Chapter 1

6.4K 197 29
                                    

Chapter 1

NAPAHINTO ang binatang si Felix sa ginagawang pag-scroll sa kanyang laptop nang makarinig ng tatlong magkakasunod na katok.

"Son, get out of your room na. Masamang pinag-aantay ang pagkain," aya ng ginang sa anak.

"Okay, mom! Coming po!”

Matapos nag-usap ang mag-ina, agad ng lumabas ng kwarto ang binata nang iniwang nakabukas ang kanyang laptop.

Nagpunta na muna ng lababo ang binata upang maghugas nang kamay bago magtungo ng lamesa.

Hindi gaano kulot ang buhok ni Felix.

May kakapalan ang kilay,  matangos ang ilong, fair skin tone, red lips, and palaging may suot na rounded eyeglasses.

Matapos nitong maghugas ay kaagad na siyang umupo sa mesa, sa tabi ng kanyang Ina. Mabagal niyang ini-angat ang takip ng kaharap na pinggan. Abot hanggang tainga ang ngiti ng binata sa nakita. “Wow," paunang sabi ng binata. "Scrambled egg and bacon! My favorite.” Sagot nito sa medyo maliit ngunit may halong manly na tono.

“Thank you so much mom for preparing my breakfast everyday,” niyakap ng binata ang kanyang Ina nang sobrang higpit.

“You’re welcome,” malumanay na sabi naman ng ginang sa anak. “Kumain ka na, bago pa tuluyang lumamig ang pagkain.

Mabilis na kinuha ni Felix ang kubyertos sa tabi ng kanyang plato at nag-umpisa nang kumain.

"Eat well, my son."

Pagkatapos niyang mag-almusal ay tumungo naman ang binata sa sala para maglaro ng Tekken Tag- ang paborito niyang playstation game. Nakangiting umupo ang binata sa fully-tiled na sahig, kung saan ay kaharap niya ang 20 inches na TV at hawak ang controller na kinuha sa ibabaw ng playstation modem.

“Kainis naman ang larong ‘to!” inis niyang tugon matapos matalo uli sa ika-sampung beses.

“Ilang beses na kitang nilalaro, pero ni-isang beses ay hindi ko man lang magawang manalo!”

Dala ng sobrabg pagkainis, inihagis niya ang hawak na controller sa sofa. Sa gitna nang kanyang paglalaro, bigla na lang siyang nagulat nang mamatay ang TV at maging ang playstation nang hindi niya binubunot ang saksakan.

"Brownout," hindi makapaniwalang tanong ng binata sa sarili matapos mawalan ng kuryente ang kanyang nilalaro.

Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa lapag at dali-daling tinungo ang saksakan. Ngunit akmang papatayo pa lamang ito nang biglang makarinig ng isang pamilyar na boses sa gawi niyang likuran.

"Hindi kaya brownout,"

Dahan-dahang nilingon ng binata ang pinanggalingan ng tinig at laking gulat niya nang makita ang taong kasalukuyang nakatayo sa bukana.

Bilugan ang mukha, mataray ang dating ng kilay, rosy cheeks, pouty and red lips, abot hanggang balikat ang buhok nito na kulay rosas.

"Rose,” Animo’y nakakita ng multo ang binata sa kanyang nakita. “A-ano’ng ginagawa mo rito? At kailan ka lang dumating?"

Mysterious Four √Where stories live. Discover now