Chapter 21: My First Attempt

18.6K 618 267
                                    

Nananahimik akong nakaupo nang biglang nakita ko siya.

Dugdug. Dugdug.

Ayon, ang guwapo pa rin niya. Hindi talaga kami bagay, e. Sino nga ba ako para agawin ang puwesto ni Rai?

Sabi nga ng guidance counselor namin, sa age namin, mas trip namin yung may itsura ang lalako. Pero someday, maghahanap kami ng isang lifetime partner na responsable. Tapos eto namang si utak ko, sasabat, Bakit, mukha namang responsible si Kyle, a?

At yung isang parte na naman ng utak ko, ang sabi, Ang pathetic mo. Ano na bang nangyayari sa 'yo? Gusto mo na ba mawala sa landas ng mundo? Magpakatino ka nga. Nakakadismaya ka. Lalaki lang 'yan tapos gaganyan-ganyan ka. What's the matter with you? Ano ka—

"Xei," sabi niya, "puwede mo ba 'to ibigay sa kanya?"

Dugdug. Dugdug.

Gusto kong bawiin yung heartbeat na sobrang lakas kanina pero wala rin. Tuloy-tuloy lang yung pagtibok ng puso ko nang sobrang lakas.

"Ano 'to?" tanong ko.

"Sulat. Puwede mo basahin kung gusto mo."

"A, wag na. Ibibigay ko na lang sa kanya."

"Teka!" bigla niyang bawi. "Ako na lang pala magbibigay."

Binalik ko sa kanya yung sulat tapos nilagay niya sa bulsa niya yung letter. Aalis na sana ako nang tinawag niya 'ko ulit para magbigay ng . . . isa pang sulat. "Ito na lang pala."

"Sulat ulit?" tanong ko. "E, kanino yung isa?"

"Sa kanya rin. Pero ako na magbibigay nito."

Ang labo. Pero sige, susunod na lang ako. Ito lang naman ako, e—tulay.

Bumalik ako sa classroom at pumunta kay Rai. Kinalabit ko siya at sinabing, "Rai, sulat . . . galing kay Kyle."

Nanlaki yung mata niya at kinuha niya kaagad yung sulat mula sa 'kin. Gusto ko tingnan, pero nag-decide ako na wag na lang. Baka lalo lang ako masaktan.

"Psst."

Tumingin ako sa paligid. Si Marj pala yung nag-"psst." Ano pa nga ba? Alam ko namang itatanong niya rin 'yon kaya umupo na lang ako.

"Ba't ka pumayag?" tanong niya.

"Na ano?"

"Na magpatulay? Sira-ulo ka ba?"

"E, hindi naman niya 'ko gusto, e," sagot ko.

"And so?"

"So wala talaga akong chance. E di, ibibigay ko na lang sa iba."

"Puwede namang namnamin mo na lang na wala kang chance at wag mo na lang saktan sarili mo, di ba?" naiinis niyang sinabi. "Nako, Xei. Ewan ko sa 'yo. Ako nafu-frustrate sa katangahan mo, e. Walang sisihan."

"Wag ka mag-alala. Kung may sisisihan man ako, ako 'yon at hindi kung sino."

***

Alam ko namang bumabalik na 'ko ulit sa dating Xeira—seryoso, tahimik, malihim, malalim. Tingin ko, mas mabuti kung ganito na lang ako.

Good news naman, may biyaya namang dumating. Pagdating ko sa bahay no'ng araw na 'yon, may linya na kami ng telepono. Tapos binilhan na 'ko ni Mama ng cell phone matapos ang isang daang pakiusap at pagdadahilan na kailangan ko talaga. Siguro, ganito lang talaga. Hindi talaga kami destined. Dumadating lahat ng suwerte kung kailan bibitawan ko na siya.

Haha! Ang drama ko na naman. E, hindi pa nga nagiging kami.

Tumawag ako kay Marj para sabihing may telepono na kami at may cell phone na 'ko. Siguro siya lang muna ang sasabihan ko na may contacts na 'ko para wala munang aberya.

548 HeartbeatsWhere stories live. Discover now