Chapter 54: The 548th Heartbeat

2.6M 24.8K 26.9K
                                    

Pumunta kaming mall ni Marj para maghanap ng damit na maisusuot. Ano nga ba dapat ang damit sa grand ball? Semiformal daw, basta daw dress. Kailangan ko bumili ng bestida dahil wala ng laman ang closet kundi pambahay, casual clothes, at teacher uniform.

"My gaaad!" sigaw ni Marj. "Excited na 'ko makita yung mga dati nating ka-batch! Wow! Lahat ng kinontak ko, makakapunta. Ikaw, may nakontak ka ba?"

"Wala," sagot ko. "Wala akong panahon sa mga ganyan. Gumagawa ako ng mga lesson plan."

"Mukhang ang daming nahatak ni Chris na ka-batch natin," komento ni Marj, talagang iniwasan yung kakasabi ko lang. "Sa ibang batch kaya may makakapunta?"

"Siguro naman."

"Hindi ka ba nakikibalita sa faculty? Anong sabi nina Sir Mogul?"

"Meron naman daw."

"Mars, halata yung pagkawala ng interes mo rito, ano?"

Tumango ako na parang "Pa'no mo nalaman?" Alam ko namang iniiwasan lang niya banggitin si Kyle, e. No'ng pag-alis niya kasi, sinabi ko kina Marj at Chris na ayoko na munang marinig ang pangalan niya at ayoko na ring maalala yung mga alaala niya. Kaya kung puwede lang, magkunwari silang hindi nila nakilala si Kyle, kahit man lang sa harap ko.

"Ito, o!" sabi ni Marj habang hawak-hawak ang isang tube dress. "Ang cute!"

"Ano ba 'yan. Nagdamit ka pa. Puwede namang nagtuwalya ka na lang," biro ko.

"Sexy pa rin naman ako, ha?" Tapos tumingin siya sa salamin at natawa bago niya binalik yung bestida. "Palibhasa, ikaw, di ka kasi kumakain kaya ayan⁠-ang payat mo na."

"Grabe ka naman. Hindi kaagad kumakain? Puwedeng stressed in life lang?"

Pero namulot na naman siya ng bestida na parang binalewala yung komento ko. "Ito, bagay sa 'yo."

Nakabili ako ng isang pink na bestida. Ipapartner ko na lang 'to sa isa sa mga sandals ko sa bahay para tipid at hahaluan na lang ng kung anong burloloy meron ako. Magpapaayos pa ba 'ko? Sus, wag na, isip-isip ko. Bakit pa ako mag-aayos? Para sa'n pa?

Habang inaayos ko yung mga gagamitin ko, napatitig ako kay Spark. Nasa kama ko pa rin siya, alagang-alaga. Siguro at some point, nakalimutan kong si Kyle nga pala ang nagbigay sa 'kin nito, tipong nasanay na ako na nasa kuwarto ko siya araw-araw at talagang na-o-obliga akong linisin kapag nakikita kong madumi na.

"Bakit nga ba hanggang ngayon, e, inaalagaan pa rin kita?" tanong ko sa walang kamalay-malay na teddy bear. "Sana pina-abort ka na lang niya."

Madalas ko 'yon nasasabi kay Spark. Pero ayan, nakatitig pa rin siya sa 'kin na may kumikintab na mata na parang wala akong sinabing masakit.

"Gusto mo dalhin kita do'n para naman may kasama ako? Kaso pag dinala kita do'n, baka pagkaguluhan ka lang."

Um-oo ka na lang Spark, isip-isip ko.

"Yung tatay mo kasi, iniwan tayo. Wag ka mag-alala, okey? Bata pa naman ako. Alam kong may makikita pa 'ko. Sa grand ball, sigurado akong meron pang mga single do'n. Makakakita rin ako ng daddy mo. Hindi naman ako mauubusan ng isda, e. May hawak naman akong pamingwit," komento ko. At nang napagtanto ko na ang ewan lang ng huli kong sinabi, natawa ako. "Ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Makapaghanda na⁠ nga-"

Biglang nagring ang cell phone ko. Sumagot ako ng "Hello?" pero walang sumasagot pabalik. Ilang beses ako nagsalita, pero wala talaga. Tiningnan ko yung phone kung may kausap pa ako, at meron pa naman. May naririnig din akong mga ingay at boses sa likod, kaya alam kong may tao sa kabilang linya.

548 HeartbeatsWhere stories live. Discover now