Chapter 12

196 4 0
                                    

"Good morning!" Masiglang bati ni blake ng buksan nya ang pinto ng kwarto 

"Pwedeng pumasok?" He asked

Kahit ilang beses kong sabihin na pwede syang pumasok anytime still, mas gusto nya ang nagpapaalam . He is too good to be true

"Di ba sabi ko naman na pwede kang pumasok"  nakasimangot kong sagot sa kanya

"Oo nga pero gusto ko pa rin ang nagpapaalam, ikaw talaga hindi ka marunong magpakipot sa akin" he teased

Sobrang conservative nya, he wouldn't let me wear sexy shirt kahit na nga nasa bahay lamang ako dahil sinasabi nya sa akin na lalaki lang daw sya, hindi nya kayang magkontrol palagi. Isn't he the sweetest?

We had our breakfast in bed, walang pasok sa opisina kaya naman sinamantala namin ang pagkakataon na tumigil lang sa bahay at magkwentuhan o mag-asaran. Nasa kalagitnaan kami ng paghahabulan nina nathan ng biglang may kumatok at nagkatinginan kami ni blake

"Parehas ba tayo ng iniisip kung sino ang kumakatok?" He asked bakas ang pagseselos sa mga mata nya

"Nagseselos ka pa ba?" I asked

He smiled , a soft one

"May tiwala ako sa'yo at sa mga sinabi mo"

At hindi nga kami nagkamali, ash is there standing so manly

"Pasok ka" ng makarating kami sa sala ay andun si blake na buhat na ngayun si nathan

"Sya na ang anak mo" simpleng pakilala ko kay nathan

Nakita ko kung paano tumulo ang luha sa mga mata ni ash , mababakas ang sakit at sobrang kalungkutan , niyakap nya si nathan sobrang higpit na tipong ayaw na nyang mawalay rito

"I am sorry baby, sorry. Sa sobrang paghahanap ko sa sarili ko hindi ko namalayan na kayo naman yung nawala " umiiyak nitong sabi

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko, nasasaktan ako para kay ash, lalo na ng mas pinili nitong sumama kay blake at umiyak na para bang takot na takot ito. Nakakalungkot para sa isang ama na kinatatakutan ka ng sarili mong anak

Pinatahan ni blake si nathan bago kami iniwan sa sala para makapag usap .

"Mukhang mabait talaga sya" ash said , pertaining to blake

"Nakikita ko kung paano nya kayo alagaan, na sana ako ang gumagawa. Nathalia bakit? Bakit hindi mo ako nahintay?" Puno ng hinanakit na tanong nya sa akin

"I am sorry ash" yun lamang ang nasabi ko , hindi ko kayang ipaliwanag kung ano ang nangyari, kasi kahit ako hindi ko alam kung paano

"It's okay, masaya na ako na hinahayaan mo akong makita si nathan, sana kahit man lang yung anak natin nagawa akong hintayin" he smiled, a faint one

Nakokonsensya ako dahil hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya, pero mas magiging unfair ako kung ipagpapatuloy ko ang dati kahit na alam ko na wala na akong nararamdaman para sa kanya

"Naniniwala ako na talagang mahal mo si thalia" blake said out of nowhere

"Salamat pare, handa kang magsakripisyo para sa mga taong mahal mo" dagdag pa nito

"Hindi na tayo mga bata, I mean, oo we're young at age pero sa mga nangyari , hindi na ako lalaban pa, kilala ko si nathalia alam nya kung anong gusto nya, siguro may mga bagay ka lang talagang naibibigay na wala ako" he said sounding that he is already defeated

Sobrang saya ko, hindi ito ang inasahan ko pero salamat kasi naging maayos ang lahat.

           NAGHAHANDA na kami ni blake na matulog matapos makaalis si ash

"Tabi na kasi tayo" kulit ko sa kanya

"Ayoko nga" tanggi muli nya

"Bakit ba pakiramdam ko ako ang lalaki saten?" Nakanguso kong sabi sa kanya

"Aggressive ka kasi masyado, e nagkataong gentleman ako" pagmamayabang pa nya

"Ang yabang mo!" Binato ko sya ng unan na sinagot lang nya ng tawa

"Wag kang mag-alala darating din tayo dun, wag kang atat" dagdag nya sa pang-aasar habang pinipingot ang ilong ko

Pinipigilan ko ang pagtawa, lumalabas kasi na mas manyak pa ako kaysa sa kanya

Hindi ko din sya napapayag na magtabi kami sa pagtulog, sa kwarto ako habang sya naman sa sofa pero halos kalahating oras na hindi pa rin ako makatulog kaya naman sinilip ko si blake sa sala at ng makita kong mahimbing na syang natutulog ay dahan-dahan akong tumabi sa kanya, kahit ang sikip ay pinilit kong hindi sya magising.

I was about to close my eyes whe he spoke

"Ang kulit mo talaga" he said pero hindi na nya ako pinaalis bagkus ay niyakap at hinalikan nya ako sa noo

And this night is so perfect .

                  HALOS araw-araw na nandito si ash sa bahay, he is catching up with nathan a lot at napagkasunduan namin na wala kaming itatago kay nathan.

"Daddy" tawag ni nathan

Sobra akong nagpapasalamat kay blake dahil sobrang bait nya, marunong syang umunawa at kahit kailan ay hindi pa sya nagselos kay ash

Hinayaan ko lang sila maglaro na mag-ama habang ako naman ay katext si blake

'Blake uwi ka na . Haha'

Wala pang isang minuto ng magreply sya

'I thought it's babe not blake"

Natawa ako sa text nya, kahit wala kaming napapag-usapan kung ano ba talaga kami ay masaya na ako sa kung ano ang meron kami ngayun . Magulo ang set up na may dalawang lalaking bumibisita sa bahay pero hindi ko na iniisip yun dahil ang mahalaga sa akin ay yung mga taong pinapahalagahan ko

'Babe pasalubong'

Hindi na sya nagreply sa huling text ko, kampante si blake na hindi ko sya ipagpapalit at may tiwala sya sa akin kahit na alam naman naming dalawa na mahal pa rin ako ni ash.

Hindi na namin napag-uusapan ang tungkol sa nakaraan namin, kung minsan nagtataka din ako kung bakit parang nag-iba si ash, hindi na sya yung tulad ng dati hindi ako sigurado pero alam kong may iba sa kanya , nandito sya at kasama ko sa iisang bahay pero napakalayo nya, he is keeping his distance. Hindi ko alam kung anong problema at ayaw kong tanungin dahil kung nuon na ok pa kami ay hindi na nya sinasabi sa akin, paano pa kaya ngayun na magkaiba na ang mundo naming dalawa?

"Saan ko ihihiga si nathan?" Naagaw ang atensyon ko ng magsalita si ash, buhat nito si nathan habang tulog

"Napagod ata sya" simpleng sabi ko

"Oo nga e" pagkalapag nya kay nathan sa higaan ay tinitigan nya ito

"So, this is the life that I missed" mahinang sabi nya

"Ash, don't dwell yourself on the past, ang importante andito ka para bumawi sa kanya" pagpapalakas ko ng loob nya

Mula ng bumalik sya ay hindi ko na sya kinakitaan ng tiwala sa sarili

"Hindi rin magtatagal" sagot nya na ikinakunot ko ng noo

"What do you mean?" Pero hindi sya nagsalita, may plano ba syang umalis ulit? Iiwan nya ba ulit si nathan?

"Ash kung may problema ka sabihin mo sa akin , afterall ako pa rin ito"

Hindi nakatakas sa akin ang pagtulo ng luha nya

"Kung maibabalik ko lang ang dati, hindi na sana ako umalis"  hindi na nya napigilan ang pag-iyak nya , he broke down .

Wala akong magawa, hindi ko masabi sa kanyang magiging ayos lang ang lahat dahil alam kong hindi

"I am sorry ash"

"Wala kang kasalanan, nagmahal ka lang and unfortunately, it wasn't me anymore"

Ming
4/9/16
:( <|3

Twitter: chaaarmiiing

ABC's Of Love : A is for AttractionWhere stories live. Discover now