Chapter 2

2.8K 130 7
                                    

Chapter 2

KINALABIT ng binata ang balikat ng kaibigan, na kaagad namang nakuha ang kanyang atens'yon.

"Oira, ayos lang ba ito'ng suot ko," tanong ni Usef na hindi kumbinsido sa kanyang suot.

Nakadamit na pa'ng zombie si Usef. Punit-punit ang kanyang pang-itaas na T-shirt, samantalang ang pang-ibaba niya nama'y maong short na may tastas sa harap.

"Ang suot mo...Maayos naman pero ang mukha mo, para'ng may kulang," sagot ni Oira.

Kumunot ang noo ng binatang si Usef sa sinabi ng kabigan. "Bakit naman? Dahil ba sa sobrang puti ng mukha ko?"

Umiling si Oira bilang sagot. Kinuha nito ang lipstick mula sa suot na sling bag at ginuhitan ang magkabilang dulo ng labi ng kaibigan.

"Ayan! Mas mukha ka na talagang zombie." nakangiting sabi ni Oira.

"Talaga," tanong ni Usef, na hindi makapaniwala sa narinig. "May salamin ka? Pahiram naman."

Kinuha ni Oira sa sling bag ang dala niyang maliit na salamin at kaagad na iniabot ito sa kaibigan.

"Oo, nga! Mukha na nga ako'ng zombie." nakangising sambit ng binata, nang makita na nito ang hitsura sa hawak na salamin.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad nilang dalawa ay narating na nila ang bahay ni Rose.

Kinuha ng ni Oira sa suot na slingbag ang nakatagong imbitasyon at kaagad ito na ibinuklat.

"Block 1 Lot 43," basa ng dalaga sa hawak na imbitasyon.

Mala-palasyo ang laki ng bahay ni Rose. May apat ito'ng malaking mga bintana- dalawa sa kaliwa at dalawa rin sa bandang kanan. Kulay ginto ang pintura ng buong bahay, may iba't ibang uri ng makukulay at mababangong mga bulaklak ang harap, at may gate sila na mataas na ginto ang pintura.


Napatingin ang binatang si Usef sa binatang naka-costume ng The Flash na nakatingin sa malayo at nakatayo ito sa labas ng mansion na animo'y may inaantay na bisita.

"Si Felix ba 'yon," tanong ng binata sa sarili.

Nakabukas ang mataas na gate, kung kaya't agad na silang dalawa pumasok ro'n.

Nilapitan ng magkaibigan ang nasabing binata at tinapik ni Usef ang kaliwang balikat nito.

Lumingon ang nasabing binata sa kanila. "Oira, Usef, and'yan na pala kayo," nakangiting bati ng binata.

Nagkamayan silang tatlo.

Habang hawak ni Felix ang malambot na kamay ni Oira, kapansin-pansin ang bahagyang pamumula ng magkabilang pisngi ng dalaga.

Bumitaw sa pagkakahawak ang dalaga. Tumalikod si Oira bago pa tuluyang makita ni Felix ang pagpula ng kanyang mga pisngi.

"Hi, Oira," bati ni Felix. "Bakit ka nakatalikod? Sayang naman ang ganda mo kung nakatalikod ka."

Sinigurado na muna ni Oira na hindi na namumula ang kanyang pisngi bago humarap muli. Pasimpleng kinuha nito ang salamin mula sa suot na bag at nanalamin. Binalik na nito muli sa pagkakatago ang salamin nang masigurado na niyang tumigil na sa pamumula ang kanyang pisngi at lakas-loob nang hinarap muli si Felix. Ginawaran nito ng matipid na ngiti paglingon si Felix.

Mysterious Four √Where stories live. Discover now