The 126th Shopa

1.2K 128 159
                                    

BRENTH POV

Suspended na lahat ng klase sa Metro Manila dahil sa sobrang lakas ng ulan.

Nagluto ako ng instant noodle habang nakatambay dito sa balkonahe ng kwarto ni Bunso.

Kasama ko ang dalawang pusa na kapwa tulog sa kabilang upuan. Napakalamig, antahimik ng paligid.

Pagkatapos kong higupin ang huling sabaw na natitira sa mangkok ay binitbit ko 'yon para dalhin sa kusina.

Paglabas sa kwarto ay nakasalubong ko si Kuya Clifford. Dala dala ang laptop niya.

"Nakakausap mo ba ang kapatid mo" Alam ko nag aalala siya, kahit di niya ipakita sa blanko at seryoso niyang mukha.

"Wala po atang signal sa Isla" kita ko ang pagguhit ng inis sa kanyang mga labi.

"Paano natin malalaman na ayos siya 'don" di ko alam ang isasagot ko dahil di ko rin alam if paano makaka usap si Bunso.

Pareho kayo ni Ganny.

"Try ko pong tawagan mamaya" nakakunot na ang noo niya. "Alam ko, last day na nila ngayon"

"Yon nga huling araw ngayon, aba paano sila makaka alis sa isla kung ganito ang panahon"

"Sabi sa balita, maya pa ata hapon sa--"

"Nariringig mo ba sinasabi mo Brenth" inis na ngisi niya. "Mamaya pang hapon ang landfall? Anong pinagkaiba nun, nasa panganib parin ang kapatid mo dahil napapalibutan sila ng tubig sa lugar na 'yon"

Alam ko.
(-.-)"

"Lalabas ka ba?" pagpapalit niya sa usapan.

'Hindi'

"Paloadan mo nga ako, hindi nagana mga mobile transaction ko." sabi nito. "Gusto ko rin makausap kapatid mo, ibigay no sakin mamaya number niya"

Napakamot nalang ako. Ayoko lumabas eh.

May inabot siya saking isanglibo
"Magkano kuya?"

"Five hundred, regular" pagkatapos ay dumeretso na ito papunta sa kwarto niya.

Bat di kase mag asawa nalang para may nauutusan.

Dumeretso ako sa kusina.
Hinugasan ko muna yung mangkok bago lumabas.

Nakatsinelas, short at puting Tshirt lang ako. Nagdala nalang din ako ng payong, kahit pwede ko naman gamitin ang sasakyan ni Kuya.

Nakakamiss narin maglakad dito sa subdivision.

"Manang pabukas nalang po pagbalik ko" paalam ko sa matandang naglilinis ngayon sa sala.

Malakas ang ulan at ang kalangitan ay kulay abo, Umaga palang pero andilim na.

Dahan dahan akong naglalakad sa gilid ng kalsada.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Where stories live. Discover now