Chapter 66

981 41 0
                                    



*8 months later*

BAEKHYUN 's POV

"Yeol, mag pahinga ka na. Pagod na pagod ka na oh" sabi ko sabay lapit sa kanya.
"Habang kasama ko kayo, hindi ako napapagod Baek" pinitik ko naman yung noo niya. Ano ano kasi yung sinasabi nakakainis tuloy.
"Ayiee~ si mama kinikilig hahah" tumawa naman ang kambal. Aba! Tumawa narin si Yeol kaya siniko ko siya.

Sa ngayon nasa bahay kami ngayon at bumisita uli si Yeol. Actually lagi siyang bumibisita dito sa bahay simula nung binigyan ko uli siya nag pagkakataon na makasam ang kambal. Tatay parin naman siya ng kambal eh kaya tama narin yung ginawa ko. Kapag nakakasama niya ang kambal ay parang ayaw na ayaw niya umalis at ganun din ang kambal.

Naalala ko pa nung araw na sinabi ko kanila Jes at Chels na siya ang totoong tatay nila ay nagkagulo pa kami nun dahil di naniwala ang kambal pero dahil nga hindi daw napapagod si Yeol ay hindi siya sumuko na kunin uli ang loob ng kambal. At ngayon nga na okay okay na ang lahat kaso naiinis parin ako dahil nung isang araw lang din nakipag hiwaly si Chanyeol kay Dara. Hindi ko alam ang gagawin ko nung araw na yun kahit alam ko naman na makikipag hiwalay nga si Chanyeol. Pagkatapos nun ay hindi na rin kami nakapag usap ni Dara. Hindi narin siya pumapasok ng trabaho. Alam ko naman na sinabi ni Chanyeol ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay sa kanya at kami ang dahilan nun.

Habang naglilinis ako ng bahay ay napansin ko naman na may binubulong si Chanyeol sa kambal. Aba! Ang dadaya talaga ng mga toh sakin.

"Baek labas tayo" sabi niya kaya nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Ano naman gagawin natin sa labas? Magdidilig ng halaman?" Tanong ko sa kanya na ikinatawa niya. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah. Meron ba?
"Hindi, ibang lugar ang pupuntahan natin" sabi niya.

"Oo nga po Ma para naman makapag bonding kayo ni Daddy diba Jes?" Tumango naman si Jesper sa sinabi ni Chelsea.
"Pero pano kayong dalawa ni Jes? Wala--"
"Tinawagan ko na sila Mrs. Byun na pumunta dito dahil sabi sakin nila Mrs. Byun na miss na daw nila ang kambal" tumango na lang ako.

"Sige na nga" sabi ko at ngumiti. Ngumiti rin siya. Nagbihis na ko at bumaba para umalis. Tama rin na pagkababa ko ay nasa sala sila mama at si Mrs. Park. Binati ko namanz sila at bago pa kami lumabas ni Yeol ay inasar pa kami nila mama

"Nako ah wag niyo muna sundan ang kambal ah" sabi ni mama kaya nagulat ako dun. Ano bang pinagsasbi ni mama
"Oo nga Chanyeol, baka triplets pa ang sumunod" nahiya naman ako sa sinabi ni Mrs. Park.
"ingat kayo sa pupuntahan niyo ah" sabi ni mama. Wow! Parang naman ang layo ng pupuntahan namin noh. Well... San nga ba kami pupunta?

Sumakay naman kami ng kotse at pinaandar na ito ni Chanyeol. Tahimik lang kaming dalwa at yung radyo lang ang maingay. Maggagabi na kaya nagtaka ako. Parang ang layo ng pupuntahan namin.
.
"Uy, Chanyeol san ba tayo pupunta? Hindi ba tayo pupunta sa mall? Park? Oh kahit saan?" Tanong ko sa kanya na may halong kaba. Baka kung saan ako dalhin nitong lalaki na to.

"Matulog ka na lang muna jan kasi malayo ang pupuntahan natin pero magugustuhan mo siya" nagulat naman ako sa sinabi niya. Malayo?
"Yah! Bakit di mo sinabi na malayo pala pupuntahan natin? Teka bukas ba tayo uuwi?" Tumango naman siya sabay ngiti. Hinampas ko naman siya sa braso niya
"Wala akong dalang damit!chanyeol naman oh! San ba tayo pupunta?" Sabi ko sabay pout

"Inayos ko na yung mga gamit mo at nilagay sa maleta na hindi mo alam" lalo namn ako nagulat sa sinabi niya.
"Yaaaahhhhh! Bakit mo yun ginawa!!!" Pinaghahampas ko naman siya sa braso niya. Naramdaman ko naman na hinawakan niya yung kaliwa kong kamay gamit nung kanan niyanh kamay. Napatahimik namn ako at napasandal.

"Matulog ka na lang dahil malayo pa tayo sa pupuntahan natin" wala naman akong magawa kaya sumunod na lang ako sa kanya.

--

Our Children (EXO OTPS)Where stories live. Discover now