Chapter 7

1.8K 68 76
                                    

Chapter 7

"Hello, miss? Are you alright?" tanong pa niya.

"Ha?" Bigla naman akong natauhan nang magsalita ulit siya. Tapos no'n tumango-tango ako. "Ah, oo, naman." Palihim akong napakagat ng labi. Ang awkward kasi. Nakita kong bahagya siyang natawa.

"Take it. You said you are hungry. Don't worry, walang lason 'yan."

Nag-aalangan ako kung kukuhain ko ba. Napatitig tuloy ako ro'n sa paper bag. Pero kapag hindi ko 'yon kinuha nakakapanghinayang. Siguro naman malinis talaga itong pagkain at walang lason. Mukha naman din kasi siyang disenteng tao.

"S-Salamat." Nautal pa ako.

"You're welcome. Saan ka ba papunta? I can drive you safely wherever you go."

"Naku, hindi na! Nakakahiya naman." Nilihis ko ang tingin sa kanya. Saan naman daw ba kasi ako pupunta, wala naman 'di ba?

"No. I'm willing to drive you safely."

Napatitig ulit ako sa kanya. Di lang siya guwapo, mabait pa.

"Kuhain ko nalang 'yong number mo—este ano—wag na. Malapit lang naman. Diyan lang ako sa kabilang kanto," pagsisinungaling ko.

Nakita ko ulit siyang tumawa. Tapos napakamot naman ako.

"Okay, hindi na kita pipilitin. But may I know your name? By the way, I'm Warren, Warren Min." Nakikipagkamay siya. Nagulat lang ako kasi parang napakagalang niya.

"Coleen," pagpapakilala ko rin kasabay ng pag-abot ko ng kamay ko sa kanya. Pero nagulat ako nang maginoo niyang hinalikan 'yong kamay ko kaya namula ako.

"Nice to meet you, babe," sabi niya. Tapos no'n tinalikuran na niya ako. Sumakay siya sa magarang sasakyan tapos kinindatan pa niya ako bago siya tuluyang umalis.

Mabilis ko namang pinisil-pisil ang pisnge ko. Pakiramdam ko kasi kulay kamatis na ito. Tinawag pa niya akong babe. How I wish dahil wala akong bahay ngayon. I need a boyfriend!

Nang maalala kong binigyan niya ako ng makakain kinuha ko ulit 'yong paper bag sa tabi ko. Natuwa naman ako dahil sa dami ng laman nito. Sari-saring pagkain tapos no'n nagulat ako ng may calling card niya itong laman. Baka sinadya niyang lagyan. Napatitig tuloy ako sandali tapos maya-maya napapangiti.

*****

Warren's Point of View

Pagkapasok na pagkapasok ko rito sa loob ng bar agad akong sinalubong ng tilian ng mga kababaihan. Nagbubulungan ang ilan sa kanila at sumasalubong naman ng halik ang iba.

Sanay naman ako sa ganitong pangyayari bakit ba kasi hindi? I am the son of Darren Min, kilalang Chick Magnet King nung mga panahong kabataan niya. Saan pa ba ako magmamana, of course sa kanya.

Lips to lips ang gusto ng huling babaeng lumapit sa akin kaya pinagbigyan ko kahit pa sa harapan ng maraming tao. Hingal na hingal siyang kumalas sa labi ko nang matapos namin 'yon. Pero napangisi ako nang magyaya siyang makipagtalik sa akin. Nakadrugs ba siya?

"Katalina, wala ako sa mood ngayon. Get out of my way." Mahina ko siyang hinawi, sapat lang 'yong mabigyan niya ako ng daan. Wala ako sa mood ngayon, bukod pa ro'n nagsasawa na rin ako sa kanya. Sapat lang na minsang parausan lalo na kapag wala akong maikama.

Minabuti kong puntahan ang private room. Sa pinaka loob nito mas malakas ang tunog. Lahat nagkakasiyahan, lahat umiinom ng alak, walang badmood, lahat masaya.

Habang umiindak ang lahat, nilapitan ako ng isang babae at hinahatak niya ako sa dance floor. Dirty dance ang ginagawa ng lahat ngayon. Ang suot ng ilan mga nakatopless. Kung titingin ka naman sa parteng madilim may kababalaghan na nagaganap..

"Go die, bitch!" Nagulat ako nang may sumapak sa babaeng humahatak sa akin patungo ng dance floor. Napangisi naman ako ng si Queen pala 'yon, isa rin sa mga parausan ko.

Agad niyang sinakbit ang mga kamay niya sa braso ko nang lumapit siya sa akin. Minabuti kong maupo muna kaming dalawa.

"Sweetie, I want..." Umiikot-ikot 'yong mga mata niya sabay kagat sa ibabang bahagi ng labi. Nagyayaya siyang makipagtalik sa akin katulad ni Katalina kanina. Napangisi nalang tuloy ako habang umiiling. Kinuha ko 'yong alak na nasa harapan ko at ininom ko 'yon.

"Sweetie, not now," pagtanggi ko sa kanya. Kinuha ko 'yong cell phone ko nang magvibrate ito.

"Letche!" narinig kong sabi ni Queen kasabay ng pagbitaw niya sa braso ko. Padabog din siyang umalis kaya napailing nalang ulit ako. Di ko kasi yata siya napagbigyan.

Ang mga babaeng 'yon, ang lakas mangyaya makipagtalik sa akin, akala naman nila seseryosohin ko sila.

Ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa cell phone ko. Tinignan ko kung sino 'yong nagtext sa akin, mga kaibigan ko pala. Bakit ba naman kasi nasa ibang bar sila? Baka nagsasawa na rin dito dahil pinapapunta nila ako ro'n ngayon. Maya-maya pa nga tumawag na sila sa akin kaya napaoo na ako sabay alis ko rito.


Coleen's Point of View

Hingal na hingal ako ngayon habang nananakbo. Kaliwa't kanan ang pagtingin ko sa mga iskinita dahil hinahanap ko ang mga baliw na nantrip sa akin kanina. Bukod kasi sa hinablot nila ang kinakain ko, pati 'yong maleta ko tinangay rin nila.

Nanlalambot tuloy akong napaupo sa kalye. Bakit ba kasi ganito ako kamalas? Pati ba naman kaisa-isa kong maleta nanakawin pa nila?

Napasuksok tuloy ako sa mga binti ko. Nando'n ang lahat ng mga papeles ko. Mas lalong paano na ako ngayon? Maraming mga importanteng gamit doon bukod sa mga damit ko. What an amazing life!

"I don't want to live! I want to die now!" sigaw kong malakas na malakas nang pumunta ako sa bridge. Sobrang taas nito. Nakakalula pero sa tingin ko wala na kasi akong pag-asa. Naiiyak na talaga ako. Sobrang napakamalas ko talaga. I am nothing now.

Mommy, daddy, please forgive me. I can't live without anything. I live like a mouse now, mas mahirap pa sa daga. Wala akong mapaghingian ng tulong, everything is gone.

Sinubukan ko ng ihakbang ang mga paa ko. My doubt ako sa gagawin ko kaya naluluha na ako. Pero kasi, wala naman akong lakas ng loob para ipagpatuloy pa 'tong buhay ko. I've already made my desicion.

Sinimulan ko ng ipikit ang mga mata ko. Huminga ako ng napakalalim at muli akong humakbang. "Please forgive me, mom, dad," bulong ko pa.

*****

"S*! Miss, what are you trying to do?!"

to be continued...

Sino kaya 'yung nakakita sa kanya? Si Warren or si Zd?

Ito na po 'yung mga umaabang sa 2nd generation. Salamat sa mga patuloy na susuporta.

Written by MsjovjovdPanda2019 All Rights Reserved 2nd Generation of Darren Min & Zyren Do SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Written by MsjovjovdPanda2019
All Rights Reserved
2nd Generation of Darren Min &
Zyren Do SERIES

Votes | Comments

Thank you so much, JOVinians

-Miss Jov 💕

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Saving The Glass Heart (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon