tingin sa mga laruan na binibili naman ni blake habang ako ay nakatingin lamang sa kanila ng nakangiti

"Mom, home" simpleng sabi ni nathan

Gusto na nitong umuwi matapos mapagod kaya pagkatapos kumain ay naglakad na kami papuntang parking lot

Just when I thought that It will be an ordinary happy day then I guess I thought wrong

Abot-abot ang kaba sa dibdib ko ng makita ko si mama kasama si papa, umuwi na pala sya, hindi ko man lang nalaman. Nakatungo akong naglalakad habang kasalubong sila, walang kaalam-alam si blake sa nararamdaman ko

"O? Bakit nakatungo ka? Nahihiya ka?" Napatigil kami sa paglalakad habang si blake ay nagtatakang lumingon sa akin

"Kilala mo sila thalia?"

Hindi ako sumagot, nakatitig lang ako sa kanila habang pinipigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Ang sakit-sakit na ang dahilan ng mga luha ko ay ang sarili kong mga magulang

"Oo, kami ang mga magulang nya at ikaw sino ka?" Mataray na sabi ni mama

Tumingin ako kay papa, wala syang ginagawa para pigilan si mama . He just stared at me with so much disappointment in his eyes

"Hi mam and sir, ako po si blake, thalia's friend" pakilala ni blake

Pagak na tumawa si mama

"Friend? Wag mo nga kaming gawing tanga, alam ko kung anong nangyayari kay thalia at tulad ni ash, I know very well na iiwan mo din sya" hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko

Bakit ba nila ako pinapahirapan?

"You're wrong ma'am, I intend to stay on your daughter's life " matapang na sabi ni blake

"Oh give me a break! Sino bang tatanggap sa isang babaeng disgrasyada, di ba?"

Tuloy lang ang pag-agos ng luha ko, hindi ko na kaya ang sakit. Ang hirap-hirap na ganito yung tingin nila sa akin.

"Kaya po ba pati kayo hindi sya tinanggap? Magulang nya kayo pero kayo yung dahilan ng pag-iyak nya, with all due respect ma'am  kung alam nyo po na iniwan sya ni ash dapat nanduon kayo para alalayan sya pero nasaan po kayo? Wala kasi
disgrasyada sya? Kung kayo iniwan nyo ang anak nyo pwes hindi po ako , mahal ko po ang anak nyo pati na din si nathan at kahit na kayo po ang mga magulang nya kung hindi nyo rin naman po sya kayang ipagmalaki pwede bang wag nyo na lang syang maliitin? Dahil kung sa tingin nyo hindi sya karapat dapat ipagmalaki, para sa akin sya ang babaeng dapat mahalin ng tapat"

Napatanga lamang ako kay blake , mahal nya ako?

"Ganyang ganyan din ang sinabi ni ash nuon, mahal sya pero nasaan sya ngayun? Wala, napakain ba sya ng pagmamahal? "

"Tama na ma!" I shouted

"Oo iniwan ako ni ash at alam nyo ba kung gaano kasakit yun? Alam nyo ba ang pakiramdam na wala akong masabihang mga magulang? Kahit gustong gusto ko ng sumuko hindi ko magawa dahil kay nathan, dahil gusto kong patunayan na kaya kong buhayin ang anak ko, alam ko na hindi nyo matanggap na maaga akong nagkaanak pero ako? hinding hindi ko pinagsisisihan yun dahil napakabait na bata ng anak ko , at kung meron man akong ipinangako sa sarili ko, yun ay hinding-hindi ako magiging kagaya nyo bilang isang magulang"

Hinila ko si blake paalis at ng makarating kami sa sasakyan duon ko ibinuhos lahat ng mga luhang kanina ko pang pinipigilan

"Bakit ganun? Ilang taon na ang nakalipas Pero bakit galit na galit pa rin sila, minamaliit nila ako pati si ash samantalang sila naman ang dahilan kung bakit ako iniwan ni ash! Dahil pinapahirap nila ang buhay na pinagsisikapan naming buuin nuon!" I said sounding so broke

Ang sakit-sakit, bakit ganito? Kailangan ba talaga akong maghirap ng ganito? Ano bang nagawa kong kasalanan? Bakit parang sobra-sobra naman ang kabayaran?

Hindi umimik si blake, ng kumalma na ako ay saka nya pinaandar ang sasakyan

Hindi ko alam kung ano iniisip nya. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko hindi ko na magawang magsaya dahil sa sinabi ni blake kanina.

He actually loves me

Ming
4|3|16

ABC's Of Love : A is for AttractionWhere stories live. Discover now