The 64th Shopa

2.8K 153 17
                                    


DENNIS POV

Dug..

Dug..

Dug..

Dug..

Kainis bakit parang may aso dito sa puso ko kanina pa to aaaa! Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba yung nakita ko kanina sa may C.R.

Si Lucario ba yun? Hala! Minumulto na ata ako ni Lucario! Hindi kaya deads na siya tapos gusto niyang bawiin na si maulee!

Kaya niya siguro binigay tong pusa niya kase alam niyang matetegi na siya?!

Dug..

Dug..

Dug..

Dug..

Ano ba ito. Para akong nahihilo, nalilito tapos panay tingin sa audience. Pero hindi eee, hindi multo yung nakita ko. Totoo yun, si lucario nga yun. Pero anong ginagawa niya dito?

Balak na kaya niyang kunin si maulee!

Hindi pwedeeeeeeeeeeeeee! Marami na akong perang nagasto sa pusang yun. Pwede ko rin tong mabenta si maulee noh, pag nagipit ako.

"Dennis"

Tinawag ako ni ate myril.

"Your turn.."sabi pa niya.

Hala ako na agad. Muli nanaman bumalik ang kaba sa aking dibdib, dagdag mo pa tong si Dwife kung makatitig naman sa akin. Hinahanap niya siguro kung nasaan si maulee.

"Cazi! Cazi! Cazi!"

Malakas na hiyawan na may kasama pang pagtambol ang namuo sa gym ng tumayo na ang baklitang ito. Kulay yellow ang wig niya ngayon na may design pang saging! Tapos naka saya siya!

Parang nahihiya tuloy akong humakbang sa gitna wala man lang nagchecheer para sa akin.

"Cazi! Cazi! Ipanalo si Cazi! Cazi siya ang Deserving Cazi! Cazi!"

Kainis..

Nakakayamot ang pagmumukha niyang parang nagpapakadalagang pilipina sa suot niya! May iniindorso ata to dahil sa kulay ng wig niya eee!

Tapos yung tatlo niyang alipores naman ay nakabantay sa likuran niya. "Go na.." sabi sakin ng mga kasama ko.

Inilapag ko yung bag ko sa upuan ko at pumunta na nga ako sa podium.

"Matapos maringig ang debate ng mga secretary candidate ay dumako naman tayo sa isa sa mga mataas na posisyon na pinaglalabanan ng dalawang ito na nasa harap natin" sabi ng isang moderator.

"Mula sa Partylist A ay ang tumatakbong Vice President mula sa Second Year department.. walang iba kundi si Dennis R. Hernandez.. Bigyan po natin siya ng palakpakan"

Napangiti naman ako dahil sa may mga palakpak naman akong natanggap. Medyo malakas rin ang mga yun.

"Dennis!" pagtingin ko ay nakita ko si Louie kasama ang iba pa niyang kaibigan. "Kaya mo yan.." dugtong pa niya. Nginitian ko naman rin siya sabay balik ng presensiya dito sa stage.

"At mula naman sa Partylist B.. ang pretty third year representatvie na tumatakbo ring Vice President.. Walang iba kundi si.."

"Wait!"

BIGLANG EXTRA NG BAKLANG YELLOW!

Lumapit siya sa dalawang moderator at inagaw yung isang mic. "Let me introduce myself.."

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Where stories live. Discover now