Chapter 4

1K 44 0
                                    

Chapter 4

Coleen's Point of View

Nagtataka ako ngayon sa mga sinabi nitong lalaking 'to sa pulis na kaharap namin ngayon. Akala ko, kaya kami nagpunta rito para ireport niya ang ginawa kong pagpasok sa bahay niya ng walang permiso kagabi pero nagkamali ako.

Ini-report niya sa mga pulis ang pangyayaring insidente sa akin kahapon, 'yong nanakawan ako ng wallet pagkababa ko ng taxi.

"Miss, sa ngayon, wala pa muna tayong makukuhang information sa pangyayari. Pero magre-report kaagad kami sa 'yo basta iiwan mo sa amin ang cell phone number mo para matawagan ka kaagad," sabi ng pulis.

Binigyan ako nito ng papel at pinasulat niya ang cell phone number ko kaya sinunod ko.

Pagkalabas namin ng pulis station sumakay kaagad ang lalaki sa motor niya samantala ako nakatitig lang ako sa kanya. Di ko lang maimagine na sa kabila ng perwisyong dinulot ko sa kanya e tinulungan pa niya ako.

Maya-maya pa umalis na nga siya nang hindi ako nililingon. Sayang lang at hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya para sana mapasalamatan siya. Napakalaki kasi ng naitulong niya sa akin.

Ngunit ang kailangan kong problemahin ngayon ay kung saan ako susunod na tutuloy. Kahit singkong butas walang-wala talaga ako.

Nakaramdam ako ng gutom, lalo na nung naglalakad na ako sa kalye at makita kong may mga nagtitindang pagkain dito sa kalsada.

Mga pagkaing pinoy pa man din na gustong-gusto kong kainin dito sa Pilipinas. Pero sadyang hanggang pagtingin nalang talaga ako at paglunok ng laway. Naalala kong hindi pa nga pala ako nag-gagabihan at nag-aagahan. Sobrang lipas na ako sa gutom pero wala talaga akong magagawa kundi ang magtiis.

Napahawak ako sa tiyan ko. Nakakainis lang dahil sumasabay pa ang pagsakit ng puson ko. Sandali akong huminto at umupo nang makakita ako ng isang Park. Umupo ako sa bench sa tabi ng puno dahil malilim. Kinuha ko 'yong picture frame dahil naglalaman ito ng picture ng masaya kong pamilya.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Habang kasi nakatitig ako sa litrato naalala ko 'yong mga masasaklap na pangyayari sa pamilya namin dahilan para mag-isa nalang ako sa buhay. Tapos no'n hindi ko na naman maiwasang hindi magtanong sa itaas kung bakit kailangan ko 'tong maranasan.

Ang sakit kasi, ang bigat sa pakiramdam. 'Yong walang-wala ka na talaga tapos wala ka pang pamilya. Hindi ko alam kung saan pa ako huhugot ng lakas para mabuhay.

Naisipan kong ibalik nalang ang picture frame bago pa man bumaha ng luha ko rito sa Park. Tumayo na ako at muling naglakad-lakad habang kala-kaladkad ko ang nag-iisa kong maleta.

Tinago ko sa lalaking tumulong sa akin kanina ang passport ko. Sinadya kong hindi 'yon sa kanya ipakita. Nasa akin 'yon. Nagsinungaling ako sa kanya. 'Yong binigay ko namang cell phone number sa pulis kanina hula-hula ko lang 'yon. Kung bakit ko 'yon lahat nagawa dahil pinoprotektahan ko lang din ang sarili ko. Pero totoong nanakawan ako kahapon pero wallet lang 'yon.

Hanggang sa inabot na naman ako ng gabi. Nakakita ako ng isang maliit na kainan pero kagaya kanina hanggang tingin nalang talaga ako sa kanila. At dahil hindi ko na kayang maglakad napaupo nalang ako sa isang sulok.

Nakayuko lang ako sa maleta ko habang nagdarasal. Sumasakit na kasi talaga ang tiyan ko kasabay ng puson ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matitiis 'to. Hanggang sa na luluha na naman ako. Bahala na.

*****

Zd's Point of View

Sunod-sunod ang mga text message ang bumungad sa cell phone ko pagkauwi ko rito sa bahay. Galing ang lahat nang 'yon sa mom ko. Sinamahan pa 'yon ng twenty miss calls ng bago niyang asawa kaya binasa ko.

Gusto nila akong imbitahan sa isang kainan bilang isang pamilya.

As if namang pupunta ako at makipagplastikan sa step-brother at step-father ko, nagpapatawa ba sila?

Matagal na akong bumukod, three years na. Hindi ko na kasi matagalan 'yong mga nakikita ko sa bahay sa tuwing kasama ko sila.

I'm Zyrey Do, pero mas gusto kong tawagin akong Zd dahil kinamumunghian ko ang pangalan ko maging ang buo kong pagkatao dahil diring-diri ako. Isa ako sa mga milyon-milyong produkto ng broken family. Yeah! Wasak na pamilya, wala akong tinuturing na ama at ina kahit buhay pa sila.

Mayroon akong step-father pero hindi ko siya gusto. You know why? Best friend siya ng dad ko. Yeah, tama 'yong narinig ninyo, ng dad ko. Ewan ko kay mom kung bakit niya naisipang patulan 'yong lalaking 'yon kahit alam naman niyang may mali dahil nga best friend 'yon ng dad ko.

Hindi na niya inisip pa ang sasabihin ng mga tao.

Aaminin ko, nung bata pa ako, tampunan ako ng tukso dahil sa mga sinasabi nilang malandi ang mom ko at nangaliwa naman daw ang dad ko. Kaya everytime I heard those stupid things sinusuntok ko ang mga kaklase kong lalaki. Nakikipaghamunan ako ng suntukan sa kanila. I don't care din kung babae kaya naman lagi ako noong napapaaway.

Of course, they are my parents so It's natural to I felt hurt.

Hindi ako no'n umuuwi nang hindi paga ang kamao ko at may galos ako sa mukha. Almost everyday my mom always gets a call from the faculty. Nagagawa ko 'yon because of my family problem. I'm affected so much.

But I'm a guy kaya ang mga problemang 'yon, dinadaan ko nalang sa bugbugan. I don't want to cry.

Pakiramdam ko kasi hindi ako isang tunay na lalaki, kaya halos makilala ako no'n sa iba't-ibang school dahil palipa't-lipat ako no'n ng paaralan. Dumating pa nga sa pagkakataon na huminto ako dahil ayoko na, I feel like I'm giving up.

And because my mom had been married to my father's best friend, nagbunga 'yon, may step-brother ako. Ilan taon ang tanda ko sa kanya mga tatlo. Nabubuhay silang masaya kasama ng mom ko sa iisang bahay kaya umalis na ako ro'n.

I don't care if they're happy. Magsama-sama sila cause I hate them all!

I kinda hate the word Family.

Si dad kasi, limang taon pa lang ako no'n nang huli ko siyang nakasama. Sobrang saya namin everytime na nagbobonding kami as a family. I can remember it even I was a kid. Marami ako no'ng mga laruan. Sagana ako sa pagmamahal. Binubuo pa ako non ng may ama at ina.

Pero noon 'yon, hindi na ngayon...

Iniwanan ako ni dad dahil sa babaeng bali-balitang dating ka-Live-in partner ng step-father ko ngayon na nagngangalang Sophia. Nakilala ko siya dati noong bata pa ako. Natatandaan ko pa siya. Pero 'yong babaeng 'yon, yeah tama ulit 'yong narinig ninyo, na ka-Live in partner siya dati ng asawa ng mommy ko ngayon na si tito Darren.

Pero wala akong pakialam sa napakagulo nilang nakaraan kung nagpalit-palit man sila ng kinakasama. Palagi ko nalang tinatanong ang sarili ko kung bakit pa ako napasama sa magulong pamilya na 'to. Kinamumunghian ko ng sobra ang pagkatao ko. I wish I wasn't born in this world if I'm always alone.


Saving The Glass Heart

Written by MsjovjovdPanda
2019 All Rights Reserved
2nd Generation of Darren Min & Zyren Do SERIES

Votes | Comments

Thank you so much, JOVinians

-Miss Jov 💕

Saving The Glass Heart (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon