Chapter 3: Red Dragon University

381K 6.1K 650
                                    


Chapter 3: Red Dragon University 

Bella's Point of View

Nandito ako ngayon sa harap ng school na aking pamamahalaan este papasukan pala. Last week ay kumuha ako ng entrance exam dito. Ayaw ko naman kasi na ituring akong special sa RDU. Masaya ako na nakapasa ako at ngayon ang unang araw ko sa klase bilang transferee student. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na ma-excite.

Bago nga akong pumasok ay maraming paalala sa akin si Mr. Jackson. Ang dating Bella Echizen Smith ay naging Bella Uy na isang ordinaryong estudyante. Pinagsabihan na rin ako ni Mommy na huwag gamitin ang pagiging gangster ko sa school na ito at umiwas sa gulo.

Pagpasok ko pa lang sa gate ay humanga na ako sa laki ng eskuwelahan na ito, pero may napansin ako. Bawat estudyante na nadadaanan ko ay nagkikislapan ang mga alahas, fashionable shoes at pati ang kanilang buhok ay kakaiba, para akong nasa isang fashion show. At ngayon ko lang na-realize na ako lang ang naglalakad na papasok ng RDU. Hindi ko akalain na ganito pala ang school na ito. Napatingin ako sa aking suot, para akong outcast na student.

Pinagalitan ko ang aking sarili dahil sa inggit na nararamdaman ko. Kailangan ko pa palang magmadali dahil kailangan ko munang i-meet ang Board of Trustee sa school na ito. Kaya tumakbo na ako ng mabilis.

Napangiti ako nang maalala ko ang pag-uusap namin ni Mommy. Masaya siya na pumayag akong tanggapin ang pamana ni Lolo. Dalawa ang hiling niya; una, ang maging normal na babae ako. Pangalawa, ang magka-boyfriend. Natawa ako bigla, siguro ang maging normal na babae ay matutupad ko pa, pero ang magka-boyfriend? Malabong mangyari iyon. Sinong lalaki ang mai-inlove sa tulad ko? Matagal ko nang kinalimutan ang bagay na iyon.

Bigla akong napatigil nang makakita ako ng grupo na nagkukumpulan. Anong meron? Damn Bella! Mamaya ka na makiusyoso, mayayari ka kay Board of Trustee pag na- late ka.

Akmang tatalikod na sana ako nang makarinig ako ng hiyaw ng isang lalaki.

"Huwag, maawa na kayo sa akin," nanginginig na sigaw ng lalaki.

Nagtawanan ang nasa paligid.

Lumapit ako sa nagkukumpulan. "Miss, anong meron diyan?" kunot noong tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "New student, right?" tanong naman niya sa akin.

Tumango naman ako sa kanya."Paano mo nalaman?"

"Sa get up mo pa lang, mahahalata na. Walang nerd sa eskuwelahan na ito," balewalang sagot niya.

Ganon?

"Sa tanong mo kanina, may pinaparusahan ngayon dahil binangga niya ang boss ng school na ito. Dapat Miss hindi ka na nag-aral dito, baka ikaw na ang sumunod sa lalaking binubugbog ngayon," tumalikod na siya at naglakad palayo.

"Binubugbog?!" bulong ko sa aking sarili. Agad akong nakisiksik sa nagkukumpulan. Nakita ko ang limang gwapo na mga lalaki na balewalang nakitingin sa nakaluhod na duguan na lalaki. At ang isa sa kanila ay may hawak pa na arnis.

"Weak. I don't want to see your f*cking face here in my school or else, manghihiram ka na ng mukha sa aso." Mahinahong wika ng lalaking nakasandal sa puno habang hinahagis niya ang bola ng baseball, mababakas doon ang isang mapanganib na babala.

Umiiyak na tumango naman ang lalaki. Ano pa nga ba ang choice niya?

"Emp, ano na gagawin natin sa kanya?" tanong ng lalaking may hawak ng arnis sa lalaking nagsalita kanina.

"Tama na yan, siguro naman madadala na siya ngayon. Hey idiot, sa susunod, kilalanin mo kung sino ang binabangga mo," wika niya ulit na mukhang kanina pa naiinip.

Tumalikod na sila pero nakita ko na sinenyasan ng nangangalang Emp ang lalaking may hawak na arnis. Ngumisi ang lalaking iyon at dahan-dahang humarap. Alam ko na ang gagawin niya. Bigla akong tumakbo sa gitna at hinawakan ang arnis na dapat sana'y ihahampas nito sa duguan na lalaki.

Nagulat ang lalaking may hawak ng arnis sa ginawa ko. Hindi lamang siya ang nagulat kundi ang lahat ng estudyante na nakapanood ng pagpasok ko sa eksena. Tumigil din sa paglalakad ang iba pa niyang kasama. Blangko ang ekspresyong makikita mo sa mukha ng leader nila, habang ang ibang kasamahan niya ay amused na nakatingin sa akin.

"OMG! Bakit pumasok pa siya sa eksena?"

"Hala, mayayari siya kay Emp."

"Kawawang babae."

"Stupid b*tch."

Tinitigan ko ng matiim ang nangangalang Emp. "You're a cheater Mister," taas noong sambit ko.

Bago siya sumagot ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Hindi mo ba alam kung ano ang kaparusahan sa ginawa mong panghihimasok?" seryosong saad niya.

"Hindi," mabilis na sagot ko.

"Nathe, ano pa ba ang hinihintay mo?" tanong niya sa lalaking may hawak ng arnis ngayon.

Nakipagtitigan ako sa kanya. Pinipilit niyang ituloy ang balak niya pero hindi niya kaya dahil pinigilan ko siya.

Pinagpapawisan na siya ng malapot."F*ck!" mura niyang malakas sabay bitaw sa arnis na ngayon ay hawak ko na.

"Hindi niyo kailangang manakit ng tao para matuto siya, Mister-who-ever-you-are." Wika ko habang nakatingin sa pinakalider nila. "Ang tunay na fighter ay hindi lumalaban sa taong walang laban."

"Then, I want you to learn something from me, b*tch." Nakangising saad niya.

Infairness, kinabahan ako sa sinabi niya sa akin.

"What do you mean?" kalmadong tanong ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at napatingala ako sa kanya. Ang tangkad niya pala.

Hinablot niya ang kwelyo ko, pero hindi na ako nagulat sa ginawa niya.

Napa ohhhh ang mga tao sa paligid.

"Ms. Bella Uy, please proceed to the dean's office immediately. I repeat, Ms. Bella Uy, please proceed to the dean's office immediately."

"Oh sh*t!" bulong ko sa aking sarili. Lagot ako kay Board of Trustee. "Mr. Who-ever-you-are pakibitawan mo na yung kwelyo ko, narinig mo namang tinatawag na ako," turo ko sa speaker.

Ngumisi siya sa akin at pabalyang binitawan ang kwelyo ko. Napaupo tuloy ako. Aray naman! Bwisit na lalaki ito, sarap suntukin nang madala.

"Hey nerd, mag ingat ka, di mo kilala kung sinong binabangga mo," sabi niya sakin.

Tumingala ako at sinalubong ang mga titig niya sakin. Ang yabang!

Tumayo ako at nilingon ko ang lalaking duguan. "Hey, tumayo ka na diyan. Dapat di ka nagpapaapi, kalalaki mong tao para kang bakla," inalalayan ko siyang tumayo at ibinigay ang panyong nasa bulsa ko. "Here, ipunas mo yan sa mukha mo, at saka.... huwag kang matakot sa kanila," sabay turo sa anim na parang mga hari kung umasta na blankong nakatingin sa direksyon ko. "Dahil sa school na ito, walang mataas o mababang estudyante dahil pantay-pantay lang tayo."

Natulala lang sa akin ang lalaking nabugbog. Marahil hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko. Tumalikod na ako sa kanya at naglakad ng palayo. Napaisip ako bigla, nasaan nga pala ang Dean's Office?!

Kaya ang nangyari , bumalik ako sa lalaking duguan. "Hey, saan pala ang Dean's Office dito?" tanong ko dito. Nanginginig na tinuro niya ang direksyon.

"Salamat!" nangingiting nagpaalam ako sa kanya.

Huminto ako sa tapat ng anim na lalaki at tumingin ako sa lalaking nangangalang "Emp".

Ngumiti ako sa kanya ng matamis at nilingon ang lalaking may ari ng arnis.

"Here!" abot ko sa kanya ng arnis. "Next time, lagyan mo pa ng pressure para magtagumpay ka," mahinang bulong ko sa kanya na ikinamula ng mukha niya.

Nagsimula na akong maglakad patungo sa Dean's Office nang madaanan ko si Emp at nagsalita siya.

"You will pay for what you've done," mahinang sambit niya sa akin.

Nilingon ko siya ulit at nagkibit-balikat na lang ako sa kanyang tinuran.

b8!Z

Black ButterflyWhere stories live. Discover now