19

1.1K 28 3
                                    


Alyssa

Nagtatalo pa rin kami ni Kiefer ngayon. "Ihahatid mo ba ako o hindi?" pinanlisikan ko sya ng mata para madala pero parang wala ring epekto sa kanya.

"Magpapaligaw ka ba o hindi?" aktong bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan nya pero hinigit nya ang kamay ko at pinigilan. "Sinabi ko na sa parents ko." Alin ang sinabi nya? Naguluhan ako sa mga sinabi nya kaya nagkatitigan kami ng matagal.

"A-alin ang sinabi mo?" kinakabahan ako kaya utal-utal akong nagsalita. Napasapo sya sa noo nya at nahalata kong nahihirapan na rin sya sa sitwasyon. "Sumagot ka nga!" napasigaw ako sa loob ng sasakyan.

Niyakap nya ako.

I feel so secured sa yakap nya.

"Alam na nilang ayaw ko kay Trisha at gusto ko ng itigil yung engagement." Bahagyang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. "Itataya ko lahat. Lahat para lang sa'yo." Hindi ko alam na ganito magtuturnout ang lahat. Hindi ko alam na ganito yung magiging consequences.

"Bababa na muna ako, magtataxi na lang akong papuntang school. Itigil mo na yang kahibangan mo." Saka pwersahan kong binuksan ang pinto at luamabas na ng sasakyan at agad na pumara ng taxi.

Paluha-luha akong bumaba ng taxi sa tapat ng school. Bakit kailangan kong maranasan 'to? Nagmahal lang din naman ako. Pumunta muna ako sa restroom para mag-ayos ng sarili.

"Speaking of the devil," ang malas naman talaga. Yung mga kaibigan ni Trisha at sya ay nandito sa restroom na 'to. What a way to start my day. "Yung nang-agaw ng fiancé mo." What is she talking about? Hindi ko sya inagaw.

"Wala kang alam. And ayaw ko ng away." Nagulat sila na pumatol ako sa mga pagmamataray nila. "And please lang, ang issue namin ni Trisha, amin lang. Hindi ka laman ng manok para makisawsaw." Sa sobrang pikon ay napalabas sila at naiwan si Trisha kasama ako.

"Narinig mo na siguro ulit?" paunang tanong nya.

"Ang alin?" pagbabalik ng isang tanong sa kanya. Bakit ba kasi hindi pa ako diretsuhin?

"Our engagement is cancelled. And I think this mess is all because of you." Sana pala hindi ko na lang inalam kung ano yung sinasabi nya. Sana naging ignorante na lang sa mga bagay para hindi masaktan.

"Sinabihan ko na syang lumayo. Hindi ko na yun kasalanan." Tama naman ako diba? Malapit na kaming magkabalikan ng ex-boyfriend ko.

"Kung hindi ka kasi nag-aral dito eh di sana tahimik lang." Bakit ba kailangan nyang isisisi sa akin lahat ng 'to? Hindi nya ba kayang sisihin yung sarili nya na hindi sya kayang mahalin ng 'fiance' nya?

"Mauuna na ako sa'yo. Mahirap makipagtalo sa tanga, baka mahawa pa ako sa'yo." At iniwan ko na nga syang mag-isa sa restroom. Buti na lang at nakapag-ayos ako ng mukha.

Malapit lang yung gym dito sa restroom at wala masyadong tao doon. Pero may narinig akong ungol? May nagsesex sa campus? Hindi ko sinasadyang sumilip pero dahil sa curiosity ko, napasilip ako.

Hindi ka na talaga nagbago.

Hanggang ngayon manloloko ka pa rin.

Pinanganak kang manloloko,

Lalaki kang manloloko,

Mamatay kang manloloko.

Agad kong inalis ang tingin at umalis na parang wala akong nakita. Nagbulag-bulagan sa katotohanang naloko nanaman ako ulit. Naisahan nanaman ako sa pagmamahal na 'to. Tanga rin ako eh, hindi na rin ako nagbago.

Sa sobrang sakit ng mga nakita ko ay napagpasyahan ko na lang na umuwi. Hindi ko na kakayanin pang masaktan ngayong araw. I immediately texted Dennise.

I can't go to school today. Let's talk later.

Agad kong kinuha ang diary ko. Sa ngayon itong maliit na notevook lang na ito ang mapaglalabasan ko ng sama ng loob.

Dear Diary,

Gaano na ba ako katanga? Magbabago pa ba ako? O magbabago man lang ba ang takbo ng buhay ko? Yung tipong hindi na ako niloloko. Masaya lang kumbaga.

Sana dumating din yung araw na yun.

Love,

Alyssa.

��������Z뛥

Hide and Seek [KiefLy Inlove Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon